83: Palusot 101.2-2
“Asa ka,” pairap nitong sagot sabay iwas ng tingin. Kaya napabuntong hininga na lang ako. Baka mali naman ako ng iniisip.
Maya maya pa ay abala na ito sa phone nito habang naka–upo patalikod sa direksyon ko. Ganun rin ako. Nagmessage ako kay Thelma na huwag na munang tumawag dahil kasama
ko si Yuri baka mabuko pa ako.
Ilang sandali pa ay nahiga na si Yuri. At ganun rin ang ginawa ko. Tumagilid ako paharap dito. Kaya binalingan ako ni Yuri.
“Huwag mong susubukang alisin ang unan sa gitna kong ayaw mong masaktan,” banta nito. “dapat kasi sa bahay na lang tayo nang dinner eh.” pairap nitong saad at muling namula ang mukha.
“Masarap naman ‘yong pagkain at kasama pa kita kaya okay lang.”
“Sa’yo okay sa akin hindi,” anito sabay tagilid paharap sa kabilang bahagi.
MARIIN akong napapikit. Pakiramdam ko masyadong maliit ang kama para sa amin ni Zade. Tapos ang dibdib ko pa kanina pa malakas ang kabog. Kaya kahit ayaw ko sanang maligo. Naligo na rin ako para kalmahin ang sarili ko.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at sinikap kong ituon ang atensyon ko sa pagtulog. Pero maya’t maya nakikita ko sa utak ko ang matipunong katawan ni Zade.
“Hindi ka ba makatulog,” dinig kong tanong nito.
“I’m trying, kaya huwag mo akong kausapin.” sagot ko ditong hindi ito nililingon. Pero kahit wala sa harap ko si Zade katawan nito ang nakikita ko kaya mariin kong kinagat ang labi ko. “Ahhgg…“daing ko nang mapadiin ang ginawa ko.
“Bakit?” panic na tanong nitong dumukwang sabay hila sa akin. Muntik na tuloy tumalon ang puso ko palabas sa rib cage ko nang maglapat ang mga mata namin ni Zade. “What happened to your lip,” salubong ang kilay na tanong nitong nagpabalik sa ulirat ko. Ang lapit naman kasi nang mukha nito sa mukha ko.
“Ah—may dry skin kasi tinangal ko,” pagdadahilan ko habang nalalasahan ko ang kalawang sa dila ko. “Wala ‘to, lumayo ka nga,” nanunuyo ang lalamunang taboy ko dito.
“Paanong wala, dumudugo ang labi mo,” anitong naupo na saka tumawag sa front desk asking for cotton buds and cut cream.
“Ayos lang ako, Zade maliit na bagay lang ‘to,” giit ko dito. “Sanay ako sa ganito.” gusto ko
83 Palusot 101 2-2
sanang idagdag pero sinarili ko na lang.
Ilang sandali pa ay dinig na namin ang katok sa pinto. Kaya kusang bumangon si Zade. Pagbalik nito dala na nito ang maliit na medicine kit.
“Upo ka, lagyan natin ng gamot,” utos nito.
“Okay lang na—”
Claim
“Babangon ka ba o bubuhatin kita para bumangon ka,” banta nito kaya kusa naman na akong bumangon. Inalis nito ang unan sa pagitan namin. Magrereklamo pa sana ako nang magsalita ito. “Ibabalik ko rin, Misis. Masyado ka namang takot makagat ko, pero wala kang paki–alam sa sugat mo,” mahinang sermon nito. Habang binubuksan ang maliit na medicine kit. Naglagay ito nang gamot sa cotton buds. “Closer,” utos nito.
“Ha?”
“Lumapit ka,” humugot muna ako nang malalim na paghinga bago ako kumilos palapit dito. Nagitla pa ako nang hawakan ni Zade ang baba ko. At tila naman kuryenteng gumapang sa balat ko ang init mula sa palad ni Zade. Kaya’t hindi ko maiwasang titigan ang mukha nito. “Mag–iingat ka kasi sa susunod, hindi pa nga kita nahahalikan naiinjury ka na kaagad,” nakangising saad nito na itinatuwid ulit ng nababaluktot ko na atang utak.
“Hmmp,” di ko napigilang sambit na ikina–iling nito sabay ngiti ng matamis kaya muli na namang umalsa ang init sa mukha ko.
His gaze was too persuasive for me to look away.
Magrereklamo na sana ulit ako when he silence me with his thumb. “Huwag ka na ngang magsalita. You keep denying pero iba naman ang nakikita ko, bakit ganun?” mahinang tanong nito.
“Imagination mo lang ‘yon,” napapalunok kong giit dito.
“Is it?” naninigurong tanong nitong nakatitig sa mga mata ko.
“Gagamutin mo ba ako o—hmmp,” nanlaki pa ang mata ko nang mabilis na lumapat ang labi nito sa labi ko. I was stunned for a moment na para bang saglit na huminto ang paghinga ko.
“Hindi naman pala kailangan ang gamot” saad nitong ikinabalik nang katinuan ko. “Sapat na ‘yon para gumaling na ang sugat mo, hindi pa magda–dry ang lips mo.” Dinig kong turan pa ni Zade pero parang computer na naghang ang utak ko.
“Did—did you…” nauutal kong usig kaya napalunok ako. “did you kiss me?” finally nagawa kong bulalas dito.
<83 Palusot 101 2-2
Claim
“Nope…” nakangising saad nito. “I was trying to lick your wound para madis–infect ng mabuti. Baka kasi hindi safe itong gamot,” palusot pa nito.
“Anong tingin mo sa akin Zade, uto–uto?” gigil kong sambit upang itago ang
paghuhurumentado nang puso ko. Talo ko pang nakikipaghabulan ngayon sa mga kabayo.
“Pumikit ka,” utos nito sa seryosong mukha.
“Ano?”
“Close your eyes, Yuri.” ulit nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)