64: Regrets–2
“Ma’am makinig naman kayo, bawal nga kayo dito.” giit nang babaing security. “Kami naman ang mawawalan ng trabaho kapag hindi namin sinunod ang utos nang boss namin. Kaya–” isang malakas na sampal ang ikinatahimik nang babae.
“Hindi lang ‘yan ang aabutin mo kapag pinigilan n’yo pa ako.” Banta ni Atasha sa
namumulang mukha. Walang tigil ito sa pagpupumilit nang umagaw sa atensyon niya ang babaing kapapasok lang sa entrace.
“Tingnan mo nga naman,” madilim ang mukhang saad ni Atasha. Sabay tulak sa isang guard na pumigil sa kanya. “Hindi pa tayo tapos,” banta nito sa mga security sabay duro sa mga ito.
Pasimpling ipinasok niya sa bag ang kamay niya at kinapa ang bagay na naroon. Ang plano niya gamitin ‘yon para takutin at konsensyahin si Zade. “Mukhang sa ibang paraan kita magagamit,” monologue niya habang nakatitig sa babaing abala sa phone nito.
Gumuhit ang matalim na ngiti sa labi ni Atasha. Habang walang kamalay–malay si Yuri na nakangiti pa.
“Lagot ka sa aking babae ka,” anitong mabilis nang humakbang para salubungin si Yuri.
NAGTAKA AKO sa mga taong nasa may entrance ng building. Pero dahil kausap ko si Moira kaya hinayaan ko na lang at tuloy–tuloy na akong pumasok. “Sigurado ka bang gusto mo talagang kausapin ang asawa mo ha girl?” naninigurong tanong ni Moira sa akin. “O baka naman?”
“Tumigil ka nga, sasabihin ko sa kanyang hindi ako papayag. Hindi tama yon!” giit ko dito.
“Sus hindi tama, o takot ka lang na mapatunayan mo sa sarili mong tama ako, hindi ka pa nakakamove on girl,” pang–aasar sa akin ni Moira.
“Alam mo isa ka pa,”
“Kasi naman dapat isinama mo ako, para makita ko si Javier. Infairness napakaboyfriend material ng baby Javier ko. At habang tumatagal nagiging mas pogi siya sa paningin ko,” natawa siya dahil doon. Kahit hindi niya ito nakikita alam niyang nakabungisngis si Moira.
“Kaya laging mainit ang ulo ni Clarence ngayon. Puntahan mo na kaya.”
“Ayaw ko nga, hindi niya nga magets kong anong gusto kong sabihin ng huling nag–usap kami. Matalino pero tanga naman,” asar na reklamo pa nito.
“Miss!” dinig kong sigaw nang kung sino. “May patalim siya!” anang tinig, pero wala naman akong nakitang tao. Subalit ng tumingin ako sa direksyon paharap. Kita ko ang nanlilisik
64 Regrets–2
mata na ni Atasha na mabibilis ang hakbang habang palapit sa akin.
Claim
“Ikaw na hayop ka!” Sigaw nito na ikinatigalgal ko nang makita ko ang hawak nitong patalim.
“Oh God!” Usal kong napaatras pa ako dala nang takot.
“Yuri bakit?”
“Mamatatay kang pvtang ina ka!” tila ako nanigas sa sandaling iyon. Gusto kong tumakbo palayo, para iligtas ang sarili ko pero para akong walang lakas habang nakikita ko ang galit sa mukha ni Atasha, at ang patalim na hawak nitong nagdulot ng labis na takot sa pagkatao
Dinig ko na ingay ng paligid ko. Pero para akong ipinako sa kinatatayuan ko.
“Yuri, what going on…” panic na tanong ni Moira.
“No!” Sigaw nang utak ko. Naroon ang takot at kaba pero bakit hindi ako makagalaw.
Naririnig ko ang ingay sa paligid pero nakatuon ang tingin ko kay Atasha. Ang galit nitong mukha at ang mabilis na pag–angat ng kamay nito para saksakin ako.
“No!”
“Kasalanan mo lahat nang kamalasan ko, kaya mamatay kang hayop ka!” Sigaw nito pero ang tanging nagawa ko lang ay ipipikit ang mga mata ko. Waiting for the knife to pierce my flesh. Hanggang sa isang singhap nang kung sino ang narinig ko at ang sigaw nang ilang naroon. Kasunod nang kung sinong yumapos sa akin sabay hila sa nanlalambot kong mga
tuhod.
Noon lang ako natauhan nang bumagsak kami sa sahig habang hawak ng kung sino ang likod ng ulo ko. At isang paungol na daing ang narinig ko at nagpabilis sa pintig nang pulso ko. Dahilan upang mapamulat ako at makita ko si Zade na siyang nakadagan sa akin.
“Na..nasaktan ka ba?” Nakangiwing tanong nito. Habang naririnig ko ang malakas na sigaw at mura ni Atasha. Nagawa ko pang makita itong hawak–hawak nang tatlong lalaking naka–uniporme. At ang patalim na nasa sahig at may dugo. “May masakit ba sa’yo?” ulit na tanong nang nag–aalalang tinig ni Zade.
Subalit ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang umaagos na pulang mantsa sa balikat nito.
“Zade!”
“Okay la-” hindi na nito nagawang matapos ang sasabihin. Nang bigla na lang itong napaluhod sa harap ko. “You’re fine,” sambit pa nitong napangiti bago ito kusang bumagsak
64 Regrets–2
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)