2: Desisyon
"WHAT TOOK you so long!" malamig na bungad sa akin ni Zade nang sagutin ko ang tawag nito. "Sinabi ko naman sa'yo na---"
"Susunod na lang ako sa bahay," sansala ko sa sasabihin nito. Halatang natigilan ito, dahil dinig ko ang malalim nitong paghinga. I know he hates it when I cut him off.
"Nandito na kaming lahat at ikaw na lang ang inaantay, huwag mong abalahin ang lahat, Yuri." madiing sermon nito bago ko maibaba ang phone.
"Masyado ka lang excited na makasama si Atasha." mahinang sambit ko na ikinasulyap sa akin ng driver, subalit tipid ko itong nginitian.
"Paano n'yo nagagawang ngumiti Ma'am kung ganyan kalungkot ang mga mata mo." anang matanda na muling ikinabaling ko dito. "Sa tingin ko ho matapang kayong babae." may ngiti sa labing sambit nito. "Pero punong-puno ng bigat ang puso n'yo."
"Ho?" takang saad ko pero baka nga ganun ako kalungkot ngayon. Kaya kahit ibang taong hindi ko kilala nakikita ang sakit na nararamdaman ko. Mabuti pa si Manong nakita niya 'yon. "Salamat po, Manong." nasabi ko na lang.
"Kung ano man ang nagpapalungkot sa puso mo, hija. Bitiwan mo na. Anong malay mo kapag wala ka na doon ka makita nang taong nagpapalungkot sa puso mo." makahulugang saad ng matanda bago ihininto ang sasakyan. "Dito na tayo hija." anitong muling ngumiti. Tumango lang ako sa sinabi nito. Saka ko bumaba.
"Kung wala na ako?" mapait kong tanong sa kawalan. "Baka magdiwang pa si Zade kapag nawala na ako sa landas niya."
Kaagad naman akong pinagbuksan ng guard nang makita ako ng mga ito. May CCTV monitor kasi sang harap ng gate kaya kahit hindi ka kumatok pa makikita na nila. Binati rin ako ng security. Saka tuloy-tuloy na kong naglakad. Palapit ako sa main house ng maagaw ang atensyon ko sa dalawang taong nag-uusap. Nakahilira kasi sa pathway ang matataas na halaman ng santan na hitik lagi sa mga bulaklak. Kaya malamang hindi ako mapapansin ng dalawang taong nakaupo sa swing paharap sa garden.
All year round ang mga bulaklak ng santan kaya laging maganda ang hardin sa mansyon ng magulang ko.
Maganda ang bahay namin, elegante, malaki at malawak ang garden. Mataas ang bakod at mararamdaman mong safe ka kapag nasa loob ka. Siguro para sa mga taong totoong nakatira doon. Pero ako, kapag nasa bahay ako para ako laging hindi makahinga.
"Kailan mo ba siya hihiwalayan Zade?" natigil ang takbo nang diwa ko nang marinig ko ang tinig na iyon ni Atasha. Naroon ang mga ito sa swing sa labas kaya malamang hindi nila ako mapapansin. Kita ko pang nakahilig ang ulo ni Atasha sa balikat ng asawa ko habang nakaakbay naman si Zade dito.
Tila nilapirot ang puso ko sa sakit pero umiling lang ako. Nakapagpasya na ako. Hindi ko na dapat baguhin ang tungkol sa bagay na 'yon.
Tutal kahit naman maghiwalay kami ni Zade wala namang ibang makaka-aalam. Sekreto ang kasal namin ni Zade. Tanging sa pagitan lang nang mga pamilya namin. Kahit ang mga katulong ay pinagbabawalang pag-usapan ang tungkol doon.
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyon kong ito.
Basta isang gabi, three years ago sa supposed engagement ni Atasha at Zade, nagising na lang ako sa ingay at sa sigaw ni Atasha. At nagulat akong nasa guest room ako kung saan natutulog si Zade at magkasama kami sa kama. Wala akong matandaan sa nangyari noon. Pero dahil nakita kami ng mga magulang ni Zade sa di magandang sitwasyon, kaagad kaming ipinakasal sa huwes nang gabi ring 'yon.
Conservative kasi ang parents ni Zade. Para akong puppet ng sandaling iyon na walang ibang nagawa na lang kundi ang umayon sa lahat.
"Darating ang parents ko sa susunod na lingo, kakausapin ko na sila tungkol sa annulment namin ni Yuri, and well get married then, honey." malambing na pag-aassure ni Zade dito. Alam ko naman na pero para pa rin akong sinaksak na tumagos sa dibdib ko. Kaya't nagpasya na akong talikuran ang mga ito at tumuloy ako sa main house kahit halos gusto ko nang tumakbo na lang. Ang sakit pa rin kasi. Kung bakit kasi hindi ko magawang maging manhid na lang pagdating kay Zade.
"Finally you arrived," malamig na puna sa akin ni Mama. Si Mrs. Natasha Montefalco na tumaas pa ang kilay sabay iling. "Bakit hindi mo pinapahalagahan nang oras ng iba, Yuri?"
"Tama na 'yan may bisita tayo," saway naman ni Papa na ibinaba na ang hawak na libro. Saka walang ganang binalingan ako. "Sa susunod huwag ka nang magpapalate, minsan ka na nga lang umuwi dito sa bahay." malumanay pero malamig ang titig nito sa akin. Si Gener Montefalco ang ama ko-- isang kilalang negosyante. Civil siya sa pakikipag-usap sa akin. Hindi masungit at hindi naman sarkastiko, hindi tulad ni Mama. Pero ni minsan hindi ko naramdamang naging ama siya sa akin.
"Manang tawagin mo na ang Ma'm Atasha nang makapagdinner na tayo." utos ni Mama sa katulong na nagmadali naman nang sumunod.
Hindi nagtagal ay nasa hapag na kaming lahat. Kita ko pa ang pagkabigla saglit ni Zade ng makita ako. Dalawang linggo nang huli kaming magkita dahil busy umano ito. Malamang busy kay Atasha. Dahil nalaman kong dalawang lingo na pala mula ng dumating ang kapatid ko.
"We're glad na kompleto tayo ngayon." masiglang simula ni Atasha pero sa mukha ni Zade na pinilit nitong maupo sa tabi nito nakatingin.
"Oo nga, nang umalis ka, anak hindi na rin umuwi rito si Yuri, masyado ba siyang busy sa bahay n'yo hijo?" malambing na baling ni Mama kay Zade.


VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)