Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 191

104: Sekreto1

104: Sekreto

REPORTER: Kaya ba ninakawan mo ang kompanyang ikaw mismo ang namamahala. Dahil ampon ka lang?Napatayo ako sa tanong nang reporter na yon kay Zade. Bigla akong kinabahan para sa asawa ko. Nagbukas lang ako nang TV habang inaayos ko ang mga gamit ni Zayu dahil nakatulog na ito.

Ang sabi ni Zade ngayon malalaman ang resulta nang pagpaimbestiga nito tungkol sa mga nawawalang fund na umabot na pala sa mahigit 150million. Gusto ko sanang tumulong pero gusto nitong magpahinga ako ngayong araw dahil uuwi rin umano ito kaagad.

At ang ipinagtataka ko ay kung bakit nakalabas ang sekreto tungkol sa pagkatao ni Zade. I was keeping it secret from Zade na alam ko na hindi ito totoong anak ni Papa Zen.

Maraming hindi nakakaalam pero si Mommy Azra ay dating karelasyon ng totoong ama ni Zade ang panganay nang mga Dela Merced pero nagkaroon ito nang malalang sakit pagkatapos nang kasal nito at ang ina ni Zade at namatay ito bago pa maisilang si Zade.

Kaya lumaking si Papa Zen ang kinilalang ama ni Zade dahil pinakasalan rin naman nito si Mama Azra pagkalipas nang isang taon.

Nakita ko kong gaano nasaktan noon si Zade nang malaman nito ang totoo. Pero wala akong magawa para dito.

Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang sabihin yan, Mister Reporter. That is my private matter and my family had never talked about it since I was born. Until I find it out myself. Kaya anong karapatan mong kalkalin ang buhay ko. Ganun ka ba kadesperadong magkaroon nang kuwento?Matalim ang tingin ni Zade sa lalaking nagtanong. I’ll make sure you’ll pay

for

your words. At para sa kaalaman n’yong lahat. Ginagawa ko ang lahat para malinis ang pangalan kong gustong dungisan ng kung sino, at maniwala ka kung sino ka man. Pagbabayaran mo to kasama nang reporter na ipinadala mo dito.

Iyon ang banta ni Zade habang nakatitig sa camera at makikita ang galit sa mukha nito.

Higit sa kahihiyan. Alam kong nanliit ito sa sarili nito dahil sa paglabas ng tungkol sa pagkatao nito. Kaya mabilis akong nagbihis at lumabas ng kuwarto.

Ate Rita, ikaw muna bahala kay Zayu, pupunta lang ako sa office.Nagmamadaling paalam ko dito na hindi ko na inantay ang sagot ni Ate Rita. Mabilis ring kumilos si Ivan nang sabihin kong ipagdrive ako nito.

Ipinagpasalamat kong wala na ang mga reporter sa paligid ng makarating kami. Pero may

1/3

104 Sekreto 1

mga security na naroon pa rin sa may entrance.

Nakahabol naman ako sa lift na pasara na.

Claim

Grabe no, hindi pala totoong tagapagmana si Sir Zade. Bakit siya ginawang CEO? Baka mamaya kung sinusino lang ang parents niya. Buti na lang talaga guwapo siya ano?dinig kong saad ng isang babae sa likurang bahagi. lilan lang naman kaming sakay ng lift.

Sinabi mo pa. Pero alam mo si Sir Wendel pala kamaganak talaga ni Sir Zen. Baka siya dapat ang maging CEO nang Delamers. Hindi kung sinusinong ampon

Hoy Miss!matalim ang tinging bulyaw ko sa babae nang hindi na ako nakatiis. Kita kong natameme ang mga ito nang makilala ako. Wala kang alam kaya walang dahilan para

magsalita ka nang ganyan sa asawa ko.

Hindi lang kung sinusino si Zade, his a Dela Merced too, kaya kung walang matinong impormasyon ang lalabas sa bibig mo, itigil mo ang pagpapakalat nang maling tsismis. Magkapatid ang totong ama ni Zade at si Papa Zen.Kuyom ang kamaong sinulyapan ko ang pangalan nito.

Sosorry po Ma’m,nakayukong paumanhin nito.

Sabihin mo, paano mo nalamang magkamaganak si Wendel at ang asawa ko?

Ho?

Tsismosa ka pero bingi ka naman pala,pagtataray ko dito. Nababaliw na ata akong magmaldita. Pero para kasing ako ang nasasaktan para kay Zade.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)