124: Palusot 101.3 (HOT)-1
124: Palusot 101.3 (HOT)
MAINGAT ANG mga hakbang ko pagpasok ko sa silid nila Yuri. Nakapatay ang ilaw at tanging ang liwanang mula sa bintana ang nakikita. At dahil nag-aadjust pa ang mga mata ko kaya hindi ko maaninag ang taong nakahiga sa kama.
Pero bago pa ako makalapit sa kama bumaha ang liwanag sa silid na ikinagitla ko.
“Anong ginagawa mo?” Nanlaki ang mga mata ko sa tinig mula sa likuran ko. Mabilis akong nag-isip. Hindi
ako papayag na paalisin na naman ako ni Yuri. Kaya maingat akong humarap dito.
“Hello wifey,” bati ko sa kunwa’y lasing na boses. “I’m home..” pagiwang akong naglakad palapit dito.
“Doon sa kabila ang kuwarto mo,” utos nito na tila nagulat pa. Nginitian ko ito.
“Pero… nandito ka. Ayaw kong matulog sa kama ko nang wala ka,” papikit-pikit pa ang mga mata ko. Hindi ko alam kong tama ba ang acting ko pero bahala na. I fvcking want to sleep with my wife tonight.
“Zade tigilan mo nga ako, lumabas ka na bago pa ako mainis. Akala mo nakakatuwa ka,” asar na taboy nitong umatras pa nang humakbang ako.
“Ako?” ani kong itinuro ko pa ang sarili ko. Dumigay pa ako kunwari pero nakisama naman ang katawan ko kaya may pa sinok effect pa ngang nangyari. Pinaghusayan ko pa ang pag-arte. Ipinikit ko ang mga mata ko saka gumiwang ako na kunway matutumba kaya mabilis naman akong inagapan ni Yuri. “Ako…hmm,” ungot ko pang nginitian ko ito nang matamis.
“Oo, ikaw. Lasing ka na kaya bumalik ka na sa kuwarto mo.”
“Hmm..” sagot ko.
“Huwag kang makulit, Zade.” tangi pa rin nitong hinawakan ang magkabilang balikat ko para makatayo ako nang tuwid. Pakiramdam ko para akong may nakakadiring sakit na ayaw man lang akong lapitan
Kaya di ko mapigilang mapangiwi na lang. Parang sinasaksak ang dibdib ko sa ganung ekspresyon sa akin ni Yuri. Wala na ba talaga siyang paki-alam?
“Naiintindihan ko na,” may pait kong sambit sa mahinang tinig. Naiintindihan ko ang pakiramdam ni Yuri noon kapag binabaliwala ko ito, kapag lumalapit ito sa akin.
“Tumigil ka na, at lumabas ka.” muling utos nito.
“Noon kapag nalalasing ako, hindi ka tumatangi kapag dinadala kita sa kuwarto ko.”
“Zade, stop talking non-sense and go.” taboy pa rin nito pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pamumula ng
mukha ni Yuri.
“Mali ako kaya sorry… but I swear.” itinaas ko pa ang isang kamay habang kunway idinuduyan ko ang katawan ko para maging mas makatutohanan ang drama ko. Alam kong mukha na akong tanga but who
eares
“I swear that I’ll make it up to you from now on, kaya sige na. Bati na tayo. Gagawin ko lahat ng gusto mo…. except…” sansala ko nang magsasalita ito. Alam ko ang sasabihin ni Yuri. “Except lang na iwan kita, or i-give up kayo ni Zayu. It’s a fvcking big NO! It’s a no..no. No way.” May diing saad ko habang kunway pilit kong iminumulat ang mata ko.
Gusto kong magmura dahil tila wala pa ring itong paki-alam. Kaya wala na akong pagpipilian kundi ang
gawin ang isang bagay.
“I won’t…” sambit ko saka ko ipinikit ang mga mata ko. And intentionally pushed myself on her.
Napasinghap pa si Yuri nang kaagad napahawak sa sa akin.
Her scent instantly reach my lungs at parang gusto ko nang sungaban ang makinis na leeg nitong
napakabango.
“Zade mabigat ka ano ba.” anitong pilit akong ginigising. “Kainis ka talagang lalaki ka.” reklamo pa rin. Kusa na rin ako nitong inalalayan. Patungo sa kama ni Zayu.
Pasimpli kong ininulat ang mata ko para makita ko si Yuri na tila nag-iisip nang gagawin. Tumagilid ako para yakapin si Zayu. Kaya mabilis nitong inalis ang kamay ko sa pag-aalalang baka naipit ko ang bata. Maingat nitong inilipat si Zayu sa crib na naroon. Nagawa ko pang pasadahan nang tingin ang sexing likod nang asawa ko pero mabilis akong pumikit nang humarap na si Yuri.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)