115: Worried
“HINDI ko rin alam, siguro natatakot lang ako. Paano kong hindi ko magawang maging mabuting ina para kay baby Zen?” Napahinto ako sa paglapit sa pinto. Pero biglang nagring ang phone ko kaya napatigil ako nang mapalingon sa direksyon ko ang mga ito.
“Sandali lang,” ani kong sinagot ang tawag. It was the detective na pinasusubaybay ko kay Wendel. “Yes,” seryosong sagot saka ako lumayo sa may pinto.
“Nagsend ulit ako nang mga larawan ni Sir Wendel tulad nang sabi n’yo. Wala naman pong kakaiba, susundan ko pa rin ba sila. Kasama niya ang kapatid ni Ma’am Yuri.”
“Hayaan mo na muna bukas na lang ulit,” ani ko dito na tinapos na ang tawag. Ilang araw ko nang pinasusundan si Wendel pero wala pa ring balitang nakipagkita ito kay Eric Alcala.
Noong nakaraan nakita ito ng detective na kausap ni Atasha sa Bar. Pero nang magkita kami sa bahay binangit naman ni Wendel ang tungkol kay Atasha.
Hindi ko tuloy alam kung anong iisipin ko. Pero isa lang ang natitiyak ko, hindi ko puweding pagkatiwalaan pa si Wendel. Alam kong may kinalaman siya kay Eric Alcala. Pero bakit?
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako muling nagtungo sa extension door para lapitan sina Yuri. Nakabihis na nang pares na pajama ang dalawang bata pagbalik ko.
Si Rita naman ay nagpaalam na para magtimpla na nang gatas.
“Hindi ka ba napapagod kay Baby Zen?”tanong ko kay Yuri na naglalagay ng oil sa paa ng bata. Then she gently massage his feet habang abala naman ang bata sa pagd3de sa sarili nitong kamay.
“Ayos lang naman, mas malikot pa rin sa kanya si Zayu.”
“Anong ginagawa mo?”di makatiis na puna ko.
“Ah ito, si Manang Tess ang nagturo sa akin dapat daw hinihilot ang paa nang bata para mabilis makapag lakad. Kaya nga mabilis nakapaglakad si Zayu kasi alaga sa masahe.” Nakangiting saad pa nito walang bahid nang ano mang pagpapangap.
Asar na sinermunan ko ang sarili ko. Saka ako tumikhim. “Siya nga pala, lumabas na ang resulta nang test,” saad ko saka ko ibinigay dito ang papel. “His my son,” ani kong nakatitig dito. Hindi ko alam pero gusto ko lang makita ang reaksyon ni Yuri.
“Well, then siguro. Nagkataon lang na hawig siya kay Clarence. At least hindi ko kailangang magsinungaling kay Moira,” anitong ngumiti ng tipid.
“Yuri, gusto mo bang ibalik na natin si Zen kila Dad. I mean baka nahihirapan ka sa dalawang bata at—” natigilan ako sa reaksyon nito na tila ba saglit lang na nagulat. Pero ngumiti lang si Yuri. Ngiting hindi ko maipaliwanag.
115 Womed t
“Kung- iyon ang sa tingin mong makakabuti,” tipid nitong sagot. “yon naman pala ang gusto mo. Dapat sinabi mo kaagad. Hindi na sana tayo nahirapan pa.” makahulugang saad nito na labis kong ipinagtaka.
A DAY EARLIER.
KATATAPOS KO lang paliguan si Baby Zen. Nasa baba na si Zayu dahil nauna ko itong paliguan. Mula nang inuwi namin si Baby Zen hindi na ako pumasok sa office. Pero hindi naman ako nabobored dahil dalawang bata na ang inaalagaan ko. And I like it. Lalo’t dama ko namang gusto rin ako ni baby Zen.
Ang plano ko, kung sakali mang tama ang hinala ko. Pakiki-usapan ko si Dad na imbestigahan kong paano napunta kay Atasha ang anak ni Clarence sa babaing nabuntis nito.
Para na rin kina Moira at Clarence, naisip kong pansamantala mabuting kami na lang ni Zade ang kilalaning magulang ni Baby Zen. At saka ko na sasabihin kapag naging okay na ulit ang dalawa.
Sympre si Moira ang gugusutuhin kong maging sister in law ko pagdating ng araw. At alam ko namang mamahalin rin ni Moira si baby Zen.
“Ang bango na nang baby Zen ni Mommy ah,” masayang hinalikan ko pa ang cute at mapupula nitong paa. “Happy ka,” kausap ko ditong nakangiti naman. At panay ang baby talk nito. I was busy talking with baby Zen nang magring naman ang phone ko kaya sinagot ko ang unknown caller ko..
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)