Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 223

119: Having a Friend-2

“Nan—nandiyan pa po ba ang anak… ng bruha?” Kita kong namutla ito at nangatal pa nga sa pagsasalita.

“You mean si Atasha? Kilala mo ba siya?”Tanong ko ditong hinagilap ng mata ko si Atasha pero nasa

counter na ito.

“Siya po ‘yong anak ng amo kong mga kampon ng kadiliman,” maluha-luhang saad nito.

“Don cay…” malambing na hinaplos ni Zayu ang namumutlang pisngi ni Jennie.

“Are you saying na nagtrabaho ka sa mga Montefalco?” Tumango lang si Jennie habang yakap lang si Zayu.

“It’s fine.” Hinawakan ko ang braso nito. Sa nakikita kong takot sa mukha ni Jennie alam kong hindi naging maganda ang pagtrato dito ng dating pamilya ko.

Nagpasya kong ayain na muna sina Jennie at Manang Fe na kumain matapos naming mamili ng grocery. Pagkatapos ay pinauna ko na si Manang Fe, dahil gusto kong pumunta rin sa opisina ni Clarence at para

malibang si Jennie, ito na ang isinama ko.

“To Dad!” tili ni Zayu nang makita nito si Clarence sa lobby nang Saavedra building. Kita kong paglapad

nang ngiti sa seryosong mukha ni Clarence ng makita ang anak ko. Walang paki-alam na iniwan nito ang

mga kausap na mukhang nagbulungan pa. Pero kumaway naman sa akin si Emma na kasama rin pala sa mga kausap nito.

“Sige na, pa-reschedule na lang tayo nang another set of audit.” baling ni Javier sa mga kasama nito.

“Magbreak muna kayo. Emma ‘yong reports ni Mister Oliver kailangan ko later.” anito matapos kargahin si

Zayu.

“Noted Sir.” Sumenyas naman sa akin si Emma na tatawag ito kaya napatango na lang ako saka kumaway

dito.

“Oh bakit magkasama kayo?” ani Clarence na napatingin kay Jennie. “Doon tayo sa office ko,” yakag nitong

nauna nang maglakad kasama si Zayu. Kaya hinila ko naman si Jennie na tuwang tuwa sa nakikita nito.

“Sana ate puwede rin akong magwork sa ganito kalaking building balang araw.” tila nangangarap na saad

pa nito. Hindi ko mapigilang matuwa kay Jennie. Napaka-genuine kasi nang inosenting ngiti nito.

“I’m sure matutupad mo ‘yan basta magsikap ka lang.” ani ko ditong ikinatango nito.

“Mag-iipon ako nang pera, tapos mag-aaral ulit ako. Gusto ng nanay ko na makapagtapos ako ng college Tutuparin ko ‘yon para maging masaya siya kahit nasaan man siya ngayon sa langit.”

“Huwag mong gawin ang bagay na ‘yan para sa mama mo, gawin mo lang siyang inspirasyon. Dahil mas masarap magsumikap kong alam mong para sa sarili mo ang ginagawa mo.” ani Clarence dito

“Opo tatandaan ko po Sir.”

  1. Havien-2

Clam

Pagdating namin sa office, excited na na-upo si Zayu sa swivel ni Clarence kaya sa round chair na lang ito na upo katabi ng makulit kong anak.

“Paano mo nakilala si Clarence at Mister Oliver, Jennie?”

“Kasi po tumakas ako sa mga amo ko. Feeling ko kasi may gagawing masama sa akin iyong amo kong lalaki. S aka laging naninigaw pa iyong amo kong babae, grabe pa sila mag-utos pero sa pagkain ang hirap. Hindi pa sila nagpapasahod. Tapos pinagbintangan pa nila akong nagnakaw, dahil tumakas ako..” pag-amin nito. “Pero wala po akong ninanakaw, ate. Mamatay man ako.” anitong itinaas pa ang kanang kamay.

“Alam ko, hindi lang ikaw ang katulong na sinampahan nila nang kaso ng pagnanakaw.”

“Ho? Ala bakit!”

“Ginagawa nila ‘yon kapag ayaw nilang magbayad sa mga katulong,” sabat ni Clarence.

“Ah… kaya po ba kilala ni Sir Gener si Ma’am Daisy? Magkamag-anak ba kayo?” bakas ang pagka-ilang sa

mukha nito.

“Siguro dahil kay Yuri kaya nagkakilala sila.”

“Ah…parang di naman po ganun. Iyong narinig ko, may tao silang papatayin—”

“Jennie, what are you saying. Si Gener oo, pero si Tita.” di makapaniwalang umiling si Clarence. “She’s the

kindest person I knew. Siya na ang tumayong ina ko mula pagkabata ko kaya baka nagkamali ka lang.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)