14: Huli!-1
14: Huli!
MABIBILIS ANG hakbang ko nang pumasok ako sa entrance ng apartment building kung saan naroon ang
tinitirhan ni Yuri.
“Sir sandali—” dinig kong habol ng security guard na abala sa pagseselpon nito. “Saan ho kayo? Ngayon ko
lang kayo na kita dito?”
“I’m meeting my wife sa 7th Floor bakit? Unit 7112” Walang gatol kong saad dito saka ko ito tinalikuran,
heading my way to the lift. Nakita kong nag–iwan naman ng calling card si Javier sa guard na nagkamot na
lang. “Mas gusto niyang tumira sa ganitong klasing lugar, how cheap of you Yuri Ann.” Pikang lintaya ko. Bago sumara ang pinto ng lift ay nakahabol naman kaagad si Javier
“Sir naman, masyado kang nagmamadali eh,” reklamo nito. Pero hindi ko na pinansin iyon. Dahil ang utak ko, abala sa pag–iisip kung paano ko parurusahan si Yuri sa ginawa nitong pag–alis ng walang permiso.
“Eh di ba nga paaalisin mo na rin naman siya?” Singit ng utak ko na lihim kong ikina–iling. Mula nang umalis si Yuri iyon na ang paulit–ulit na naglalaro sa utak ko. Pero kahit anong tangi ko iba ang ginagawa ko.
Sa wakas ay bumukas na ang lift kaya tuloy–tuloy na ring akong lumabas. Ilang pinto rin mula sa lift ang apartment na hinahanap ko. At walang pagdadalawang isip kong pinindot ng mariin ang maliit na bell
button na naroon.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto, para lang magulat akong makita ko si Clarence Saavedra
doon.
Saglit na hindi ako makahuma at tila may kung anong sumipa sa sikmura ko. Dala ng presensya ng lalaking nasa harap ko ngayon?
“Anong ginagawa mo dito!” Matiim kung usig sa lalaki. Pero isang nakaka–insultong ngiti lang ang namutawi sa labi ni Clarence. His young pero hindi kababakasan nang takot o pagka–ilang ang awra nito.
“Ikaw ang dapat kong tinatanong n’yan? Bakit nandito ka sa bahay ng asawang hihiwalayan mo na? Huwag mong sabihing na mimiss mo si Yuri?” Patuyang saad nito na ikinatangis ng bagang ko.
“Wala kang paki–alam kung anong ginagawa ko dito,” asik ko kay Clarence. “Yuri!” I called her out, saka ako humakbang papasok pero bigla na lang humarang si Clarence. “Move out of my way, Saavedra!” Madiing
utos ko dito.
“What if I don’t want too? Sinabi ko na sa’yo I’ll protect Yuri from you.” Kompiyansang saad pa nito.
“Sino ka para maki–alam sa problema namin. Umalis ka sa daanan ko!”
“No!” Determinadong saad nito. Kita kong tumayo naman si Yuri at ang kaibigan nito.
“Bakit ka nandito?” Tila hindi makapaniwalang tanong ni Yuri.
“Para ano pa ba? Umuwi na tayo kung ayaw mong kaladkarin pa kita ngayon Yuri!” Kuyom ang kamaong banta ku dite habang hindi ko inaalis ang titig ko dito.
“Subukan mong humakbang, Mr. Dela Merced kung hindi ko bangasan ang mukha mo.” Patuyang banta
nito Clarence.
“Ikaw ang mababangasan kapag hindi ka tumabi d’yan,” ganting banta ko dito. Akala ata ng lalaking ito
wala siyang alam sa pakikipagbasag ulo.
“Ano bang problema mo at ayaw mong tantanan si Yuri, baka nakakalimutan mong maghihiwalay na kayo.
Kaya normal lang na maghiwalay na rin kayo ng tirahan. O baka naman gusto mo pang magpatira ng
dalawang babae sa iisang bahay. Ibang usapan na ‘yan Dela Merced.” Nanunuyang saad nito.
“Ginaga–”
“Zade!” Sabat ni Yuri na napalapit pa sa likuran ni Clarence. At halos mag–init ang bumbunan ko nang makita kong kumapit pa ito sa braso ni Clarence. “Huwag kang gumawa ng eskandalo dito!”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)