2.3K
< 74 Zade in Trouble–2
Claim
74: Zade in Trouble–2
“Ibang klase ka rin, ano Sir. Problemado ka kanina pero parang ang gaan ng lakad mo. Feeling mo ba nasa cloud nine ka?” Asar na tanong nito.
“Paano mo alam, nakapunta ka na ba doon?” Pilosopong sagot ko dito. Mabilis ko nang iniwan si Javier ng bumukas ang lift. Kabisado ko naman ang paligid kaya tuloy–tuloy na akong naglakad patungo sa coffee shop na sinabi ni Yuri.
Pero para matigilan nang makita kong kasama nang mga ito si Martin.
“Lintek talagang lalaki ‘to.” Umalsa ang inis sa ulo ko kaya mabilis akong lumapit sa mga ito. Malinaw kong sinabi kay Yuri na ayaw kong may ibang lalaking umaaligid dito. Pero kasama pala nito si Martin.
“Ayos lang naman ako Martin salamat—” dinig kong saad ni Moira dito nang palapit na ako kaya napatitig ito sa akin. At ganun rin sina Yuri at Martin na nasira pa ang mukha. Kita ko pa ang bulaklak na naroon sa tapat ni Yuri.
“Bakit nandito ka?” Iritadong usig ko kay Martin na ngumisi lang. Naasar akong parang baliwala lang kay Martin ang presensya ko, dahil hindi man lang ito sumagot sa tanong ko.
“Hi baby Javier, dito ka. NaO–OP na ako sa kanila,” malambing na yakag ni Moira dito. Napakamot namang sumunod na lang si Javier at tumabi sa puwesto ni Moira. At dahil pang–apatan lang ang mesa napilitan pa akong kumuha nang upuan sa kabilang table saka ako tumabi kay Yuri. Gusto ko sanang sipain na lang si Martin na akala mo boyfriend ng asawa ko, sa sobrang lapit ng upo sa asawa ko. Kaya sa inis ko ay hinila ko ang upuan ni Yuri palapit sa puwesto ko na ikinagitla naman nito.
“Zade!” gulat na usig pa nito.
“I’m trying to protect my property sabi ko naman sa’yo ayaw kong may umamalingid na pangit sa’yo diba?” sermon ko kay Yuri na ikina–iling na lang nito.
“Anong property ang pinagsasabi mo?”
“Oo nga naman, three months mo lang naman makakasama si Yuri. Dahil pagkatapos noon— you’ll be out of her life for good.” Pabalang nasaad ni Martin sa akin. “Dati naman wala kang paki–alam kay Yuri, ngayon para kang kabuti na basta na lang susulpot.”
“At least ang kabuti may ulo. Eh ikaw, para kang magnanakaw. Sasalisi kapag may pagkakataon.”
“Zade!” masamang tingin ang ibinaling sa akin ni Yuri. Pero nginisian ko lang ito.
74 Zade in Trouble–2
“Ipinaalala ko lang naman sa kanya kung sino ako.” kumpiyansang saad ko dito.
“Pasenya na Yuri mabuti pa mauna na lang ako. Magkita tayo sa weekend.” Napipilitang tumayo si Martin at tumalikod pero bago ito nakalayo nagawa kong magsalita.
Claim
“Kasama ko ang asawa ko sa weekend. Wala siyang oras para sa’yo.” Kita kong pagsama nang mukha ni Martin pero tuloyan na ring umalis.
“Bakit mo ba pinag–iinitan si Martin?” mahinang sermon sa akin ni Yuri.
“Ayaw ko sa kanya, nakakalalaki eh. Nahihirapan na nga akong bawiin ka dadagdag pa siya. Huwag ka nang lang aalis sa weekend!” asar na deklara ko.
“Pero–”
“Nagbago na ang isip ko, kung gusto mong umalis sasamhan na lang kita. Kahit saan pa ‘yan.”
Ang katok sa mesa na ginawa ni Moira ang umagaw sa atensyon namin.
“Huwag n’yong kakalimutang nasa labas kayo at may audience sa sweetness overload n’yong nakakagigil lang,” pikang sermon sa amin ni Moira kaya napangisi na lang ako.
“Bakit hindi ba sweet si Javier o kaya si Clarence?” balik tanong ko dito.
“Hindi…” paismid na sagot nito na ikinakurap–kurap ni Javier na napakamot na lang sintido nito. “Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga katawan ng mga lalaking ito at naku—kaya kayong dalawa huwag nga kayong pabida sa harap ko ngayong mainit ang ulo ko.”
“Pasensya ka na mainit rin ang ulo ko dahil sa Martin na ‘yon,” sagot ko kay Moira. Pero pansin kong maluha–luha ang mata nito. Kaya binalingan ko si Javier na seryoso ang mukha. Sa tingin ko alam nitong may pinagdadaanan si Moira base sa tingin nito sa babae. Dahil mabilis nitong inabot ang panyo nito dito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)