Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 249

132: Panganib-2

“Ano?”

Claim

“Tita!” tawag ni Yuri kasunod nang yabag nito kaya mabilis niyang itinulak si Gener at kumuha nang baso.

“Sandali lang hija. Diyan ka na lang sa Rumedor,” aniya na biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya saka binalingan ng masamang tingin si Gener.

“Bigay mo ‘to sa kanya.” mahinang usal nito ng lumabas si Gener sa pinagkukublihan nito. Saka inilapag ang piraso nang gamot sa kababo. Napatitig siya doon. It was the same pill na ibinigay niya kay Charlene noon. Nagtakang binalingan niya si Gener.

“Pagkakataon na natin huwag ka nang mag-isip pa.” mahinang utos ni Gener na muling bumalik sa pinagkukublihan nito.

Hindi na rin niya nag-isip. Mabilis na ihinalo siya ang pill sa juice. Madali lang matunaw ‘yon. Hindi niya alam kong bakit may dala nang ganung pill si Gener.

Nang mahalo na niya nang husto ang juice ay saka siya lumabas. Naroon si Yuri sa tapat ng malaking ref at kumuha nang bottled water.

“Ito nang inumin mo, hija.” aluk niya saka inilapag ‘yon sa mesa. Wala namang masama kung gagawin ulit nila ang ginawa niya noon kay Charlene na naging dahilan para kamuhian ito ni Gaston.

Kung magkakahiwalay sina Yuri at Zade, may pag-asa na si Atasha. Mas madali sa kanya na makuha rin ang Delamer’s. Isa ang mga Delamer’s sa prospect company niya noon pa man.

Nasisiguro niyang mas mamahalin siya ni Gaston kapag nabigay niya dito ang Delamers Group. Iyon lang naman ang gusto niya. She always wanted to please Gaston. Pero sympre hindi kasama ang Montefalco Royal sa ibibigay niya dito. That company will be hers in few weeks. Kaya anong masama.

“Upo na ka hija.” aluk niya dito.

Sa kabilang banda. Lihim na napangiti si Gener, nagdala siya nang pill para kung sakali lang namang tumangi si Daisy na bigyan siya nang pera. Pero akalain ba naman niyang magagamit niya ‘yon ngayon kay Yuri. Hindi man niya nakikita pero dinig naman niya ang pag-uusap nang mga ito sa kumedor.

“Kumusta nga pala si Jennie, hija?” tanong ni Tita Daisy sa akin, nang maka-upo na ako.

“Ayos lang naman Tita. Mabait naman po at nagkakasundo sila ni Zayu.” sagot ko dito.

“Inumin mo na ‘yan habang malamig pa.” aluk nitong inilapit sa akin ang baso juice. Kaya hinawakan ko rin

‘yon. “Bakit nga po pala wala sina Manang Fe?”

“Nasa grocery sila ngayon kakaalis lang rin bago ka dumating,” paliwanag nito. Maingat kong inangat ang baso para uminum ng juice, nauuhaw na rin kasi ako.

“Mga anong oras ho kaya darating si Dad? Sana pala tinawagan ko siya no.” nasabi ko.

Mangat

Claim

“Alam mo laman ‘yon, kapag naglalaro nang golfkasama ng mga padrino niya parang laging feeling binata, napasimangot na saad nitong ikinatawa ko. Muli kong inangat ang baso juice pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtitig doon ni Tita Daisy.

I suddenly felt uneasy dahil sa kakaibang tingin nito. She looks excited habang nakatitig sa basong hawak ko. I was about to drink the juice ng magring ang phone ko. Kaya ibinaba ko ang baso saka ko kinuha ang phone.

“Sandali lang po Tita,” paumanhin ko ditong tumango naman pero kita kong alanganing ngiti nito. Saka ko sinagot ang tawag ni Zade.

“Wala ka raw sa bahay, nasaan ka?” naglaho ang alalahanin ko nang marinig ko ang boses ni Zade sa kabilang linya.

“Nandito ako kila Dad, dadalawin ko sana kaso wala siya. Pero pauwi na rin ako.” sabi kong sinulyapan si Tita Daisy na nakatingin lang at walang ekspresyon ang mukha.

“Sunduin na kita, tamang tama malapit kami sa area.” presenta nitong ikinailing ko na lang.

“Tapos na ba ang meeting mo?”

“Oo, nandiyan na ako in 15minutes.”

“Ganun, sige antayin na kita. Huwag kang magpapalate ha.” sagot kong sinulyapan ko pa si Tita Daisy na

nakikinig lang.

“Oo na, namiss mo ba kaagad ang asawa mo.”

“Hindi. Sige na. Bye.”

“Bye lang wala man lang I love you d’yan.” Ungot nitong ikina-init ng mukha ko. Kaya wala sa sariling nadampot ko ang baso nang juice sa harap ko saka ako uminum doon. Saka ko pinatay ang tawag. “Hmm.. ang sarap nito Tita,” baling ko kay Tita Daisy na tila nagulat.

“Susunduin ka ba nang asawa mo?”

“Opo, malapit na daw po siya. Babalik na lang siguro ako sa ibang araw para maka-usap si Dad.”

“Puwede mo naman sabihin na lang ang concern mo at ipaparating ko sa Daddy mo.”

“May itatanong lang ako tungkol sa trabaho ko sa Saavedra. Sa tingin ko kasi wala nang plano si Zade na pabalikan ako sa office. Kaya gusto ko sanang magtrabaho ulit,” palusot ko na lang. Wala akong planong ipaalam dito ang ginawa kong DNA test kay Baby Zen. Lalo’t ang alam ko ito ang umasekaso kay Atasha noon sa US. Ayaw kong husgahan ito pero hindi lang mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Jennie sa

akin.

“Sige hija, hayaan mo at babangitin ko na rin sa kanya mamaya pag-uwi niya. But I suggest magfocus ka na lang sa pagpapalaki nang anak mo, iyon kasi ang mas mahalaga ngayon.” Nakangiting suhesyon nito.

Ten minutes later ay narinig ko na ang busina nang kotse sa labas. “Ang bilis naman ni Zade,” nasabi ko.

Ciar

“Salomat pu Tita sa oras.” ani kong tumayo na pero tila ako saglit na lumutang kaya napa-iling ako.

“Okay ka lang ba hija?” Malambing nitong tanong.

“O–opo. Salamat ulit.” ani kong humakbang na ako palabas pero pakkamdam ko para talaga akong lumulutang. Palapit na ako sa gate nang maramdaman kong riapakagaan ng ulo ko at parang gusto ko nang ipikit ang mga mata ko. Nasapo ko ang ulo ko dahil doon. Maayos naman ang pakiramdam ko kanina kaya bakit parang sobrang antok na antok na ako.

Ganun na lang ang relieve ko nang makita ko si Zade na bumaba nang kotse para salubungin ako.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)