66: Paid Off–2
“Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko, Clarence. Pero si Yuri ayaw man niyang aminin, kita ko namang mahal pa rin niya si Zade. Iyon ang lamang sa akin ng lalaking ‘yon,” masama ang loob na sagot nito. “Kung bakit kasi ang hirap ipilit na mahalin ka nang taong gusto mo,” anitong muling tumunga nang alak.
“Si Moira sa tingin mo, gusto na talaga niya ang Javier na ‘yon? She’s ignoring me at kanina ipinagmalaki pa niyang mas sweet at caring si Javier kaysa sa akin. Kulang pa ba ang mga ibinibigay ko para maging sapat sa kanya? Lahat ng regalo ko, ipinabalik na niya. She’s fvcking annoying!” Hindi niya kayang sabihin sa kahit kanino na nagbabago na nga si Moira. With those smiles, he knew it.
“Masyadong seryoso ang usapan n’yo mga pare,” anang masiglang tinig ni Wendel na kadarating lang. “Pasensya na late ako,” paumanhin nitong naupo na sa upuang katapat ni
Clarence.
“Bakit ba masyado kang busy lately?” sita ni Martin sa kaibigan.
“Marami lang akong inaasikaso,” makahulugang saad nito. “teka nabalitaan n’yo ba ang nangyari sa Delamers kahapon, nagwala pala si Atasha.”
“Huli ka na sa balita, buti hindi natuluyan nang pinsan mo,” ani Clarence.
“Talaga ba? Pero pabor kay Zade Larzon ang nangyari, balita ko pumayag na si Yuri na bumalik sa bahay niya.”
“Ano!” halos sabay na bulalas nila Martin at Clarence.
Teka— ang usapan magtatrabaho lang si Yuri sa kompanya nang lalaking ‘yon. Ano bang iniisip niya!” pikang lintaya ni Clarence na napamura pa.
“Mukhang nagbunga ang sakripisyo ni Zade magtagumpay lang para mabawi ang asawa niya. Bilib rin ako kay Zade.” Natatawang saad ni Wendel.
“No, I’ll will never accept him as my in–laws.”
“Then do something para hindi sila magkabalikan,” suhesyon ni Wendel na kampanting sumandal pa sa upuan nito.
“Ikaw na lang Martin, hindi pa ako puweding kumilos, may deal kami ni Zade Larzon. Hindi ako papayag na matalo ako ng Javier na ‘yon.” Lihim na dagdag pa niya.
“Ayos lang, ako nang bahala.” sang–ayon nito.
Paid Off 2
Claim
“Nagtataka ako sa’yo Wendel, magpinsan kayo ni Zade pero bakit parang hindi kayo close?” Maya maya tanong ni Clarence dito.
“Dahil makasarili si Zade Larzon. Ayaw niya sa akin dahil hindi kami mayaman tulad ng magulang niya. Pasaway kasi ang ama ko kaya nagkandahirap–hirap kami. Empleyado at hindi isang kamag–anak ang tingin niya sa akin. Mas may tiwala pa nga siya kay Javier kaysa
sa akin!” naiiling at asar na saad nito.
“Puwede bang huwag mo nang bangitin ang Javier na ‘yan, nabubuwisit lang ako eh,” pasinghal na saway ni Clarence dito pero tumawa lang si Wendel.
“Huwag mong sabihing matatalo ka nang tulad ni Javier?”
“Of course not. Never pa akong natalo. At never pa akong nabigo. And I will never let anyone defeat me. Lalo na kung sa Javier lang na ‘yon.” puno nang kombiksyong saad ni Clarence.
KINABUKASAN
NAGULAT AKO nang bumukas ang pinto ng private room ni Zade. At hindi ko inasahan ang panauhin namin.
Bakit parang biglang tumanda ang hitsura ni Mama Natasha ngayon? Tahimik kong puna.
Nawala ang laging maposturang pigura nito.
“Zade,” simula nitong napaiyak pa. “Paki–usap, huwag mong hayaang makulong si Atasha. Kawawa naman ang anak namin,” lumuluhang samo nito. “Yuri, anak. Patawarin mo na si Atasha. Dala lang nang sobrang stress niya dahil sa problema namin sa kompanya,” balining nito sa kanya na kulang na lang pati sipon tumulo. Habang si Papa Gener naman ay tahimik
lang na nakayuko.
“Para na sana kay baby Zen, kaawa awa naman siya kung malalaman niyang nakulong ang ina niya hindi ba. Kapatid mo pa rin siya Yuri at siya pa rin ang ina nang anak ni Zade kaya please, nakiki–usap ako sa’yo patawarin mo na lang si Atasha,” basag ang tinig na usal nito sabay hagulgol.
Kapatid ko at ina ng anak ni Zade. Pakiramdam ko para na naman akong iniinsulto ni Mama
Natasha.
“Ilalayo namin si Atasha, please nagmamakaawa kami sa n’yo. Kasalanan namin ang lahat ng ito,” nagmamakaawang dagdag pa nito.
Hindi ko maiwasang sulyapan si Zade at kita kong pagngiwi nito. Siguradong naguguluhan rin si Zade. Pero alam ko naman ang magiging pasya nito sa huli.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)