96: Unfair–1
96: Unfair
MAKIKITA ang pait sa mukha ni Martin sa sinabi ni Zayu pero dahil bata lang naman ito ay ngumiti pa rin si Martin at hinaplos ang mukha ng bata. He loves Zayu na parang sarili niyang anak kaya marahil masakit sa kanyang marinig na mas gusto pa rin nito ang sariling
ama.
“Dadalhin mo ba talaga ang bata sa Daddy niya?” usisa ni Clarence kay Yuri na tila naguluhan rin sa request ng anak nito. Wala pa naman kasi siyang sinabi na ngayon na sila makikipagkita kay Zade.
“Soon but not now, hindi ko pa nasasabi ang tungkol kay Zayu. Ilalabas ko lang sana para magbonding kami,” paliwanag ni Yuri sa kapatid.
“Samahan ko na kayo, wala raw sa mood ang isang ‘to para lumabas,” presenta naman ni Martin. Dahil tumangi kanina si Clarence na samahan itong maglaro sila ng bowling.
“Wala ka bang ibang lakad, Martin, nakakaabala na naman kami nitong makulit na ‘to.”
“I’m always free para sa’yo Yuri alam mo ‘yan.” Makahulugang giit ni Martin. Hindi na rin naman tumangi si Yuri. Sa mall sila nakarating para maglaro si Zayu.
Subalit lingid sa kaalaman ni Yuri may pares ng mga mata ang nakatingin sa kanila ni Martin na kapwa nakatingin sa batang naglalaro sa malaking playpen sa mall.
At lihim na kinuhanan ng larawan ang mga ito na hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa mukha ng dalawang pares na nakabantay sa batang naglalaro.
“Kapag sinusuwerte ka nga naman,” saad nito nitong walang tigil sa pagkuha nang larawan at wala itong pinaligtas na mahahalagang angulo.
“MARTIN okay na kami ni Zayu, nandiyan naman si Ate Rita kaya, pwede mo na kaming iwan,” ani ko kay Martin na mukhang walang planong umalis sa tabi ko habang pinagmamasdan ko si Zayu na tuwang–tuwang naglalaro.
Gusto kong maglibang si Zayu para makalimutan nito ang tinatawag nitong Daddy. Baka magtampo pa si Zade kapag may hinanap na ibang daddy ang bata.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Martin saka ako binalingan. “Ganun mo ba talaga kagusto ang lalaking ‘yon Yuri,” dama ko ang sama nang loob sa tinig ni Martin. “Ayaw kong maramdaman pero parang napaka–unfair sa akin ng pagkakataon.”
“Martin,” mahinang sambit ko. Inusig ako nang konsensya nang makita kong pait sa mata
12
<96 Unfair–1
nito. “I’m sorry pero alam mong hindi kita—”
Claim
“Alam ko naman ‘yon Yuri, I don’t blame you na nararamdaman kong unfair ka. Dahil hindi ko lang maiwasang magselos na nakikita kong masaya ka kasama nang Zade Larzon na ‘yon. Kung alam ko lang na magiging mas mahirap pala sana hindi ko na lang sinubukang mapalapit sa’yo. Lalo na sa bata.” Muli itong bumuntong hininga saka ibinaling ang atensyon kay Zayu.
Kita ko ang pait sa mata nito. I felt sorry for Martin, pero kahit minsan hindi ko ito pinaasa. Alam ko ‘yon sa sarili ko. Pero masakit pa ring makitang nasasaktan ito dahil sa akin. Kaibigan ang turing ko kay Martin at alam kong malaki ang utang na loob ko kay Martin sa mga panahong higit na kailangan ko ng karamay.
“Sabihin mo, minahal mo lang ba si Zade dahil tinulungan ka niya minsan. At may utang na loob ka sa kanya? Kung ‘yon lang ang dahilan—”
“Noong magpakasal kami ni Zade, iyon ang unang pumasok sa isip ko. I have to marry him dahil may utang na loob ako sa kanya. Pero alam kong higit pa doon ang nararamdaman ko kaya nga nasaktan ako diba,” pag–amin ko.
“Then, anong gagawin ko ngayon? You saved me too, Yuri.” seryosong saad nito na ikinatitig ko kay Martin. Subalit nanatiling nakatitig lang si Martin sa mga batang naglalaro sa playpen. “Kaya nga nang makita kita ulit at nalaman kong walang pagpapahalaga sa’yo si Zade, I was eager to have you for myself.” Pagak na tawa ang kumawala sa lalamunan nito.
“Pero bakit hindi mo ako makita tulad ng kung paano mo nakikita si Zade Larzon? I don’t understand that Yuri?” kunot noong tanong nito. Pero wala sa lahat ng sinabi nito ang tinatakbo nang isipan ko.
“What do you mean, that I saved you, Martin?” di nakatiis na tanong ko. Muli itong tumawa saka seryosong tumitig sa akin.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)