Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 231

  1. Masamang Balak-1

123: Masamang Balak

MASAMA ANG TINGING ipmukol sa akin ni Javier nang dumating ito sa bar. Wala naman akong ibang

pagpipilian. Si Javier lang ang alam kong maituturing kong totoong kaibigan.

“Pwede bang magbati na nga kayo, napapagod ako sa pang-aabala mo nang wala sa oras eh,” reklamo

nitong naupo pa rin sa katapat kong upuan. Kumuha ito nang isang bote nang beer at binuksan gamit ng

key holder nito.

“Pasensya na, alangan namang uminum akong mag-isa.”

“Pareho naman kasi kayong may issue kaya ganun. Hindi mo siya masisi kung hindi sapat ang tiwala niya

sa’yo. Kung hindi naman sinabi ni Moira ang tungkol sa post mo baka hindi pa rin naman kayo nagkaayos

agad. Kaya bakit sinisira mo na.”

“Alam ko naman ‘yon. Nagpapasalamat pa rin ako sa ginawa ni Moira, pero alam mo namang wala akong planong sabihin sa kanya ‘yon. Bakit ba kasi napakabobo ko? Alam mo bang mas mahirap pa siyang lapitan kaysa noong unang beses na nagkita ulit kami.”

“Eh anong gusto mong gawin?”

“Ano bang dapat?” Balik tanong ko dito. Ang dami kong gustong gawin pero parang ang hirap naman eh.

“Three years ago, nag-efforts ang asawa mo para mahalin mo siya, why can’t you do the same for her, now? Pero bago mo gawin yan layuan mo muna si Atasha.”

“Javier, hindi ko nilalapitan si Atasha!” depensa ko.

“Pero… hinahayaan mo siyang lumapit, ang pagbalik ko sa anak n’yo sa parents mo, sign na iyon sa asawa mo na welcome pa rin si Atasha sa buhay mo. Binibigyan mo lang kasi siya nang dahilan para mas

magselos eh,” sermon nito.

“Bakit parang mali lahat ng pinaniniwalaan ko, Javier?” mabigat na tanong ko dito.

“Siguro kasi hindi perpekto ang buhay natin. Iba kasi ang sitwasyon n’yo ng asawa mo. Ang karibal niya ay dating kapatid niya na nagpahirap sa kanya at mas pinili mo noon. Kapag patuloy mong ipinaramdam sa asawa mong hindi mo siya magiging priority kahit kailan. Letse baka ganito na lang tayo maya-maya. Magresign na lang ako bilang assistant mo,” naiiling na saad pa nito.

“Pwede ka namang magresign bilang assistant ko, pero walang resignation bilang kaibigan.”

“Tsss… ang corny mo, uminum ka na nga lang. Sabi mo dati bawal magbar kapag may asawa na diba,” naiiling pang saad nito saka uminum nang alak pero natigilan itong napatingin sa bandang likuran ko. Napagaya rin ako dito, kaya kita ko ang isang lalaking mukhang lasing na na kinuwelyuhan nang isang

lalaki.

“Gago ka ba..” galit na asik ng lalaking nakahawak sa kuwelyo nang isa.

103 Maanfig Natal, 1

“Dibo si Clarence ‘yon?”

“Ano?” noon ako napatitig sa mukha nang lasing na lalaki. Kaya napatayo ako palapit sa mga ito.

“Ikaw ang gago, ikaw tong bumanga, sira ulo.” ganting asik ni Clarence kahit hindi na makatayo nang

maayos.

Chain

“Taranta— “natigil ang aktong pagsuntok nang lalaki kay Clarence nang isang kamay mula kung saan ang pumigil sa braso nang lalaking napadaing ng paikutin ang kamay nito. Mabilis ko namang inalalayan si

Clarence na tila nagulat rin. “Tang ina ka bitawan mo ako, hayoo ahhhhgggk..”

“Bakit pumapatol ka sa lasing?” matalim ang matang tanong ni Javier dito.

“Ahgghh boss tama na, mababali ang kamay ko,” samo nang lalaking halos mnapayuko na. Javier is good at martial arts, dito ako natuto ng mga self-defense nito.

“Bitawan mo na,” utos ko kaya kaagad naman nitong pinakawalan ang lalaking napasigaw pa na mabilis na rin namang umalis at nagmura na dinuro pa kami.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)