9 Guilt
79: Guilt
Claim
79: Guilt
“MAGULO ka rin kasi, kung naniwala ka sa sixth sense ko hindi sana nangyayari ang lahat ng ‘to. Naaawa ako kay baby Zen, dahil hindi mo puweding piliin sila nang sabay.” Napahinto ako sa pagpasok sa kumedor para kumuha ang tubig nang marinig ko ng tinig na ‘yon ni Javier.
“Kailangan ko ba talagang mamili, bata lang si Baby Zen.” bakas ang pag–aalala sa boses ni
Zade.
“Hindi mo naman kasi kailangan mamili Zade.” Lihim na sagot ko saka ako nagtuloy na sa kumedor para uminum nang tubig.
Tahimik naman akong nakabalik sa silid ko. Siniguro kong nakalock iyon dahil baka totohanin ni Zade na matutulog ito sa kuwarto ko.
Ilang sandali rin akong nakahiga pero nakatitig lang sa kisame. Alam ko ang pakiramdam na hindi minamahal nang mga taong akala ko pamilya ko. Kaya hindi ko maiwasang maguilty para kay baby Zen.
At wala akong karapatang agawan ang isang musmos na bata nang pamilyang nararapat para dito. Kaya kong mahalin ang anak ko kaya sa tingin ko mas makakabuting magfocus na lang si Zade sa sarili nitong anak.
lyong ang mas tama. “Dapat tapusin na ang kalukuhang ‘to,” mahinang saad ko sa kawalan. Sa kabila nang lungkot na umaalipin sa pagkatao ko nagawa ko rin namang makatulog.
Subalit sa kalagitnaan ng masarap kong pagtulog dama ko ang paggalaw nang kama ko pero dahil antok na antok na ako hinayaan ko na lang tangayin ako nang panatag na pakiramdam ko.
Kinabukasan.
Nagising ako sa mabining haplos sa balakang ko, pero masarap sa pakiramdam ko ang mainit na kumot na nakayapos sa akin kaya hinayaan ko na lang. Lalo’t nanunuot sa ilong ko ang mabangong amoy na familiar sa akin.
It was as if I was hugging Zade. Subalit ganun na lang ang gulat ko nang hilahin nang mainit na palad ang pang–upo ko kaya bumanga ang balakang ko sa kung anong matigas na bagay na ikinagulat ko pa
Sukat doon ay tuluyang nagising ang diwa ko. Para lang makita ang mainit at may pinong balahibong dibdib na dahilan nang kalmadong pagtulog ko. Habang may mainit na hangin
79 Guilt
ang tumatama sa aking ulo.
Kaagad na kumabog ang dibdib ko. At muntik na atang huminto ang paghinga ko nang pagtingala ko naroon si Zade sa tabi ko. Nakayapos sa akin na nagpa–init ng sikmura ko. Marahas na nakagat ko pa ang dila ko. Para lang matauhan ako.
Hindi tamang masyado kong i–ni–enjoy ang sandaling kaligayahang hindi ko na dapat hangarin pa.
“Anong—” nagawa kong sambit pero matamis na ngumiti lang si Zade. “Paano ka
Claim
nakapasok?” inis kong usig dito sabay bangon pero mabilis akong nakabig ni Zade kaya sa matipunong dibdib nito tumama ang mukha ko. “Zade… ano ba, bitiwan mo nga ako.” halos mautal pa ako habang nagpupumiglas ako sa yakap ni Zade.
“Ten minutes more…” inaantok na ungot nito.
“Anong—let me go kundi masasaktan ka,” banta ko dito. Wala naman itong nagawa kundi ang pakawalan ako kaya mabilis akong bumaba sa kama.
“Paano ka nakapasok dito?” usig ko kay Zade. Nasisiguro kong nagdouble lock ako kagabi.
“Lahat may paraan, Yuri. Ayaw mong iligtas ang hostage ko kaya napilitan akong gawin ‘to. Ikaw na lang ang gagawin kong hostage,” nakangisi pang saad nito.
