Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 201

109: Kakampi-T

109: Kakampi

“NAKATULOG rin ang prinsesa ko,” nakangiting saad ni Zade nang makabalik ito sa kuwarto namin. Dahil

maaga kaming umuwi nakipaglaro ito kay Zayu hanggang dinner time. Pero nang matutulog na si Zayu ang

ama nito ang hinanap kaya walang nagawa si Zade kundi ang pagbigyan ulit ang bata. “Hindi ko na talaga

kailangan ng gym ngayon, wife.” dagdag pa nitong nag-inat ng likod na pumuwesto sa tabi ko.

TO

Mas nagiging malikot na nga si Zayu ngayon,” kumento ko habang nag-eescroll ako sa social media

account ko. Nag-usap kasi kami kanina ni Moira at nasa Indonesia pala ito ngayon. Gusto ko sanang

sabihin kay Clarence pero inunahan na ako ni Moira.

“Parang mas lalo akong na drain, wife,” ungot nitong inakbayan pa ako. At pumaikot ang isang kamay sa

tiyan ko.

“Late na rin matulog na tayo.” ani kong pinatay ko na ang phone ko at inilapag sa ibabaw lamp table.

“Tulog na agad, sabi ko charging eh,” maktol nito.

“Hindi puwede ngayon Zade, hindi pasko araw-araw.” nakangising saad ko saka ko sinabing dinatnan ako kanina. Kaya malamang ilang araw akong makakatulog ng mahimbing.

“Ang daya naman!” tila batang maktol nito na napapadyak pa sa kama. Kaya hindi napigilang matawa na lang sa kabaliwan ni Zade. Masaya akong makita ang mga nakakatuwang side ng asawa ko. “Sabi ko pa naman gagawa tayo nang baby ngayon.”

“Tumigil ka nga, walang baby ang mabubuo kong maya’t maya ka nag-aano.” sermon ko dito pero di ko mapigilang matawa na lang.

“Parang tuwang-tuwa ka ata?”

“Sympre, makakatulog ako nang mahimbing ngayong gabi. At huwag mo akong iistorbuhin ha,” banta ko

dito.

“Hay naku, akala ko pa naman good job ako kaya may reward, pero sige na nga may utang ka ulit sa akin.” paalala pa nitong nahiga na saka iniunat ang braso sa ibabaw ng unan ko. “Higa na, wifey. Bago pa magbago ang isip ko,” nakangising saad nitong inginuso pa ang braso nito.

Hindi na rin naman ako nagpapilit. Pumuwesto ako paharap kay Zade kaya kinabig ako nito para mas maging malapit kami sa isa’t isa.

“Sabi ko dapat laging close tayo diba.” pabulong nitong saad na humarap na rin sa akin. “Paano ‘yan hindi pa ako inaantok,” maya maya reklamo nito.

“Oh di bantayan mo ako hanggang makatulog ako.”

“Ayaw ko nga tatakamin mo lang ako Mrs. Dela Merced, sa susunod kapag dalaw ka huwag ka na ngang maligo. Nagigising mo lang ang alaga ko eh.”

7.109 Kakapa

Claim

“Zade Larzun, minsan nga iwasan mong gawing topic ang kalibugan mo. Mag-usap naman tayo nang may

sense.”

“Sige, kailan ka ba magpepropose sa akin na pakasalan ako sa simbahan,” napa-angat pa ako nang ulo ko saka tinitigan ito ng masama. “Bakit? Masyado mo nang ginagamit ang katawan ko Yuri, baka gusto mo rin akong panagutan,” seryoso nitong saad na akala mo talaga ito pa ang lugi sa akin.

“Zade tumigil ka na nga, puro ka kalukuhan.” Di ko mapigilang matawa habang nag-iinit nang mukha ko.

“Seryoso kaya ako, let’s get married Yuri. Iyong hindi na sekreto. Iyong maraming taong makakakita. Tapos iimbitahan natin si Martin ha, para naman tigilan ka na nang kumag na ‘yon.” Hirit nito kaya natampal ko na lang ang noo ko. Kinikilig na sana ako may pahabol pa kasi.

“Ikaw kaya ang sumeryoso,” saway ko dito.

“Seryoso nga ‘yon, asawa ko. Saang simbahan mo ba gusto?”

“Zade nagpoproposed ka ba talaga I—?” hindi ko napigilang mapakagat labi at tingalain ito. At kita kong seryoso ang titig ni Zade sa akin.

“Ano ba sa tingin mo? Dapat matagal ko nang ginawa.”

“Sige—”

“Talaga!” sabat nito.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)