70: Ihip ng Hangin
70: Ihip ng Hangin
TWO DAYS Later
“KANINA KA PA,” inis na baling ko kay Zade. Nasa kuwarto ako para ayusin ang gamit nito. Lunes ngayon kaya may pasok na kami ngayon. Ako naman bilang PA ni Zade. Sabi ni Dad Gaston isipin ko na lang daw na training ko ang pagtatrabaho ko kay Zade.
“Tahimik lang ako dito, bakit ba?” nakangising tanong nito. Habang hawak ang phone at prenting nakasandal sa head board ng kama. Natuwa akong lingo na ako ng gabi tinawagan ni Zade kung anong oras ako babalik. Akala ko nga pababalikin niya ako nang weekends.
Kaya ngayong umaga na ako bumalik para ihanda ang gamit ni Zade. Kahit noong nagsasama pa kami ako ang personal na naghahanda ng gamit nito. Dahil gusto kong matutunan rin akong mahalin ni Zade bilang asawa na hindi naman nangyari.
Pero ang weird nito ngayon. Wala na kasi ang masungit nitong aura. At kanina pa ako naiilang dahil panay ang titig nito sa akin.
“Matagal ka pa ba? Maliligo na ako,” anito pa saka bumangon at napangiwi. Sabay hawak sa
balikat nito.
“Mag–ingat ka kaya.” sermon ko dito pero nagawa ko pa ring lapitan si Zade.
“Nag–iingat ako. Kahapon kasi nahirapan akong magbihis kaya sumakit ang balikat ko,” paliwanag nitong naupo na sa gilid ng kama. Sinalubong nito ang titig ko kaya napa–atras
ako.
“Sana kasi nagpatulong ka kay Aling Susan,” asar na sermon ko pa rin dito upang itago ang kabang muli na namang bumangon sa dibdib ko. Mukha naman kasing hindi ito nagbibirong nasaktan ito kaya parang nakonsensya naman ako.
“Alam mong hindi ako sanay na umaasa sa iba pagdating sa sarili ko, Yuri.”
“Eh bakit umaasa ka sa akin ngayon?” tuya ko dito para kumalma ang puso ko.
“Hindi ka naman iba, asawa kaya kita.” sagot nitong ikinalunok ko. “Hmmp!” nasambit ko sa kawalan ng sasabihin. “Bakit kasi nag t–shirt ka pa alam mong hirap kang itaas ang braso
mo.”
“Ganyan ka ba magalit Yuri? Ngayon ko lang napansin. Ang lambing pala ng boses mo kahit galit ka.” nakangiting saad nito kaya napatitig ako sa mukha ni Zade. Nakangiwi ito pero bakit parang masaya naman ang mga mata nitong nagkikislapan pa.
Claim
tup my Hangin
“Ang weirdo mo, nagpapangap ka lang atang masakit ang balikat mo eh,” akusa ko dito.
“Masakit nga,” ungot nito. Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa titig nitong hindi ko alam kung nagpapacute o totoong nasasaktan nga.
“Fine,” isang malalim na paghinga ang ginawa ko. No’ng nasa hospital kami hindi naman ako nahihirapang palitan damit. Kung bakit kasi nag t–shirt pa, alam namang mahirap isuot at hubarin ‘yon.
Marahan akong yumuko upang simulang itaas ang damit nito. Ilang beses ko nang nakikita ang katawan ni Zade. Pero hindi ko pa rin maiwasang pagpawisan.
“Ah.. aray dahan dahan naman,” reklamo nito nang naitaas ko na ang damit nito. Kung puwede lang takpan ko na nga lang ang mukha nito ginawa ko na. “Yuri, ang tagal masakit na ang balikat ko.” reklamo nito.
“Sa susunod kasi mag–polo ka na lang para hindi mahirap hubarin,” sermon ko na lang dito subalit napasinghap ako nang hapitin ng isang kamay nito ang baywang ko. “Ano-”
“Lumapit ka kasi,” mando nito sabay kabig sa akin. Muntik na tuloy akong matumba dito mabuti na lang napahawak ako sa balikat nito. “Puwede naman kasing lumapit.” dagdag pa nito ng tuluyang mahubad ko ang damit.
