Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 238

126: Her Feelings-2

“Tandaan mo Yuri, hindi ko papayagang maging masaya ka kahit kailan at babawiin ko si Baby Zen!” banta nitong kusang naglakad palabas.

“Goodluck then, Atasha.” Nagawa ke pang ngitian ito. Pero binalingan nito nang singhal ang security na sumalubong dito.

“Naalala mo pala ‘yon?” usig ko kay Zade nang kami na lang ang naroon sa salas.

“Late ko na nalaman, I’m sorry.”

“Tapos na ‘yon hindi ako makapaniwalang naalala mo pa ang araw na ‘yon. Pero paanong hindi mo ako

nakilala?” tanong ko dito.

“That time….” kita kong paglunok nito. “madalim kasi sa area na ‘yon at malabo ang mata ko noon. Kaya

hindi ko talaga natandaan ang mukha mo.”

“Kaya pala ayaw mo nang ituloy ang annulment dahil doon, pero bakit?”

“Ano bang bakit? Hinanap kita kasi hindi ka nawala sa isipan ko ng araw na ‘yon. At kaya ayaw kong maghiwalay tayo kasi, ayaw kong mawala ka sa akin ulit. Mahal kasi kita, Yuri.” tila naman ako nanigas sa deklarasyon ni Zade. “Maraming nangyari, nagulo ang lahat dahil sa tulad ni Atasha. At dahil na rin naniwala akong masama kang babae. And for that I felt sorry hurting you back then. At kahit hanggang ngayon nagsisikap akong huwag ka nang masaktan dahil sa akin. But I end up hurting you, dahil sa mga maling pasya ko..

“Gusto kong subukang maging perpekto para sa’yo pero nagkakamali pa rin ako,” dagdag pa nito. “Sana lang habaan mo pa ang pasensya at pag-unawa sa kapalpakan ng asawa mo, Yuri.”

Saglit na hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kong paano magrereact sa deklarasyon ni Zade.

“1…”

“Anong nangyari?” kapwa kami napalingon sa tinig ni Papa Zen. “Nakita namin si Atasha na sumakay ng taxi, nag-iiyak.”

“Dad, mula ngayon hindi na puweding pumasok dito si Atasha. At kung puwede rin sana hiramin na rin namin si baby Zen madalas,” napakagat labi ako sa sinabing ‘yon ni Zade.

Gumuhit ang lungkot sa mata ng dalawang matanda pero sabay naman itong tumango.

“Malulungkot kami pero, alam naming mas makakabuti iyon para kay Baby Zen. But I hope you won’t change your mind again, kawawa naman si Baby Zen.”

“Hindi na ho Mommy, kasalanan ko kaya nangyari ang mga ‘to. Pasensya na kayo.” pag-amin ni Zade. “But make sure na ipaayos mo ang room para sa amin ng Mommy mo sa bahay n’yo, diba honey.” “Of course, ayos lang naman diba anak?” tanong sa akin ni Mama Azra. “Manimiss namin ang bata kapag

Claim

umalis na naman siya dito. Para makapagwork na rin ulit o kaya bumalik ka ulit sa pagpipinta.”

Iniisip ko na rin ho ‘yan lately Mula kasi nang isilang ko si Zayu, hindi na ako nakapagpinta ulit kasi nakafocus na talaga ako sa kanya. “Makakapaghintay naman po ang libangan ko Mama.”

“Sige ho, akyat muna ako iniwan ko lang kay Manang Elisa si Baby Zen.” Patalikod na ako nang maalala ko kung bakit ako bumama. Kaya binalingan ko si Zade sabay abot ng feeding bottle ni Baby Zen. “Magtimpla ka nang gatas ni Baby Zen.”

“Yes Ma’am.” sagot nitong matamis ang ngiti sa labi.

“WALANG HIYANG babaing ‘yon,” umiiyak na tinunga ni Atasha ang alak sa baso nito. Naroon siya sa

condo ni Wendel. Nasa iisang building kasi ang condo nila Freda at Wendel.

Dahil utos ni Wendel na hindi sila dapat magkita sa labas. Ginagawa na lang niyang dahilan ang pagtira sa

apartment ni Freda para makapag-usap sila ni Wendel.

Ang sabi kasi nito may tauhan si Zade na nakabantay sa mga kilos nito kaya nag-iingat umano ito.

Parang tubig na sinaid niya ang laman ng baso ng alak. “Paanong gagawin ko ngayon Wendel, walang

tumama sa mga plano natin.”

“Ang sabi ni Kuya Eric mag-antay tayo nang kaunting panahon.” walang ganang sagot ni Wendel dito. “Alam mong kung mabibigo ka sa mga plano natin sa mag-asawang ‘yon matatapos ang kasunduan natind hindi

ba?”

“No, kahit hindi mo na ako bigyan ng pera. Sisiguruhin kong mawawala sa landas ko si Yuri.” Madiing saad ni Atasha dito. Habang ang mga mata ay halos manlit sa galit dahil muli na naman niyang naalala kung paano siya ipinagtabuyan ni Zade dahil sa kagustuhan ni Yuri.

“Basta siguruhin mo lang daw na magkakahiwalay sila, para makuha mo ang ipinangako niyang halaga?”

“Ano bang mapapala ng boss mo kong maghihiwalay sina Yuri?” Usig niya kay Wendel.

“Anong malay ko, trabaho lang ang sa akin wala na akong pakialam kung bakit. Binabayaran lang ako para gawin ang trabaho ko kaya hindi na ako nagtatanong pa. Kaya kung gusto mong makuha ang gusto mo, gawin mo lang ng walang tanong ang trabaho.”

“Kung ganun tulungan mo akong magkaroon nang dahilan si Zade para iwan si Yuri, dahil nauubusan na ako ang paraan.” paki-usap niya matapos muling tumunga nang alak.

“Kung hindi o-obra na ikaw ang kumilos, ipagawa mo sa iba.”

“Ano? Sinasabi mo bang ipaubaya ko na lang si Zade sa ibang babae, no way!” Inis na singhal niya kay

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)