93: Overtime–1
93: Overtime
“SIR, GAGAWIN BA Natin ‘to ngayon?” Nagkakamot ng batok na tanong ni Javier nang dinala nito ang mga files na hinihingi ni Zade sa mga directors.
“Oo hindi lang ako ang puweding imbestigahan. Pumayag si Emma na pumunta kaya pagtulungan natin ‘to, mag–overtime tayo ngayon, ayos lang naman diba wifey ko?”
“Sige, para malinis mo rin ang pangalan mo sa board,” sang–ayon ko na ikinangiti ng matamis ni Zade. Nag–aalala rin naman ako sa posibling maging problema nito kapag hindi nalaman kung sino ang may kagagawan nang lahat.
“Okay sige, wala naman akong choice,” sagot ni Javier na nagkamot pa nang batok. “Kunin ko lang iyong iba.”
“Zade ibalik mo na nga muna ‘yong panty ko kasi, hindi na ako komportable eh,” mahinang paki–usap ko kay Zade ng makaalis na si Javier. Hindi talaga nito ibinigay ang underware ko kaya naasar na ako.
“Ssshhh… behave ka nga lang wifey, trabaho muna tayo, mamaya ipapahiram ko sa’yo.”
“Ah talagang…” asar na singhal ko dito na tumatawa lang sa kalukuhan nito. Kung hindi lang nanakit ang balakang ko kanina, lalabas na lang sana ako para bumili nang under ware ko.
“Ito na ang iba. Na–summary ko na ang total funds nila pero iyon lang muna ang magagawa ko, madaliian kasi ‘to,” paliwanag ni Javier.
“Ayos lang apat naman tayo. Hatiin natin by two teams. At bukas ang audit at finance manager ang haharapin natin. Buti na lang talaga nakita mo bago pa lumala ang problema,” anito kay Javier.
“Sa tingin ko tama ang iniisip mo, Sir. Kung nangyayari nga sa’yo malamang posibling nangyayari sa ibang directors, pero sa tingin ko hindi sila maglalagay nag pera sa main account nila lalo na kung may kinalaman ang slashfund diba.”
“Alam ko, pero makikita pa rin natin ‘yon.”
“Paano?” Kunot noong tanong ni Javier na ikinatitig namin pareho kay Zade. Hindi ko rin mahulaan kong anong iniisip nito ngayon.
“Wait ka lang,” sagot ni Zade na may kumpiyansa sa mukha. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Emma.
1/3
93 Overtime–1
Claim
Saglit kaming nagkumustahan, at hindi nakaligtas sa mata ko ang pamumula nang mukha ni Javier at hindi makatingin kay Emma. Mukhang na baling na sa iba ang atensyon nito. Mabuti na rin siguro dahil kahit naman nagdedeny si Moira alam ko namang si Clarence pa rin ang gusto nito.
“Na miss kaya kita, akala ko nandito ka noong sabado eh. Pinilit ko talaga kahit bagyo, para lang makita ka pero wala ka naman pala. Na stranded pa tuloy kami dito ni sungit.”
“Talaga? Hindi mo ata sinabi sa akin Javier na nandito kayo noong bagyo?”
“Hindi ko ba nabangit? Nakalimutan ko siguro.”
“Malamang kinalimutan niya, nainis siya nang masira ko iyong overclean niyang mesa,” nakaingos na kuwento ni Emma. “Ang lala pala ng assistant mo Sir.”
“Oo pero sanay na ako, kaya masanay ka na lang sana. Magsimula na tayo.” ani Zade na kumuha nang apat ba file at ibigay kay Javier. “lyan lang muna sa ngayon. Partner kayo ni Emma, kami naman nang asawa ko.”
“Okay,” masiglang sang–ayon ni Emma na ikinatango naman ni Javier. “Pero ano bang hahanapin natin Sir?”
“Expenses nila. Gaano kalaki ang perang lumalabas versus sa pumapasok. Compare sa acquired assets nila. Iyon lang!”
“Wow, no wonder na isa kang mahusay na businessman Sir,” may paghangang saad ni Emma. “Sure ka na ito lang ang gawain namin? Nakaleave ako since sabi mo OT ako ngayon dito. Plus bunos.”
“Masyado bang malaki ang pangangailangan mo sa pera?” pikang tanong ni Javier na tila hindi nakatiis.
“May bahay at lupa kong kailangan bilhin, ano ka ba? Huwag ka ngang paki–alamero. Magtrabaho na tayo,” mando ni Emma kay Javier na nakasimangot pa. Nabangit sa akin dati ni Emma ang tungkol sa bahay na gusto nitong mabili.
“Kapag natapos natin ‘to within this week, doble ang bunos na pinag–usapan natin,” ani Zade na lalong ikinalapad ng mukha ni Emma.
“Cool, doon tayo sa labas sir na may OCD,” yakag nito kay Javier.
“Puwede naman dito na rin lang diba, guguluhin mo lang ang table ko.” asar na reklamo ni Javier. “Sir alam mong hindi ako makapagtrabaho kapag magulo?” tila batang sumbong nito kay Zade.
“May mamahaling sofa sa area mo, at ayaw kong nakakakita nang lovers sa harapan ko
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)