Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 210

113 Pagkakahali 2

Claim

  1. Pagkakamali-2

“Let me see,” ani Javier na ikinaputla nang babae.

“Ah e…” nagpapasaklolong binalingan nito si Emma.

“Fine wala siyang license,” pag-amin ni Emma. “pero antok na antok na ako kaya siya na ang pinagdrive ko. Anong gusto mo maksidente kami?” pagtataray nitong medyo wala sa lugar.

“Sorry talaga sir, babayaran na lang namin.” Kagat labing saad nang babaing hinawi ang maiksing buhok

nito.

“Hayaan mo na, ipadala na lang natin sa talyer para maayos ang damage.” Suhesyon ko kay Javier.

“Pero, sir walang lisensya itong babae, at itong isa naman ang sabi wala siyang kotse kaya ginawa akong driver ng ilang araw,” asar na reklamo ni Javier.

“FYI kakagawa lang kasi nito, iyong perang ibinayad n’yo sa service ko ang ipinantubos ko dito sa talyer kaya ganun,” paliwanag naman ni Emma na nakapamaywang pa. “Sir, babayaran na lang namin ang

danyos. Gusto ko na talagang matulog. Pupunta na lang ako sa office n’yo, bukas.” paki-usap ni Emma. “Tamara, let’s go.” Yakag nito sa babaing namumula ang mukha.

“Sorry po talaga—”

“Teka sandali, wala siyang lisensya kaya hindi mo siya dapat pinagdadrive,” saway ko kay Emma nang

pabalik na sa driver seat ang babaing tinawag nitong Tamara.

“Ah eh.. wala pa kasing tulong si Emma kaya….”

“Mas delikado kong nagda-drive ka nang walang lisensya Miss. Javier, ipagdrive mo na sila para safe,”

utos kong ikinabaling ni Javier sa akin.

“Pero,” protesta nito.

“Ayos lang ako. Umepekto na ang gamot, okay na akong magdrive.”

“Hindi na sir, ako na lang siguro ang mag-drive,” presenta na lang ni Emma pero halatang inaantok pa

talaga ito dahil napahikab na naman ito.

“Hindi puwede, sige na Javier. It’s safer that way,” utos ko. Saka nauna na akong bumalik sa kotse. Kita ko pang napakamot na lang si Javier pero sumunod na rin naman.

“Paano ka magkakagirlfriend niyan.”Napapailing na lang ako saka ko binuhay ang makina nang kotse.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong naglalaro ang dalawang bata sa playpen. Si Yuri naman ay nakamasid lang sa dalawang bata. Kita kong bumuntong hininga ito.

“Nagsisisi ka ba?” tanong kong ikinabaling nito. Pumuwesto ako sa tabi ni Yuri.

“Saan ba?” takang tanong nito.

113 Paukalentral: 2

“Na nanditu si Baby Zen?”

Claim

“Hindi no, kita mo nga ang saya ni Zayu, my baby brother na daw siya. Napapa-isip lang kasi ako.” Humarap ito sa akin. “Zade, nagpadna test ka na kay Baby Zen, diba?”

“Oo, pinagawa ko ‘yon sa isang tauhan ko nang nasa US sila. It turns positive, kaya anak ko nga si Baby Zen.” sagot ko dito.

“Pero kasi….” naguguluhang saad nito. Kita kong pag-aalangan sa mukha ni Yuri.

“Nag-aalala ka ba nabaka nagsinungaling si Atasha? Hindi niya alam na nagpadna test ako noon sa bata,” paliwanag ko.

“Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag, pero kasi si baby Zen, kamukha niya iyong batang nakikita ko sa panaginip ko dati,” paliwanag nito. “At alam kong si Clarence ‘yon. Ang weird pero, puwede bang magpa-check ulit kayo tapos i-pacheck mo na rin si Clarence.”

“Are you saying si, Clarence at Atasha?”

“Impossible, Clarence doesn’t like her. Pero ewan ko. Basta, ang sama ko ba kasi—inisip ko ang ganun?” anitong napayuko pa.

“No, pero sige. Let’s do that para naman mawala ang pag-aalala mo..”

“But one thing, let’s keep the result secret. Lalo na kay Atasha. Sa tingin ko kasi may plano siya.”

“Kailan pa naging detective ha, Mrs. Dela Merced?” ani kong inakbayan ito. May bahagi sa pagkatao ko ang nag-aalala sa iniisip ni Yuri.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)