125: My Slave-T
125: My Slave
NAGISING ako sa ingay nang kung anong tunog kaya napamulat ako. Para lang makita ang pamilyar na kisame sa harapan ko. Sa inis ay natampal ko ang noo ko.
Pagsulyap ko sa orasan pass 9am na pala. kaya mabilis akong napabangon. Nakabihis na ako nang damit
ni Zade.
Napabaling ako sa mahinang tinig nang nag-uusap. Pero likod ni Zade ang nakita ko. May harang kasing
divider bago ang pinto sa kuwarto.
“Okay na ‘to Sir?”
“Sige lagay n’yo na lang sa storage. Ipapabalik ko rin kapag sanay na ang bata na mag-isa sa room niya.” dinig ko ang magaang tinig ni Zade. “Salamat.” dagdag pa nito kasunod nang paglapat ng pinto kaya
napalapit ako dito.
“Anong–” kusang nabitin ang sasabihin ko nang makita kong wala na ang pinto sa extension door. Pinalitan na lang ‘yon nang mababang harang para kay Zayu. “Bakit mo tinanggal ang pinto?” pikang usig
ko dito.
“Kasi nakaka-abala.” anitong nakangiti nang matamis na akala mo naka-jackpot.
“Zade Larzon hindi dahil pinagsamantalahan mo ako kagabi, pinapatawad na kita.” kuyom ang kamaong sermon ko dito. Hindi pweding ganun-ganun na lang ang lahat.
“Alam ko, sinabi mo na nang ilang beses kagabi. Bihis ka na nagluto ako nang breakfast mo.” anito saka hinarap na ako. Saka pinasadahan ako nang tingin nito. “Damit ko na lang lagi isuot mo ha, para—”
“Ewan ko sa’yo.” pagtataray ko dito saka ko ito tinalikuran.
#
Bumaba ka agad ha wife,” dinig kong bilin pa nito pero tuloy-tuloy na ako sa banyo. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil naging napakahina ko.
Mariin akong napapikit bago ko tuluyang binuksan ang shower upang gisingin ang nababaliw kong utak.
“Baliw ka talaga, Yuri Ann. Akalain mong nag-enjoy ka pa kahit galit ka. Haist!” Gigil kong sermon sa sarili
Natapos akong maligo na paulit-ulit na pinapagalitan ang sarili ko. Matapos magbihis at mag-ayos nang sarili ko ay saka ako bumaba. Naabutan ko pa si Zade sa kumedor na nagsasalin nang orange juice sa baso na alam kong para sa akin. Si Zayu naman ay naka-upo sa high chair nito sa pagitan ng upuan namin
ni Zade.
“Dito na ang Mummy mo, makakakain na tayo, princess.” kausap nito sa batang lumingon naman sa akin at matamis na ngumiti. “Upo ka na asawa ko,” malambing na aluk ni Zade saka hinila pa ang upuan ko. Akala mo alalay ko eh.
12 My Navy &
Clam
Pahil gutom na rin naman ako, hindi na ako nagreklamo pa. “Nagluto ako ng mga paborito mo, saka itong orange juice, fresh. Kasing fresh mo.” hirit pa nito pero inirapan ko lang si Zade.
Kailangan ko rin namang panindigan ang mga sinabi ko. Hindi dahil nags*x kami bati na kami. Hindi ako
tulad nang ibang babaing basta na lang magiging okay dahil sa naligayahan.
Aktong maglalagay ito nang pagkain sa plato ko nang pigilan ko si Zade.
“May sarili akong kamay, hindi mo kailangan gawin ‘yan. At hindi mo ako kailangan pagsilbihan.” Kita kong
natigilan ito saglit. Maging ako rin naman natigilan sa sinabi ko.
At mula kung saan parang bumalik sa alaala ko ang nakaraan. When I was the one trying to please my
husband. Pero ganun rin ang sasabihin nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)