Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 204

110: Family-2

“Mmm ma ma.” malakas na sabi ni Baby Zen na ikinagulat nang lahat.

“That’s too unfair, he never called me Mama,” naiiyak na reklamo ni Mama Azra. “He can speak now, mahal, narinig mo rin ba?” Masayang anunsyo nito. Tatlong buwan na lang kasi isang taon na rin si Baby Zen kaya malamang may mga baby language na ito at malapit nang magsalita. Si Zayu maagang nagsalita ng Mommy, kaya alam kong magiging madaldal talaga ito.

“Sa tingin ko mas gusto niya si Yuri bilang Mama niya,” may emosyong dumaan sa mata ni Papa Zen habang nakatitig sa amin. “Pero hindi ibig sabihin kukunin mo sa amin ang bata ha, Zade Larzon. Di baling dagdagan n’yo ang baby dito sa bahay huwag lang bawasan,” banta nito kay Zade na nakatitig rin sa akin.

“esmall baby, mummyy?” ani Zayu na karga pa rin ng abuelo nito.

“That’s your baby brother, princess,” ani Zade sa bata. Si Baby Zen naman parang na glue na ata sa yakap sa akin. It was an unfamiliar feeling na nagpapa-init sa dibdib ko.

“boother?” ulit nitong nakapangiti ang nagkikislapang mata.

“Mukhang masaya silang nagkakilala.” ani Tita Mina. Si Wendel naman ay tahimik lang ring nakatingin sa

lahat.

Maya maya pa ay nagsimula na ang dinner. Ang dalawang matanda ang nag-asikaso sa mga bata para daw makakain kami nang maayos ni Zade.

“Napaayos na namin ang kuwarto sa itaas, dito kayo matutulog ngayong gabi okay,” request ni Papa Zen.

“Okay lang ba wife?” baling naman sa akin ni Zade.

“Yeah, it’s fine,” ani ko dito.

“Nagkakasundo sila, tingnan n’yo si baby Zayu,” masayang annunsyo ni Mama Azra. Sinubuan kasi ni Zayu si Baby Zen nang hawak nitong fried chicken.

Siguro dahil mga bata lang sila kaya madali silang nagkasundo. Pero bakit magaan ang loob ko kay Baby Zen? Para bang matagal ko na siyang kilala. At parang pamilyar sa akin ang ngiti nito, pero hindi kay Zade o kay Atasha. I’m sure of it.

Haggang matapos ang dinner, ay hindi ko pa rin maiwasang isipin si Baby Zen. Naroon na kami sa kuwarto ni Zade. Iyon ang unang pagkakataong nakapasok ako sa silid nito sa dating nitong bahay.

“Mas maliit ang kama natin dito, wife.” ani Zade nang makapasok na kami sa loob. Hindi maipagkakailang lalaki ang nakatira sa kuwarto. Naroon pa nga ang isang malaking robot na nakadisplay sa tokador.

“No wonder na napakaraming laruan ni Zayu, mukhang nagmana siya sa’yo.”

“Si Dad ang mahilig akong bilhan ng laruan noon, iyong tipong nagtatalo na sila ni Mommy lalo na kong nagpupunta kami sa mall. At lahat ng dating laruan ko karamihan nakahanda nang maging laruan rin ni

110 Family

Baby Zen, soon. And I’m glad he likes ‘you.”

Claim

“Oo nga hindi katulad nang nanay niya,” di ko mapigilang saad. I once consider Atasha as my sister, pero ito ang nagtulak sa akin para tuluyang lumayo ang loob ko sa kanya. Kaya hindi ko rin talaga inaasahang magugustuhan ko si Baby Zen at lalong magustuhan rin ako nito.

“Siguro hindi kasi hindi ko nakikita si Atasha sa kanya. Pero bakit parang wala man lang siyang features na nakuha sa’yo.”

“Iyon na nga eh, kaya dapat sa susunod na makakabuo sana tayo makuha man lang niya ang kapogian ko,” pagyayabang nitong hinimas pa ang baba.

“Ewan ko sa’yo. Pahiram na nga muna nang damit.” ani ko saka ako nagtungo sa malaking cabinet na naroon. “Parang ayaw ko silang galawin.” komento ko, naroon pa rin ang mga damit ni Zade at maayos na naka-organize.

Dinig kong tumawa si Zade.

“Malinis ang mga ‘yan kita mo nga’t walang alikabok. Ganyan si Mommy, everyday pa rin nilang pinapalinis

itong kuwarto ko. Iyong akala mo laging dito pa rin ako umuuwi.”

“Wala akong ganito sa dating bahay ko.” Di ko mapigilang sambit. “Dapat may ganito rin ang mga bata

sa-” kusa akong natigilan sa sinasabi ko. Mga bata? Am I talking about baby Zen too? Nagulat pa ako

nang yakapin ako ni Zade mula sa likod.

“Oo, magkakaroon sila nang ganyan,” nakakasigurong saad nitong hinalikan pa ang batok ko. “I’m glad I was given the right woman to marry.” malambing na saad ni Zade.

“Kaya ko ba talagang maging ina para kay Baby Zen?” nalilitong nilingon ko si Zade na ngumiti rin lang

saka hinalikan ako sa labi.

“Let’s take it slow, wife. Isang araw alam kong mamahalin mo rin si Zen tulad ng pagmamahal mo sa anak natin. Kaya ngayon pa lang gusto na kitang i-reward. Alam mo bang ikaw kaya ang unang babaing dinala ko dito sa kuwarto ko?” pabulong nitong saad na pinagapang pa ang kamay pababa sa hita ko.

“Zade,” mahinang saway ko dito.

r

“What’s wrong gusto kitang bigyan ng reward, limang araw na rin naman eh, puwede na ‘yan.”

“Ang l!bog mo!”

“I know, right, kaya huwang ka nang tumangi,” anitong sabay hila sa akin patungo sa banyo.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)