12: Paglaya?-1
12: Paglaya?
BUONG ARAW akong hindi mapakali sa opisina ko. Maya’t maya natatagpuan ko ang sarili kong
tinatawagan ang phone ni Yuri.
“Damn it!” pikang sambit ko, kaya muntik ko pang ibalibag ang phone ko. Malapit na atang mapudpod ang daliri ko sa kakatawag sa phone ni Yuri pero laging out of service na ito. “Lintek!”
“Bakit sir?” Takang tanong ni Javier na napahinto pa sa paglapit sa akin.
“Nasaan iyong tauhang sinabi ko para sundan si Yuri?” Kaagad na asik ko dito.
“Ngayon pa lang pupunta, sir? Para sa final interview n’yo sana?”
“What the hell—alam mo bang hindi ko makontact ang babaing ‘yon.” Iritadong napalo ko pa ang mesa dala ng labis na pag–iinit ng ulo ko. Marahas na naihilamos ko pa ang palad ko sa mukha ko sabay sabunot ng sarili ko. “Kapag nakita ko talaga ang babaing ‘yon….Lintek lang…”
“Ahmm, baka naman kasama lang—”
“Iyon na ng! Baka kasama na naman niya ang Clarence na ‘yon.” Kuyom ang kamaong saad ko. “Tumawag ka sa assistant ni Mr. Saavedra. I want to talk to him.”
“Sir….” alanganing tanong ni Javier sa akin.
“Bingi ka na rin ba? Do I have to repeat myself now?”
“Hindi naman pero. Alam mong mahigpit si Mister Gaston Saavedra.”
“Alam ko, kaya nga siya ang dapat kong kausapin. Para bigyan ng leksyon ang walang kuwenta niyang anak. Hindi ko mapapatawad si Yuri kapag nalaman kong nakikipagrelasyon siya sa lalaking ‘yon.”
“Hindi ko kailangan ng pagpapatawad mo Zade,” mula kung saan ay parang narinig ko ang tinig ni Yuri sa utak ko. Kaya lalo akong napipikon.
“She’s doing this on purpose, I know. Akala ba niya basta niya ako puweding layasan. NO!” Iritadong
hinampas kong muli ang mesa ko. Dama kong nag–init ang palad ko dahil sa ginawa ko.
Sa kabilang banda.
Lihim na gustong matawa ni Javier pero pinigil niya ang sarili. Sanay siyang kalmado at mabait ang
kanyang boss. Pero sa nakikita niya ngayon dito, para na itong ibang tao. Mayabang pa nga ito kagabi sa
mga sinabi nito.
“Fine! Paalisin ko na siya. I’ll prove you na wala akong paki sa babaing iyon. Magsama sila ng Clarence Saavedra na ‘yon!” Kaya bakit ito galit na galit ngayon na kulang na lang umusok ang ulo at ilong nito at magiba ang mesa nito sa kakapalo ng kamay nito.
“Pero diba paaalisin mo na siya, iyon ang sabi mo kagabi?” Ang tanong na ‘yon ni Javier ang ikinatitig ko
12.Perlaye
dito.
Whatt!” Paasik na saad ko dito. “Bakit parang pinagtatawanan mo ako ngayon ha, Javier?”
“Ako? Why would I do that, boss kita? Wierd lang kasing iba ang sinasabi mo sa ginagawa mo ngayon. Anyway, Darating iyong bodyguard na kailangan mo. Baka naman kasama lang ng asawa mo ang mga kaibigan niya. Uuwi rin ‘yon. Huwag ka nang mag–alala.”
“Mukha ba akong nag–aalala. Ayaw ko lang na— Damn it! That woman is getting into my nerves! pikang saad ko sabay hilot sa aking batok. “Papuntahin mo na kaagad ang tauhan mo na ‘yon.” Utos ko dito bago ito umalis na.
Inabala ko na ang sarili ko sa mga papeles na kailangan kong basahin at pirmahan. Then I notice the big amount of request for budget para sa office supplies. Kaya lalong nag–init ang aking ulo sa nakita ko.
“Jav er!” sigaw ko. Mabilis namang pumasok ito sa office kong nagkakamot pa nang ulo. “Ano to? Akala ko ba nagchecheck ka nang papers, bakit ang laki ng request for budget para lang sa mga office supplies? Ano to? Magtatayo na ba tayo ng National Bookstore.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)