Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 247

131 Alamuang Tetoo !

Claim

131: Alamin ang Totoo-1

131: Alamin ang Totoo

NAGISING AKO NA namimigat ang mga paa kong parang hindi ko na halos maramdaman. Kaya napabangon ako para lang makitang nasa paanan ko pala si Zade at naka-unan sa isang hita ko.

Natampal ko na lang ang noo ko. Sa sobrang pagod at antok ko ata sa pinaggagawa ni Zade kagabi

hanggang madaling araw, nakatulugan ko na ang ice cream na sinasabi nito.

“Zade,” tinapik ko ito para magising. Pero umungol lang ito na yumapos pa sa baywang ko. “Ang sakit nang paa ko.” muli kong tinapik ang braso nito kaya namumungay ang matang nagmulat si Zade.

“Umaga na ba?” kinusot pa nito ang mata saka napahikab na bumangon na rin.

“5 am na baka magising na si Baby Zen.” sabi kong mahinang minasahe ko ang paa kong nangalay. “Bakit naman ginawa mong unan ang hita ko.” napapangiwing reklamo ko dito.

Kita kong ngumisi ito. “Sorry, ang sarap kasi nang ice cream kagabi, masarap ba ang tulog mo, asawa ko?”

nakangising saad nito kaya inirapan ko na si Zade. Alas tres na ata ako nakatulog kanína dahil sa kagagawan ni Zade.

“Ako na,” anitong hinawakan ang paa ko kaya napangiwi ako, para kasing kunukuryente ang mga binte ko. Maingat nitong minasahe nang mabagal ang paa ko. Noon naman kumilos si baby Zen. Para mag-iba ang

puwesto pero tulog pa rin ito.

“Wala ka bang planong pumasok sa trabaho ngayon?”

“Mamayang hapon na lang ako papasok, iiuwi na natin si Baby Zen.”

“Oo.” sagot kong binalingan ang inosenting bata. Naroon ang pag-aalala sa isipan ko. Sa tingin ko kasi napamahal na rin si Zade sa bata. Baka masaktan ito kapag nalaman nito ang totoo. Pero kailangan ko munang patunayan na totoo ang sinasabi ni Jennie.

Pagkatapos ng breakfast na kami umalis ng bahay nila Mama Azra. At kahit galing sa lagnat si baby Zen. Kita kong kasiyahan sa mukha nito na nakahawak pa sa kamay ng kanyang ate Zayu na kalong ni Zade.

“Ang sweet nila no,” puna ni Zade na bakas ang kasiyahan sa mukha. “Dapat mapalaki natin silang nagmamahalan bilang totoong magkapatid,” anitong ginulo ang buhok ni Baby Zen na kalong ko naman.

“Oo at magiging maayos rin ang lahat.” pag-aassure ko dito.

Pagdating ko sa bahay ay tinawagan ko si Moira para kausapin ito.

“Bakit mo tinatanong ang tungkol sa babae?” Dama kong sama nang loob nito dahil doon matapos kong sabihin ang pakay ko.

“Kuryos langa ko.”

“Ah,” tipid nitong sagot nakikinita ko nang nakasimangot ito masama at loob. Pero sinabi pa rin ang

131 Alamunnig Totoo-!

nalalaman nito tungkol sa babae.

Claim

“Bakit kasi hindi ka na lang umuwi para, harapin si Clarence. Napag-uusapan naman ang difference n’yo

Moi.”

“Sus, coming from you talaga,” anitong tipid na tumawa. “Kung sabagay mukhang masaya ang boses mo

ngayon. Okay na ulit kayo ng asawa mo?”

“Ah..e parang ganun..” nahihiyang pag-amin ko dito. Noong nakaraan lang kasi nagsusumbong ako kay

Moira dahil sa inis ko kay Zade.

“Nakakainggit kayo, at least ang asawa mo willing mag-efforts para sa’yo.”

“Nag-eefforts naman si Clarence, hinahanap ka pa rin niya,” giit ko.

“Oo malamang, galit siya at gustong gumanti sa akin. Nalaman na pala niyang ibinigay ko sa’yo iyong link

ng post ng asawa mo kaya naging okay na rin kayo ni Zade.”

“Moira sa tingin ko, hindi lang talaga kayo nagkaka-intindihan.”

