90: Should I not?-1
90: Should I not?
Ciaom
“SA LAHAT NANG babaing glowing at mukhang nadiligan nang bongga, ikaw ang mukhang confuse,” muntik na akong masamid sa sinabi ni Moira na kadarating lang. Kakaalis ko lang nang bahay pagkatulog ni Zayu. Kung hindi sinabi ni Moira na maaga ang alis nito bukas hindi sana ako aalis sa tabi nang anak ko ngayong gabi. Gagawa na lang ako nang excuse kay Zade na hindi ako makakabalik ngayong gabi.
“Ano bang pinagsasabi mo d’yan?” nag–iinit ang mukhang saad ko dito.
“Sus, kunwari ka pa. So ano isinuko mo na ulit ang bandera. Galit na galit si Martin nong sabado.”
“Bakit naman?” Naguguluhang tanong ko.
“Nalaman lang naman daw niyang kasama mo ang asawa mo habang bumabagyo. Kaya sa nakikita kong aura mo ngayon at nakaturtle neck ka pa. Alam kong hindi lang panahon ang binagyo, pati ang keps mo ano?” usig nitong nakangisi.
“Ang bibig mo Moira!” nag–iinit ang mukhang saway ko dito. “Maupo ka nga,” kung puwede lang lumubog na lang ako sa kahihiyan eh. At paano nalaman ni Martin na magkasama kami ni Zade. “Siya nga pala, aalis ka na talaga, hindi na ba magbabago ang isip mo?” pag–iiba ko nang paksa.
“Oo nga ang kulit. Bakasyon lang naman, pero medyo matagal kaya alam kong dapat akong magpaalam sa’yo. Pero mukhang wala naman na ata akong dapat ipag–alala eh.” Nakangiting saad nito. “I’m happy to see you happy Yuri. Mas lalo kang gumanda.”
“Huwag mo na nga akong bulahin. Pero kasi… paano si Zayu?” alanganing tanong ko dito.
“Gaga, anong paano anak mo ‘yon. Anak n’yo ni Zade. Dapat sabihin mo na sa kanya, girl. Bago pa niya malaman ikaw din baka magtampo pa sa’yo ang asawa mo.”
“Paano ang anak nila ni Atasha, saka-”
“Ayan ka na naman, sinabi ko na sa’yo diba Huwag kang matakot sa bruhang babaing yon. Ikaw ang legal wife kaya dapat mas matapang ka At bukod doon, ikaw ang mahal ng asawa mo. Kaya anong ikinatatakot mo
“Saavedra ka at napakayaman nang pamilya mo, kaya bakit ka matatakot sa babaing tulad ni Atasha. Bankrupt na nga ata ang negosyo nila ngayon eh Nabalitaan ko rin yon. Pero hanggang maaari ayaw ko nang maki alam sa gulo nila Mama Natasha
90 Should I not? 1
“Hindi naman sa takot ako.. is just that.” sa sarili ko na lang nasabi ‘yon
Claim
Padilim na nang maghiwalay kami ni Moira. Mag–eempake pa raw kasi ito. Pabalik na sana ako sa bahay ni Clarence nang magring ang phone ko. It was Zade.
“Wife, nasaan ka na? ” Malambing na saad ni Zade sa kabilang linya. Nakalimutan kong bilin nitong sabay pala kami magdinner kaya sa halip na pauwi sa bahay ni Clarence ang tuloy ko sinabi ko sa driver ang address ni Zade.
“Pauwi na nagkita lang kami ni Moira,” ani ko dito saka ko tinapos ang tawag. Para tawagan si Dad Gaston na hindi ako makakabalik.
“Ayos lang anak. Kami na munang bahala sa apo ko. Nandito rin naman ang tita Daisy mo. Mag–e–enjoy na lang muna akong kasama ang apo ko dahil baka isang araw umalis ka na dito sa bahay ni Clarence kasama ng munting angel namin. Hindi mo na nga ata malilipatan ang pinagagawa kong bahay para sa’yo.”
“Bakit naman po hindi? Salamat po Dad. Paki sabi kay Tita Salamat din.”
“Your welcome dear.” Sagot nito sa kabilang linya bago ako nagpaalam.
Pagdating ko sa bahay ni Zade kita kong nakaabang ito sa may pinto kaya napa–iling na lang ako. Preskong presko pa kasi itong mukhang kaliligo lang.
“Akala ko mamamatay na ako sa gutom eh,” ungot nitong sinalubong naman ako nang mainit nitong halik na hindi ko nagawang iwasan. “Dinner na tayo, wife.”
“Magbihis muna ako saglit.” ani ko dito na kaagad namang tumango at inakbayan pa ako paakyat ng hagdan.
Pagpasok ko sa kuwarto nito natigilan pa ako sa malaking bouquet ng bulaklak sa kama. ” hope you’ll like my surprise,” pabulong na saad nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)