89: I want Daddy–1
89: I want Daddy
NASA BIYAHE NA kami ngayon pabalik. Bumili na lang ako nang damit sa malapit na mall sa hotel dahil wala kaming pamalit ni Yuri. Buti na lang nagbukas ang mall kanina dahil humupa na rin naman ang bagyo. Nang sabado nang gabi pero ang bagyo sa room namin ni Yuri, inabot ng madaling araw dahil hindi ko alam kung bakit sarap na sarap ako sa lasa nang isang labi ng asawa ko.
Buti nga hindi nagalit nang sabihin kong mabango ang sabon ng hotel. Well totoo naman. Pero gustong–gusto ko talaga ang lasa sa pagitan ng hita nito. Nakakabaliw na parang ayaw ko nang tigilan.
Ngayon ako nagsisi kung bakit hindi ko man lang ginawa noon. Pero hindi na mahalaga ‘yon ngayon. Dahil araw–gabi talagang mamaga ang tahong ni Yuri sa tubo at bibig ko.
“Mukhang napagod si M’am, Sir?” nakangising puna sa Dan kaya napangiti rin ako dito.
“Masyadong malakas ang bagyo worried lang siya, kaya nakatulog.” palusot kong sinulyapan ko ang asawa kong nakasandal sa balikat ko. Kaya dahan dahan ko itong pinahiga at
pinaunan sa kandungan ko.
“Congrats sir, ngayon ko lang kayo nakita nang ganyan kasaya.”
“Talaga?”
“Oo naman, sabi nga nang ibang empleyado mo sa Delamers para daw kayong may sanib dati.”
“Luko ka, magfocus ka sa daan,” saway ko dito pero hindi ko naman maiwasang matawa na
lang.
“May sanib….” sambit ko nang bigla akong may naalala. Maingat kong kinuha ang phone ko. Ilang sandali lang ay sinagot naman ni Javier ang tawag ko.
“Javier, naka–uwi ka na ba? May ipapagawa pala ako sa’yo?” simula ko
“I’m all ears boss, may sasabihin rin pala ako,” saad naman nito
“Okay, pero unahin mo ‘to bukas, palagyan mo nang makapal na wall curtain ang glass wall sa office ko. At lock na rin sa pinto Utos ko dito pero tumawa lang si Javier
“Tapos na ang kurtina saka ang door lock. Nag–order na rin ako nang sofa bed.”
89 1 want Daddy 1
“Wow, can you read my mind?”
Claim
“Sinabi sa akin ni Dan na magkasama kayo sa room ng asawa mo, at mukhang maganda naman ang resulta kaya tama lang ang ginawa ko, diba?” sagot nito. “dapat kasi noong simula mo pa naisip ‘yon.”
“Oo na, salamat ang husay mong assistant.” Hindi ko tuloy alam kong matutuwa ako o maasar sa huling sinabi nito.
“By the way tungkol sa balita sa review no’ng accountant….” anitong sumeryoso.
“Ano ba yan good or badnews?”
“Parehas,”
“Ganun, sige pero sa lunes na lang ayaw kong masira ang mood ko. Sana lang hindi ganun kasama ang badnews. Sige na uwi ka na rin. Nga pala si Miss Emma ipinahatid mo ba sa driver.”
“Oo. Ihahatid ko ngayon hindi dumating si Ivan naglbm daw. Bye.” Iyon lang at tinapos na nito ang tawag.
Padilim na nang makarating kami sa bahay. Tulog pa rin si Yuri kaya maingat ko na lang itong binuhat papasok sa bahay. At sympre direstso siya sa kuwarto ko.
“This will be your bed from now on, asawa ko. Mas matatag ang kama natin. Kaya magsawa ka sa tubo kong may ulo.” bulong ko dito sabay halik sa sintido nito pero umungol lang si Yuri saka umikot at hinila ang unan.
Pababa na sana ako para iwan muna ito at baka kung ano na naman ang maisipan ko nang marinig ko ang ring nang phone ni Yuri.
At kaagad na nag–init ang ulo ko nang makita ko ang caller. Tumawag rin si Martin kay Yuri noong sabado habang natutulog ito.
“Ang kulit mo rin ano?” asar na sagot ko sa tawag.
“Ikaw na naman… bakit ba ikaw ang sumasagot sa phone ni Yuri.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)