147: Secret Door-1
147: Secret Door
“SANDALI LANG Sir,” pigil kay Gener ng security ng aktong papasok siya sa building. Kailan naging mahigpit ang security guard sa main entrance:
“Hoy hindi mo ba ako kilala, ha?” Dinuro pa ni Gener ang lalaki pero napaatras naman ito. “Ako ang CEO nang Montefalco Royal. Ako ang boss mo!” singhal ni Gener dito.
“Kilala namin kayo Sir, kaya nga ho bawal kayo dito, yan ho ang utos ng Chairwoman. Bawal ho kayo sa
loob,” kompiyansang sagot ng security kaya lalong nagpainit sa ulo ni Gener.
“Bullshit! May imbitasyon ako, sira na ba ang ulo mo!” bulyaw nitong inilabas ang invitation at ibinato sa
mukha nang lalaki.
“Bawal nga ho kayo dito Sir, ang kulit n’yo naman,” asar na sagot ng security na napahawak sa nasaktang
mukha nito.
“Mayabang kang gago ka ha, gusto mong sisantihin kita!” Pero lalo lang napikon si Gener ng ngumisi ang
lalaki. “Talagang!” gigil na umangat ang kamay nito para saktan ang lalaki.
“Tama na ‘yan!” saway nang isang matangakad na lalaking lumapit. Hindi rin kilala ni Gener ang bagong
head ng security department. Napaatras si Gener ng salubungin niya nang walang emosyong titig ng lalaki.
Pakiramdam ni Gener hindi ordinaryong tao ang lalaki.
Dinampot nito ang invitation card na nahulog.. ” Ito ang invitation three days ago, pero pinapalitan na ito
ng pamilya nang CEO.” hindi mababakasan ng paggalang ang boses nitong malaki at malalim na tila ba nakakatakot. “Kung ganito ang imbetasyon mo, hindi ka maaring pumasok. Kahit ikaw pa na dating CEO,”
pinal na sagot ng lalaki. “Kapag hindi ka umalis, mapipilitan akong tumawag nang police para hulihin ka for tresspassing,” dagdag na banta pa nitong kinuha pa ang phone nito.
“Mga… mga putang ina n’yo,” napapalunok na sigaw ni Gener. Sabay duro sa mga lalaki. Wala siyang paki-alam kong nakakatakot ang bagong head security. “humanda kayo sa akin!” Nakadurong banta ni
Gener saka padabog na naglakad palabas.
୮
“Hindi ka pinapasok?” kaagad na usisa ni Natasha sa asawa ng makabalik ito sa kotse. Kaya lalong nag-init
ang ulo nito.
“Tanga ka ba, nandito ba ako kung nakapasok ako. Huwag mo nga—”
“Honey naman, ano bang nangyayari sa’yo? Bakit ka ba nagkakaganyan. Asawa mo kaya ako,” tila batang
maktol pa ni Natasha.
“Para ka naman kasing tanga, magtatanong ka pa. Alam mo kung hindi lang— buwisit! Tawagaan mo na
lang si Daisy kung nakuha na iyong pinapakuha natin.”
“Honey, mabuti pa tayo na lang pumunta?”
147 Secretedor +
“At paano tayo makakapasok aber?” asik nito.
Claim
Nakalimutan mo na ba iyong gate sa likod, may daan na connected sa lumang basement. Nasa akin ang mga susi,” may pagmamalaking ipinakita ni Natasha arig keychain na dala nito. Kaya tila nilipad naman
nang hangin ang inis ni Gener.
“Dapat sinabi mo kaagad hindi na sana natin inutos kay Daisy,” asar na saad ni Gener na nagmadali nang
magdrive. Kailangan nilang makuha ang mga record na may kinalaman sa pagpaplano ni Daisy na
pagpatay noon kay Charlene.
“Pinipigilan na nga sana kita, kaso diredretso ka naman. Di bali hindi naman sila nakapasok last time
malamang hindi pa sila makakapasok ngayon. Kaya tayo na lang ang kumuha. At may maganda akong
naisip.” nagkikislapan ang mata ni Natasha dahil doon.
Nagpalipas pa sila nang oras bago nagpasyang bumama sa kotse. Pumuwesto sila sa bakanting lote
malapit sa likod ng mataas na bakod ng Mansion.
Dahil binalot na nang mga gumagapang na halaman ang bahaging ‘yon ng bakod. Hindi na halos mapapansing may gate doon. Nagawa nilang magkubli sa makakapal na dahon ng mga palumpong na
kumapit na sa pader.
Habang maingat na binubuksan ni Gener ang gate. Kapwa sila nagkatinginan nang bumukas ang ang
pintong bakal. Marahan at tila mga magnanakaw silang sumalisi sa likod. Nagmimistulang kagubatan na
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)