<73 Kakaiba–1
Claim
73: Kakaiba–1
73: Kakaiba
“ANO BANG ginagawa mo Zade?” Kunot ang noong usig ko kay Zade. Naka–uwi na kami. Hindi kasi ito pumayag na umuwi na lang ako sa bahay ni Clarence. Dahil tutulungan ko raw ito sa paper works nito na dinala nito kanina. Pero pagpasok ko sa kuwarto nakahilata naman ito doon.
“Sumakit kasi ang balikat ko,” nakangiwi pang sagot nito. Kaya napilitan akong lapitan ito sa kama. “Parang di ko magalaw.”
“Ha, teka…” nagpanic rin ako kaya na–upo ako sa gilid ng kama para daluhan si Zade. “Bakit, baka kailangan dalhin ka sa hospital.” Di ko mapigilang mag–alala dahil kita ko nang mukhang nasasaktan ito.
“Okay lang magpapahinga lang ako nang kaunti, uminum na ako nang pain reliever.” tangi
nito.
“Anong okay lang? Paano kung lumalala ‘yan,” sermon ko dito. “Bumangon ka na at dadalhin ka namin sa hospital.”
“Wag na, hilutin mo na lang ang braso ko? Nangalay lang siguro.” paki–usap nito.
“Sabi ko naman kasi ako na magdadala nang files, tigas kasi nang ulo mo.”
“Magaan lang ‘yon, napagod lang ako. Sige na massage mo na lang ako,” ungot pa rin ni
Zade.
“Ano?”
“Massage,” giit nito.
“Pambihira,” reklamo ko pero natagpuan ko ang sarili kong ginagawa ang hiling nito. Mabagal na hinilot ko naman ang braso ni Zade. Nang mapansing kong nakangiti si Zade. “Anong nakakatawa?”
“Naisip ko lang. Ano kaya kong may baby tayo—ahhhgg” daing nito nang mapadiin ang pisil ko sa braso nito. “Masakit naman Yuri,” nakakangiwing reklamo nito.
“Ano ba kasing pinagsasabi mo d’yan,” nag–iinit ang mukhang saway ko dito saka ako napalunok.
“Sinasabi ko lang na kung nagkaanak tayo, iniisip ko kasi kong sino ang kamukha niya. Sympre kung ako pogi siguro nang anak natin.” Lintaya nito na ikinahinga ko nang maluwag.
113
73 Kakaiba–1
Claim
Aktong magsasalita ako nang muli itong magsalita. “Kung babae, sigurado kamukha mo. Maganda,” sukat doon ay lalong nag–init ang mukha ko. “Iyong mata niya malamang katulad nang sa’yo.” Kung puwede lang maglaho ako sa sandaling iyon. Dahil sa munting tinig sa utak kong umuusig sa akin.
“Zade, manahimik ka na nga. Imagination mo lang ‘yan. Tandaan mo kay Atasha ka may anak,” asar na singhal ko dito upang itago ang kabang nararamdaman ko.
“Pero hindi ko kamukha si Baby Zen. Kapag tinitingan ko ang bata. Hindi rin siya hawig kay Atasha. Ang weird diba. Kung hindi lang nagpositive ang DNA test namin–” kusa nitong pinigil ang sasabihin.
“So are you suggesting na hindi mo anak ang anak mo. Akala ko ba family oriented kang tao. Kaya bakit ganyan ka mag–isip.”
“Hindi naman sa ayaw ko kay Baby Zen, in fact magaan ang loob ko sa kanya. At sweet rin ang bata. I just hope that I can find that connection between us. Iyong katulad noong sa—” muli itong huminto at umiling. “Forget it!”
“Ewan, okay na ba ang balikat mo?” Pag–iiba ko na lang nang paksa. Baka kung ano pang masabi nito.
“But seriously we can still make the baby— aghhg.. Damn Yuri!” daing nitong napabangon na nang hampasin ko ang braso nito. “Lintek, aalagaan mo ba ako o ano?”
“Ayusin mo kasi ang bibig mo kung anu–anong lumalabas. Hiwalay na tayo Zade at wala nang magbabago doon.” May diing saad ko na ikinasira lalo nang mukha nito. “We had no reason to remain married kaya kung ako sa’yo kusa na akong magfifile ng annulment para matapos na ang lahat sa atin.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)