Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 272

113 Muling straha 2

Clar

  1. Huling Baraha-2

Ngayon nandito ako sa dating bahay namin, para akong bumalik sa panahong puro pasakit at paghihirap ang ginawa nila sa akin. Kung ako ang masusunod, ayaw ko nang balikan pa ang mga aalalang ‘yon. Pero dahil pinaghirapan pala nang ina ko ang lahat ng ‘yon. Kailangan kong bawiin ang lahat nang mayroon sila. “Hindi mo puweding gawin sa amin ‘to Yuri, ginawa naman namin ang lahat para—”

“Lahat! Kasama ba doon ang kumain ng isang beses sa isang araw kapag pinapagalitan at pinapalo n’yo ako sa pagkakamali ni Atasha… kapag binibigyan ako nang mga kasambahay, pinapalayas n’yo sila? lyon ba ang lahat!” Kuyom ang kamaong sumbat ko dito. “Buong buhay kong kasama kayo, pakiramdam ko kasalanan kong nabuhay ako sa mundong ‘to. Pero mali pala. Kayo ang dapat hindi nabuhay sa mundo. At nasaan ang Manang Gina na sinasabi ni Mama sa sulat?” usig ko dito na ikinawala nang kulay ng mukha nang mag-asawa.

Kita kong pagkataranta sa mata ni Gener. “Malay namin, nawala siya matapos nakawin ang mga pera at alahas na itinago ni Charlene.” Malakas ang boses na sigaw ni Gener sa amin.

“Nagpa-imbestiga na kami, hindi na naka-uwi ang babae sa pamilya niya. At hanggang ngayon nakafile pa rin sa presento ang pagkawala niya.”

“Anong paki-alam namin kong nawala siya matapos magnakaw. At higit sa lahat hindi kami, aalis dito!” sigaw ni Natasha. “Sa akin ang bahay na ito, ako ang nangalaga dito sa matagal na panahon kaya wala kayong karapatang kunin sa akin ang bahay!” hysteria nito.

“Eh di sana pala naging mabuti man lang kayo sa akin. Alam n’yo naman pala na ‘yon ang ipinangako ng Mama ko sa n’yo. Pero ginamit at ninakaw n’yo lang ang lahat na dapat para sa akin.”

“Wala kaming ninanakaw, wala kang utang nagloob—-ahhggg…” daing nito nang salagin ng bodyguard ni Clarence ang kamay nitong aktong sasampalin ako. “Walang modo!” bulyaw nito sa lalaki.

“Mrs. Montefalco, pinatira lang kayo dito pansamantala dahil wala ang totoong may-ari. Hindi ibig sabihin noon sa n’yo na ang bahay. Dahil higit sa lahat hindi rin kayo ang nagbabayad ng tax nito. Kundi sa fund mismo nang account ni Yuri nangagaling ang pera. Kaya kung hindi kayo aalis–mapipilitan kaming ipakaladkad kayo sa mga tauhan namin. At puwede namin kayong kasuhan ng tresspasing mula ngayon.” banta ng abogado sa mga ito.

“Mga walang hiya kayo! Ikaw Yuri wala kang utang na loob, dapat noon pa lang hinayaan ka na naming mamatay.” Nakadurong sumbat sa akin ni Gener.

“Pero hindi n’yo puweding gawin, dahil oras na mamatay ako na wala pa sa tamang gulang, mali-liquidate ang lahat ng assets na para sa akin at mapupunta sa kapatid ko. Pero ang alam n’yo sa charity institution mapupunta ang lahat hindi ba? Dahil kayo mismo hindi n’yo alam na may kakambal ako. Kaya kahit patayin

n’yo man ako, wala ring saysay ang lahat.” kumpiyansang saad ko sa mga ito.

“Bwisit!” gigil na sambit ni Gener.

141 Mulingfreha 2

“Naturingang, step-brother ka nang klieyente namin pero nagawa mo ang lahat ng ito para sa pera.” ani Atty. Fortunato.

Clim

“Oras na para lumayas kayo sa pamamahay namin.” walang emosyong utos ni Clarence sa mga ito sabay turo sa gate.

“Anong makaka-alis, no! Nandito ang lahat ng gamit ko..” gigil na tangi ni Natasha.

“Lahat ng gamit mo ay nabili mo mula sa shares n’yo sa Montefalco Royal. Bilang bayad sa pag-aalaga kay Yuri.” Formal na saad nang abogado. “Pero dahil hindi n’yo ginawa ang obligasyon n’yo bilang tagapamahala. Kailangan n’yong ibalik ang lahat ng bagay na mayroon kayo. Pati na ang 2% shares na ginagamit para ipambayad sa mga utang n’yo sa bangko. Walang dahilan ang Montefalco Royal para bayaran pa ang lahat ng utang n’yo. Una dahil hindi naman ginamit ang pera para sa kompatiya.”

“Kaya aalis kayo ditong sarili lang n’yo ang dala n’yo.” Walang kangitngiting dagdag ni Clarence.

“Nababaliw ka na ba, pinaghirapan ko ang lahat nang ‘yan!” Sigaw ni Gener sa pulang pulang mukha.

“Oo pinaghirapan mong lustayin ang pera ng magulang namin,” depensa ni Clarence. “Kung hindi kayo kusang aalis mapipilitan kaming kaladkarin kayo palabas.”

“No!” Hysteria ni Atasha. Kaya sumenyas na si Clarence sa mga tauhan nito. At ilang sandali pa, ang malakas na sigaw at pagtangi ni Natasha ang maririnig sa paligid.

Tumigil lang ang sigaw ng tuluyan na itong mailabas sa gate.

*****

“HONEY anung gagawin natin?” Kuyom ang kamaong tanong ni Natasha sa asawa. Makikita ang nag-aapoy nitong tingin sa mataas na bakod na sumara.

“Hindi pa tayo tapos, Yuri. Kung wala akong mapapakinabangan sa lahat ng pinaghirapan ko. Hindi rin makikinabang si Yuri sa lahat ng ito.” Matiim nitong sambit. Saka pumara nang taxi.

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Natasha nang nasa taxi na sila

“Sa saan pa ba? Itinaya ko na ang lahat makuha ko lang ang kompanya ni Charlene, Kaya wala nang mawawala sa akin ngayon.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)