Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 220

v

  1. Closer-1

118: Closer

“BAKIT ba?” takang tanong ni Oliver sa dalagang bigla na lang kumapit sa braso nito. At makikita ang pagkaasiwa sa mukha ni Jennie na tila may nais sabihin.

“Siya ba ang sinasabi nilang girlfriend mo Oliver?” Nakangiting tanong ni Daisy na sinulyapan pa ang dalaga.

“Yes,” napalingon si Jennie kay Mister Oliver. Kaya imbes mawala ang kaba sa puso niya ay lalo lang lumakas ang pintig ng dibdib niya. Bakit kailangan girlfriend ang pagpapakilala sa kanya. At kumislot pa ang balikat niya nang kabigin siya ni Mister Oliver. Dumikit tuloy ang mukha niya sa dibdib nito.

“Maupo lang muna kayo, nasa taas pa si Gaston. Dito na kayo magdinner, okay.” masiglang aluk ni Daisy na

bumalik na sa kusina..

“Sir, mahinang tawag dito ni Jennie sa nanlalamig na kamay.

“Ano bang problema mo? Umayos ka nga,” saway nito. Pero hindi nakatiis si Jennie, hinila nito si Oliver

palabas. Hinayaan na muna niya ang tungkol sa girlfriend something na ‘yon.

“Sir parang awa mo na po. Huwag mo na lang akong iwan dito.” namumula ang mukhang saad ni Jennie na

ikinakunot noo ni Oliver.

“Can you relax. Para kang bata, ano ba ‘yon?”

“Kasi po, ‘yang babae…—”

“Oh bakit kayo lumabas? Mainit dito.” ani Daisy na nakatingin kay Jennie. “Mukhang masyadong attached sa’yo ang girlfriend mo, Oliver. Pababa na ang asawa ko, magdinner na tayo.”

“Sige Ma’am susunod na ho kami.” Walang nagawa si Jennie kundi ang sumama sa loob. Sa tingin nito hindi naman maniniwala si Mister Oliver kapag sinabi niya.

Meanwhile.

Saglit na nagpaalam si Daisy na kukuha lang ng wine. Pero mabilis itong nagtago sa likod ng wine bar para

tawagan si Gener.

“Akala ko ba ipapakulong mo ang katulong mo na ‘yon, Gener. Nandito siya sa bahay nang asawa ko.”

“Sinabi ko na nga sa’yo. Na si Clarence at Oliver ang nakakuha sa kanya. Pero hindi mo na pinansin ang

mga message ko.”

“Wala kang sinasabi, peste ka. Huwag mong sirain ang mga plano natin, gumawa ka nang paraan para mawala sa landas ko ang babaing ito. Nakita niya ako. Masisira ang plano natin nito!” Gigil at halos

pabulong na saad ni Daisy.

“Bakit ako, pagawa mo sa tauhan mo. Saka baka wala namang narinig ‘yan.”

118 Closet

Claim

“At paano kong Mayroon, nag-iisip ka ba?” singhal niya saka tinapos na ang tawag. Nagpaskil siya nang masayang ngiti bago lumabas sa wine room. Dala ang mamahaling wine na paborito ng kanyang asawa.

Paglabas niya ang nakita rin niyang bagong dating na si Eric.

“Nandito ka rin Eric,” ani Gaston na kababa lang. “sumabay ka na sa amin magdinner,” aluk nito.

“Sige ho Sir.”

“Eric may problema tayo,” halos pabulong na usal ni Daisy dito ng mauna nang pumasok sa kumedor si Gaston.

“Ako na hong bahala, huwag kayong mag-alala.” magalang nitong sagot.”

MUNTIK na akong mapasigaw nang mabungaran ko ang bulto ng katawang nakaupo sa may pinto. Para itong pulubi sa puwesto nito. Malalim na ang gabi at isang ilaw na lang ang nakasindi sa may hagdan. Pero naroon pa rin si Zade. Narinig ko kanina ang mahinang katok nito pero hindi ko na pinansin. Akala ko umalis na siya.

“Akala ko dito mo ako patutulugin hanggang umaga,” anitong tumayo nang napangiwi pa, sabay hawak sa

balakang nito.. “Sabi ko mag-usap tayo pero naglock ka na nang pinto.” reklamo nito.

“Hindi ba halata na ayaw kitang kausap.” Kung hindi lang nakakahiya kila Dad at Clarence, mas gusto kong

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)