Seryosong tinitigan ko si Zade. Na ikinawala nang ngiti nito.
“Huwag ka namang magalit wifey ko,” pinalambing pa nito ang boses.
“Tumigil ka na nga, Zade Larzon! Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to ha, nakakainis ka na?” sumbat ko dito na ikinatitig nito ng mataman sa akin.
“Yuri—I’m trying to—”
“Stop trying Zade, wala na tayong dahilan para dito. Just leave me alone okay.” Iritadong napapikit pa ako upang kalmahin ang malakas na pintig ng aking pulso. “Masaya ka ba talagang paglaruan ako ha? Hindi ka na nakakatuwa. Akala mo ba biro lang ang pinagdaanan ako sa tatlong taong kasama kita noon. Kaya paano mo nagagawang ipilit ang gusto mo!” usig ko dito na tuluyang ikinawala nang ngiti nito.
“Hindi naman sa
“No!” sansala ko dito sabay iling “sa tingin ko magaling ka naman na eh, nag–unarte ka na lang. Uminum ka na nga kagabi diba? Kaya malamang magaling ka na ”
“Yuri naman. Gusto ko lang namang mapalapit sa’yo at
79 Guilt
Claim
“Kaya nga nagiging komplikado, because you keep insisting yourself on me. Ano bang mapapala mo ha?” Hindi ko maiwasang makadama nang labis na iritasyon. “Bakit sa’yo ang dali lang nang lahat? Ganyan ka ba ka–selfish Zade.”
“Selfish ba ‘yon? Selfish bang subukang bawiin ka ha, Yuri!” naglamlam ang matang saad nito. Ako ba o ikaw ang makasarili ngayon ha? Can’t we just start over and—” kusa nitong binitin ang sasabihin. “Let’s make it work, Yuri. Bigyan mo naman ako nang chance na bumawi,” samo nitong napahilamos pa. “Sabihin mo lang kung ano pang gusto mong gawin ko, I’ll do it.”
“Wala kang kailangan gawin pa Zade. I just want you out of my life that’s all, kaya tapusin na lang natin ang kalukuhang ito.” Kita kong pagkawala ng kulay sa mukha nito. Na para bang nasasaktan nga ito.
Pero higit na sakit ang nararamdaman ko ngayon. Dahil hindi ko akalaing maapektuhan rin ako. Pero hindi ko kayang ipakita ang kirot na ‘yon kaya’t lumunok ako.
“Wala tayong dahilan para ipilit pa ‘to. Napapagod lang tayo pareho. At ikaw mahihirapan ka lang para sa anak mo. Kung selfish ‘yon. Fine.” Mahinang dagdag ko. Kita kong pagtangisan ng bagang ni Zade.
“I know this is my punishment for hurting you. Pero hindi ko akaling magiging ganyan ka katigas ngayon. lyon ba talaga ang gusto mo, ha Yuri?” Kuyom ang kamaong tanong nito.
“Oo,” walang gatol kong sagot sabay lunok. Walang paalam namang nagwalk out si Zade. At nagulat pa ako nang padabog na isinara nito ang pinto ng kuwarto.
“Mas mabuti na ‘to Yuri Ann..” kumbinsi ko sa sarili ko. Saka ko napaupo sa gilid nang kama.”
“Kailangan ko ba talagang mamili, bata lang si Baby Zen.” mula kong saan ay dinig ko ang tanong na ‘yon ni Zade.
“Ayaw kong ako ang pipiliin mo Zade dahil lang iyon ang akala mong tama.”
“DAMN IT,” asar na sinipa ko ang kanto ng kama po pero napadaing naman ako dahil sa sakit. Pasalampak akong napa–upo sa lapag. “Ba’t ang hirap niyang i–please?”
“Kasi naman sabi ko nang huwag mong ipilit, ‘yan tuloy. Mamaya makasuhan ka nang r*pe n’yan,” nailing na saad ni Javier na pumasok na rin sa kuwarto ko. Nakabihis na ito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)