15: Pagbabago
NAKA–UPO AKO sa gitna nang kama. Bababa na sana ako dahil nagugutom na ako pero nakita ko si Zade
na palabas pa lang ng kuwarto nito kaya kaagad na akong bumalik sa silid ko. Binuksan ko ang bintana sa kuwarto para marinig ko kung lalabas na si Zade. Pero kumalam na ang sikmura ko hindi pa rin ata ito umaalis.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahinang katok sa pinto ng silid ko. “Ma’am Yuri baba ka na ready na ho ang breakfast,” anunsyo ni Aling Susan. At dahil gutom na rin naman talaga ako matapos kong magsuka kanina. Kaya nagpasya na akong bumaba.
Di ko na kita si Zade sa kumedor kaya nakahinga na ako nang maluwag. Pero kung kailan kakain na ako saka naman ito lumabas sa kusina na naka–apron pa. Kaya muntik ko nang mabitawan ang hawak kong kubyertos.
Saka ako napatingin sa pagkaing nasa harapan ko.
“Kumain ka na,” anito sa seryoso at malalim na tinig. Tumikhim pa ito. “I’d like to apologized— what
happened last time,” anitong tuluyang ikinalaglag ng kutsarang hawak ko kaya lumikha iyon ng ingay.
For three year, I never heard him say sorry. Kaya medyo kinabahan ako. “Ang clumsy mo?” reklamo nito na
nangunot pa ang noo.
“Nakakagulat kasing nagsosorry ka.”
“I had no choice! Para hindi ka basta na lang lumalayas dito sa bahay. Dapat nandito ka hanggang makabalik sila Dad. At ayaw kong nakikipagkita ka pa sa Clarence na ‘yon. Maliwanag ba Yuri Ann.”
Masamang tingin ang ibinigay ko dito. “Nagluto ka ba para kumbinsihin ako o para manduhan ako? Alam mo Zade wala akong ibang kaibigan kundi si Moira at si Clarence, kaya sino ka para turuan ako?”
“Yuri, huwag mong sirain ang araw ko puwede ba. I’m trying to be nice to yo—-”
“Then don’t be!” sansala ko dito. “Hindi ko gustong maging nice ka sa akin. Just treat the the way you treat me before. Iyong parang hindi nag–eexist. Iyon ang dapat mong gawin. Dahil iyon na rin ang plano kung gawin.” Walang prenong lintaya ko para itago ang kabang nag–uunahan sa aking dibdib.
“Yuri bakit ba ang hirap mong kausap?”
“Eh bakit ba ang kulit mo rin kasi?” Balik tanong ko dito. “Kung hinayaan mo na lang kasi ako di sana di mo kailangang magpretend na gusto mong itrato akong tao.”
“When did I ever- Yuri, ikaw ‘tong may mali pero bakit ikaw pa ang matapang ha?” usig nitong napapikit
ILANG ulit akong bumuntong hininga para kalmahin ang sarili ko. This was never my plan. Hindi ko gustong maging mabait kay Yuri pero sa mga sinabi nito kahapon. Hindi rin ako napakali kagabi dahil sa
kung anong guilt na hindi ko maunawaan.
At heto nga natagpuan ko pa ang sarili kong naghahanda ng almusal nito. Baliw na ata ako dahil paulit–ulit na naglalaro sa isipan ko ang sinabi nito kagabi.
“Ikaw at ang pamilya ko, no one like me? Kahit bilang tao na lang walang sinuman ang nagparamdam sa akin na mahalaga ako. Ang gusto ko lang naman, mamuhay nang masaya,” at iyon ang ulit–ulit na umuusig sa utak ko. Bagay na hindi ko maipaliwanag kong bakit.
“Subukan nating magkasundo Yuri,” nasabi ko kasabay nang pagmulat ko. Kita kong natigilan ito saka umiling.
“Nakakapanibago ang kilos mo Zade at—” nabitin ang sasabihin nito nang magring ang phone ko. Nasa mesa ‘yon kaya nakita kong si Atasha ang tumatawag. “at imposibling magkasundo tayo.” mahinang dagdag nito na lumamlan pa ang mga mata.
Pero dahil walang tingil ang ring ng phone ko kaya napilitan kong sagutin ang tawag ni Atasha.
“Honey! Nasaan ka na sabi mo sabay tayong magbreakfast.” Excited na saad ni Atasha sa kabilang linya.
“Later na lang tayo magkita, meet me at the office before lunch.” Nagawa ko pang sabihin saka ko tinapos
na ang tawag nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)