“Ganun lang talaga siguro, hayaan mo na. Pero alam kong hindi ka tumawag para lang diyan diba?” anitong

ikinangiti ko na lang, talagang kilala nga ako ng kaibigan ko. Tumikhim ako at lumabas sa balcony.

“Di ba kilala ang Mama mo ang may-ari ng High Precision DNA Testing Center.”

“Oo, bakit?”

“Ahmm.. wala naman kasi may ipapacheck lang sana ako. Pero dapat confidential. Puwede bang hindi

ilagay ang pangalan ng may-ari ng specimen?”

“Sus oo naman. Ako nang tatawag. Kaibigan ko rin naman iyong anak nila para siya na mismo ang gagawa nang test. Sabihin mo, duda ka bang anak ni Zade si Baby Zen?”

“Oo,” pag-amin ko dito. “kahit sabihing positive ang DNA test result, alam kong may mali talaga.”

“Okay, send ko sa’yo ang name ng friend ko, para direkta sa kanya ang sample.”

Natapos na ang tawag namin ni Moira pero kinakabahan pa rin ako. Alam ko namang hindi basta-basta

maniniwala si Zade. Kaya pagkaalis nito para pumasok ay saka lang ako umalis at nagtungo sa opisina ni

Clarence.

Comments

LUCK DRAW >

Vote

2.7K

< 131 Alamupang Totoo-2

Claim

131: Alamin ang Totoo-2

“Clarence,” tawag ko dito na mukhang malalim ang iniisip dahil hindi man lang namalayan ang pagpasok

“O, dito ka pala.” Gulat nitong saad. “Upo ka.” Aluk nitong tumayo na rin para harapin ako. “Hindi mo

sinama ang makulit? Ang lungkot na sa bahay nang wala na si Zayu doon.”

“So si Zayu lang ba ang dahilan kaya malungkot ka?” Nanantiya ang tinging ipinukol ko dito. “Dapat pala

isinama ko ang anak ko. Di hindi na lang kita bibigyan ng tip ulit.”

“Teka… si Moira,” nagkislapan ang mata nitong nagmadali pang lapitan ako saka naupo sa tabi ko.

“Bakit ba kasi nakikipag-away ka sa kanya eh matatalo ka rin naman sa huli.” naiiling kong saad dito. “Nasa Singapore siya noong last kaming mag-usap. Pero alam mo namang hindi ko puweding sabihin ang address niya diba. Para naman hindi ako sobrang maguilty kay Moira. Sa tingin ko dapat magpadala ka

muna nang tao para mag-check at i-confirm kung nasaan siya saka ka sumugod. Tingnan mo mga’t mukha

ka nang pagod lagi.” Hinawakan ko ang mukha nito saka hinaplos ang buhok ni Clarence.

“Pareho lang kayo ni Zade parang ewan,” dagdag ko pa.

“Yuri! Stop comparing me with your husband. I’m not like him. Hindi ako nang babae.” depensa nitong

napayuko. “That…that was an accident.”

“Oo na, kaya,dapat magkita kaagad kayo ni Moira at magkaayos na. Sa tingin ko may tinatago rin siya sa

akin. Hindi na siya nakikipagvideo call ngayon, puro call na lang kami. I don’t want to overthink pero nakita

mo naman kung gaano ako nahirapan noong buntis ako diba.”

“Sandali, sinasabi mo bang—”

“Well, I’m not sure, wala rin naman siyang sinasabi. Kaya guess ko lang naman ang mga iyon.”

“Awww…” daing nitong ikinagulat ko.

“Sorry sumabit iyong singsing ko.” dahilan ko kaya pasimple kong inalis ang kamay ko hiding the strand of

his hair. Tulad ni Baby Zen, sensitive rin si Clarence.

Kaya malakas ang kutob kong anak ni Clarence ang bata. Pero ang gumugulo sa isipan ko ay kung paano

sila nagkaanak ni Atasha.

“Clarence my tanong ako. Minsan ba nakasama mo si Atasha sa isang lugar o–”

“What, of course not. Alam mo namang badtrip ako sa babaing ‘yon.”

“Oo nga,” mahinang sang-ayon ko.

“Bakit ba?” Kunot noong tanong nito.

“Wala naman, kuryos lang ako, iyon lang naman,” dahilan ko. “Siya nga pala pumunta ka sa bahay kung may oras ka. Alam kong ayaw mo kay Zade pero…”

131 Alamunang Tetoo-2

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)