Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 263

139: Panic-2

Hindi ko pa man nalalaman ang existence nang anak ko, nawala na kaagad siya dahil sa babaing ‘yon. Ang isiping ‘yon ay nagpakuyom sa aking nang hihina paring kamao.

“Ang walang hiyang babaing ‘yon,” nagawa kong sabihin sa kabila nang panghihitrina nang katawan ko.

Hinawakan ni Mama Azra ang kamay ko.

“I’m so sorry hija. Huwag kang mag-alala inaasikaso na ni Zade ang kaso ni Atasha. Sisiguruhin nating makukulongng siya. Hindi pa rin ako makapaniwalang kaya niyang gawin ang ganun kasamang bagay.”

dama kong paghigpit ng hawak nito sa kamay ko.

“Actually, hindi lang ang pananakit sa pasyente ang naging dahilan nang miscarriage niya. We run test on her at nakitaan namin ng residue nang Benzodiazepines ang katawan nang pasyente.”

“Benzo–what!” natigilan ako sa sinabi nang doctor at napatitig kami dito, saka mabilis kong pinahid ang

luha ko.

“Isa hong uri ng sleeping pills ang gamot na ‘yon at fatal para sa unborn child.” Paliwanag ng doctor na tila

nahuhulaan ang tanong sa utak ko.

“No, hindi nga ako umiinum ng contraceptives dok, let alone sleeping pills pa,” naiiling kong saad dito at mula kung saan ay bigla kong naalala ang nangyari sa akin sa bahay ni Dad. Kaya hindi ko maiwasang

kabahan ng husto.

“Anung klasing pills ulit ang sinabi mo Dok,” si Dad Gaston na seryoso ang mukha. Inulit naman ng doctor

ang sinabi pero kita kong natigilan ito at tila nahulog sa malalim na pag-iisip.

“PALABASIN n’yo ako dito!” walang tigil at malakas na sigaw ni Atasha nang makapasok ito sa selda. At ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mata nang makita niya si Zade na palapit.

She finally felt relief.

“Zade!” nagawa pa niyang umiyak na nagpapa-awa. “Palabasin mo ako dito. Wala akong kasalanan… Si Yuri, siya ang may gawa nang lahat. Gusto niya akong ipakulong. Please…” tila batang samo nitong inilabas pa ang kamay para abutin si Zade.

At hindi man lang nakikita ni Atasha ang matalim na titig ni Zade dito.

“Sir,” agaw pansin ni Javier ng mapansin na nakakuyom nang kamao ni Zade. Wala pang anak si Javier

pero nauunawaan nito ang galit ng boss niya. Lalo’t excited na rin itong magkaanak ulit ito. Hindi raw ito

papayag na maunahan ito ni Clarence na magkaroon ng dalawang anak.

“Puwede ba siyang maka-usap?” tanong ni Zade sa police na lumapit sa kanila. Kaagad namang sumang-ayon at pinapunta sila sa interrogation room.

Hindi nagtagal ay dumating rin si Atasha na may posas pa.

“Zade, tama ako diba pakakawalan mo na ako. Aksidente lang ang nangyari kay Yuri. Hindi ko naman alam

Cinery

na buntis siya at…” nagmadali itong lumapit sa kanya Zade, pero umatras siya. “Teka… bakit?” inosenting tanong ni Atasha na nagpatangis ng bagang ni Zade kasabay nang halos mamuti ang kamao nito.

“Bakit mo ginawa sa asawa ko ‘yon!” Matalim ang boses nitong nang-uuri kay Atasha.

“I didn’t… saka nandoon naman si Mommy,” depensa pa nito. “Kasalanan naman ni Yuri. Saka maniwala ka nag-iinarte lang talaga ‘yon,” naglilikot ang matang paliwanang nito saka ngumiti pa..

“Lintek!” Malakas na pinalo ni Zade ang bakal na mesa na ikinagulat ni Atasha at maging ang police na nagbabantay sa labas ay napapasok sa interrogation room. Pero tila wala nang paki-alam si Zade sa mga naroon. Ang mga mata nito ay matalim ang tingin sa babaing sa tingin niya ay nababaliw na dahil sa mga

pinagsasabi nito.

“Zade, huwag ka namang magalit, saka…tama lang magdusa siya pagkatapos niyang kunin sa akin si Baby Zen. Hindi pa sapat na kabayaran ‘yon!” kompiyansang saad ni Atasha kay Zade. “Inagawan niya ako nang

anak, inagaw ka niya—”

“Don’t YOU DARE say that, Atasha!” Gumuguhit ang linya nang ugat sa sintido ni Zade. His jaws was like sharp shards na nagigisgisan sa bagang nito. His face was red at tila ano mang oras sasabog ito at puweding masaktan si Atasha kaya napalapit si Javier dito. Nang walang babalang hilahin ni Zade ang

braso ni Atasha na ikina-igik nito.

“Sir!”

“Makinig ka Atasha, ako ang nagpasya na ilayo sa’yo si Baby Zen, and my wife has nothing to do with it! Kaya hindi ko alam kung bakit siya ang gusto mong sisihin lagi.”

“Zade anak ko si Baby Zen, at—”

“He is not your SON!” Malakas na bulyaw ni Zade sa mukha nito, na ikinatigalgal ni Atasha. Tumawa siya ng pagak. “Para ka nang baliw, nagwawala ka para sa batang hindi mo, sariling anak.”

“Ano bang sinasabi mo, anak ko si baby Zen, anak natin siya!” ganting giit ni Atasha sa naglilikot ang mata.

“Liar! All this time nabuhay ka na sa kasinungalingan mo Atasha. At talagang ang lakas ng loob kong

lukuhin kaming lahat, pero tandaan mong walang baho ang hindi umaalingasaw.”

“Zade, stop making up stories, si Yuri ba ang nagsabi sa’—‘

r

“Punyeta ka Atasha!” nanlilisik ang matang itinulak ni Zade si Atasha na kung hindi ito napahawak sa

mesa, malamang sa sahig ang bagsak nito. “Puro na lang si Yuri ang sinisisi mo, why don’t you FVCKING!

blame yourself this time.. At sisiguruhin kong mabubulok ka sa kulungan, para sa pangluluko mo sa amin.

And for using someone else child, para magpangap na anak ko.

“Ano bang sinasabi mo Zade, hindi ako nagsisinungaling anak natin si Baby Zen…” giit pa rin ni Atasha na napahagulgul na.

Napapailing na tinitigan niya ang pagmamakaawa ni Atasha. Saka kinuha sa kanyang bulsa ang DNA test result na ipinakuha niya kay Javier.

179 Par

Clant

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)