“Okay na bitiwan mo na ako. Naihanda ko na ang tub kaya maligo ka na,” mabilis naman ako nitong pinakawalan kaya kaagad akong humakbang palayo.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Zade bago nagpasyang tumayo at magtungo sa banyo. Pero napahinto ito nang nasa may pinto na.
“Yuri…” tawag nito sa akin na ikinagitla ko pa. Sinusubukan ko kasing kalmahin ang puso kong napakabilis ng pintig sa sandaling iyon.
“Ano na naman?” asar kong sagot pero muli na naman itong ngumisi.
“Itong shorts at boxer ko pala paano—”
“Eh di maligo kang nakashorts kung hindi mo ‘yan mahubad mag–isa,” paangil na sagot ko dito sabay irap. “Baliw ba ako para hubaran ka,” monologue ko saka ako tumalikod. “Kaya mo nang i–sout ang polo mo kaya magbibihis na rin ako.” Nasabi ko bago ako lumabas ng kuwarto.
Mabilisan na rin akong kumilos para makapaghanda.
Siguro kong pumayag na lang akong magtrabaho sa kanya, hindi ko sana kailangang tumira ulit dito. “Hay Yuri Ann. Tanga ka lang kasi talaga.” Nasabi ko saka ako tumapat sa shower para maligo.
Thiping Hangin
Claim
Nang matapos ay nagbihis na rin ako nang office attire ko. Pencil cut cream skirt na pinarisan ko nang beige short sleeve blouse at light brown na coat dahil siguradong malamig sa office.
Bitbit ko ang LV bag na regalo sa akin ni Clarence last year. Sabi ni Moira limited edition daw ang bag. Ipinasok ko lang doon ang phone ko at wallet.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa sarili ko sa harap ng salamin. Hindi pa rin ako makapaniwalang isa akong Saavedra. At lahat ng bagay na tinatamasa ni Atasha noon. Walang–wala sa ibinibigay sa akin ni Dad Gaston at ni Clarence.
“Expensive chick,” iyon ang madalas sabihin sa akin ni Moira lately. Kasi naman karamihan sa mga damit kong pang–araw–araw lang, personal na design ni Mrs. Alejeros ang ina ni Martin na may–ari ng Pinks and Gown. Pero tulad nang pangako nito simple lang ang lahat tulad ng gusto ko.
Nang makuntento saka ako bumaba. But to my surprise naroon na pala si Zade sa paanan ng hagdan nag–aantay, looking so handsome on his suit na ako mismo ang pumili.
He too had expensive brand at kadalasan na damit nito ay mga Milano. Isa sa dahilan kung bakit pinagalitan ako nito noon, dahil sa malaking gastos ko sa damit. Pero hindi alam ni Zade na damit nito ang binili ko.
“Ang ganda n’yo Ma’am,” ani Aling Susan ng makababa na ako. Habang si Zade ay nakatitig lang sa akin na parang natulala na.
“Yeah, gorgeous!” tila wala sa sariling sambit nitong nakatitig sa mukha ko. Nag–iwas na lang ako nang tingin dito. “Sa labas na tayo magbreakfast.” agaw pansin pa nito.
“Hindi ka pa ba nag–almusal?” takang tanong ko na ikina–iling nito. Nakahanda na ang almusal kanina pero hindi na lang ako nagkomento.
Naging tahimik ang biyahe namin. But to my surprise sa basement ng A–hotel kami patungo.
“Bakit dito?” Kunot noong tanong ko.
“Breakfast.” Tipid nitong sagot na kusa nang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi nito.
Bumaba naman si Ivan para ipagbukas pala ako ng pinto.
“Enjoy kayo Sir,” magalang na saad ni Ivan na nakangiti.
“Breakfast, tapos dito pa? Ang mahal kaya dito,” paalala ko kay Zade.
Ganun ba, nakapagpareserve na ako sa restaurant. Sayang naman kung hindi tayo tutuloy.”
“Ang dami naman kasing ihinanda ni Aling Susan, hindi ka pa doon kumain.”
Thiping Hangin
Claim
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)