69: Push or Pull–1
69: Push or Pull
MALAKAS akong napadaing nang walang kaabog–abog na tinapakan ni Yuri ang paa ko. “Damn it, Yuri!” sigaw ko, feeling the pain on my foot.
“Subukan mo pa ulit gawin ‘yan. Ang injury mo ang susunod,” banta nito sa namumulang mukha. I was sure I saw the anticipation in her eyes in a snap of seconds.
Buong araw akong hindi mapakali dahil sa sinabi ni Wendel. Tungkol sa batang sinabi nito. Kaya inutusan ko si Javier na imbestigahan iyon.
Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa kaka–isip. Paano nga kong may anak na pala si Yuri kay Martin. Iyon ang naglalaro sa isipan ko. But on the other part of my head naroon ang pagtutol.
Bakit hindi sasabihin ni Yuri na may anak na ito sa ibang lalaki? Kaya ang isang bahagi nang
utak ko may munting tinig na bumubulong.
Pero natatakot akong umasa.
“Dadaan ako Zade,” mando nito kaya wala akong nagawa kundi ang umalis sa may pinto. Hindi biro ang sakit ng balikat ko na kahit ilang araw na kumikirot pa rin. And seeing Yuri’s serious gaze, alam kong hindi ito nagbibiro.
“Bakit ba masyado ka nang matapang?” reklamo ko dito.
“Kasalanan ko ba ‘yon?” balik tanong nito sabay irap pero halos magkulay pula na ang mukha
nito.
Oo akong may kasalanan, kung bakit nagbago si Yuri. Kung bakit hindi ko na ito maabot ngayon. Kung bakit malamig pa sa yelo ang mga titig nito. “Pasensya na. Bumalik ka agad, palitan mo ang bandage ng sugat ko,” nakangiwing bilin ko dito. At walang salitang umalis
na rin ito.
Asar na napahiga na lang ako sa kama ko nang magring ang phone ko. At muntik na akong mapamura nang makita ko ang larawang ipinadala ni Javier sa akin.
Muntik nang malaglag ang puso ko habang nakatitig ako sa larawan. Si Martin karga ang isang batang babae na cute na cute sa pink headband nito. Ang cute ito at hindi maitatago ang pagkakahawig nio kay Yuri.
Magtitipa sana ako para malaman kong ilang taon na ang bata nang muling magmessage si Javier. Kaya napa–upo akong sa kama.
69 Push or Pull 1
Claim
“Sampung buwan pa lang raw ang bata sabi noong Yaya.” Para akong nanigas dahil doon. I count in my head. Kung may anak kami ni Yuri nasa isang taon na dapat ang bata. Sa inis ko ay tinawagan ko si Javier.
“Sir,”
“Sabihin mo, sinong ina nang bata? Bakit kamukha ni Yuri ang anak ng Martin na ‘yan?” gigil at sunod–sunod na tanong ko dito.
“Nagtanong ang tauhan natin sa nag–aalaga sa bata, pero hindi pa raw niya nakita ang ina nang bata. Inuuwi lang raw sa bahay nila Martin paminsan–minsan ang baby” paliwanag ni Javier. “Natutuwa raw kasi si Mrs. Alejeros sa bata na anak nga raw ni Martin. Ang sabi bawal pa raw kasing ipaalam sa iba ang tungkol sa ina nang bata. Komplikado daw kasi at baka makasira sa image ng mga Alejeros at ng pamilya nang babae.”
“Ano?”
“Ang speculation raw nang mga katulong, may secret affair daw si Martin sa babaing may asawa kaya—”
“Bullsh*t” di ko napigilang sigaw. “Sigurado ka ba sa mga source mo Javier?”
“Galing mismo ‘yan sa mga imbestigador, sir. Naisip ko
nga baka—”
“Shut up okay! Mag–fact check kayo, huwag puro tsismis lang mula sa katulong.” Singhal ko dito. Sabay tapos ng tawag. “Secret affair sa babaing may asawa.” Nakuyom ko ang kamao ko sa inis. “I have to see them my self.” Iritadong nasabunutan ko pa ang sarili ko.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)