Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 282

“Yuri,” nagitla ako nang biglang pumasok si Zade sa kuwarto. At dali-daling binuksan ang flatscreen tv

doon. Hindi ko na namatayang natapos na ang tawag ni Clarence dahil nakatutok ako sa balita tungkol sa

natagpuang kalansay.

Ilang sandali pa ay nasa harap na nang camera si Natasha. Na ipinagtaka ko.

“Ang totoo may isang katulong kami noon na bigla na lang nawala matapos magnakaw nang pera at alahas,

ayaw kong isipin pero sana hindi naman siya ‘yon. Kasi isang buwan ang lumipas ng mawala siya. Dumating

‘yong asawa para hanapin ang kasambahay, pero dahil matagal na nga na umalis ng walang paalam

hinayaan na lang namin. ” kumpiyansang lintaya ni Natasha sa harap ng camera.

“Masasabi n’yo ho ba kung sino ang taong posibling may kinalaman sa kaso?” tanong nang isang tinig sa

likod ng kamera.

“Hindi ako maaring magsalita dahil wala naman akong katibayan. Kaya sana mag-imbestiga nang husto ang

mga police para malaman ang totoo. Ang alam ko kasi nagkaroon sila nang alitan nang isang katulong, pero

matagal na ring umalis sa amin ang babaing ‘yon.”

“Ma’am, kaya n’yo bang bigyan ng pangalan ang taong posibling maging suspect?”

An hour earlier…

Nanlaki ang mga mata nila Gener at Natasha nang mapanood ang balita habang kampanting nag-aalmusal ang mga ito. Nagkatinginan at namutla si Natasha.

“Gener,” mahinang sambit ni Natasha sa asawa. “anong…?”

“Sabi ko naman kasi sa’yo itapon na natin ‘yon eh,” asar na saad ni Gener sa asawa.

“Anong gagawin natin?”

“Wala. Hindi naman nila ganun kadaling malalaman kung sino ang bangkay at puwede nating sabihing

wala tayong alam sa basement.” Kampating saad ni Gener.

ľ

“Kasalanan naman kasi nang babaing ‘yon ang lahat,” asar na saad ni Natashą.

“Tama na at tumahimik ka, wala na tayong magagawa doon.” asar nitong saway sa asawa nang saglit na

natigilan. “Teka, naalala mo iyong isang babae na kaibigan ni Gina, iyong adelantadang nagdala kay Yuri sa

hospital?”

“Oo,” sagot ni Natasha kaya nagkatinginan ang mga ito. “Are you saying…” sumilay ang ngiti sa labi ni

Natasha. “Why not?”

“Kung ganun kumilos ka na at pupunta tayo doon, bago pa makaalis ang mga reporter.” mabilis silang nagbihis at gamit ang kotse na ipinahiram sa kanila ni Daisy. Nagtungo sila sa Montefalco mansion. Paalis

na ang isang ambulansya pero may mga reporters pa rin.

1/3

148 Blante-

Claim

“Kaya nio bang ibaling kay Eliza ang sisi para mailigaw ang imbestigasyon,” nanantiya ang tingin ibinigay ni

Gener sa asawa.

“Akong bahala, honey, relax ka lang. Wala namang alam ang tangang ‘yon. Baka nga sa ngayon nagdidildil pa rin sila nang asin. Dahil wala na siyang makukuhang matinong trabaho pagkatapos ng ginawa natin.” Kumpiyansang saad ni Natasha. Saka inayos ang sarili bago umibis sa kotse kaya nagmadali naman ang

mga reporters ng makita ito.

She was good at acting kaya kalmado lang si Natasha na hinarap ang mga ito at sinagot ang mga tanong.

“Kaya n’yo bang bigyan ng pangalan ang taong posibling maging susupect?” lakas loob na tanong ng

reporter.

“Oo naman, si Gina Salazar ay ang nagpasok sa dati naming katulong at kaibigan rin daw niya na si Elisa Cortez. Nagkaroon sila nang pagtatalo noon, tungkol sa pera, kaya sana magpaimbistiga ng mabuti ang mga police.” kumpiyansang deklara ni Natasha.

***

LUMIKHA nang nakakabinging ingay ang pagkabasag nang kung ano sa kusina. Kaya nagkatingnan kami ni

Zade. Mabilis naman itong kumilos para alamin ang nangyari.

Pagpasok ko sa kusina, kita kong umiiyak si Manang Elisa na nakatigin sa flatscreen TV. Si Ate Rita naman ay nagmamadaling kinuha ang walis.

“Hi—hindi ho totoo ‘yon Sir…” umiiyak na napahagulgol ang ginang. “Parang ate ko na si Ate Gina kahit bago lang ako sa Montefalco noon… kaya bakit niya sinabi ang ganun.”

“Relax lang ho kayo,”pag-aalo ni Zade dito saka ito inakay palabas ng kusina. Nagmamadali namang nag-abot ng tubig si Aling Susan na tila nag-alala rín.

“Manang,” tawag ko dito. “Iyong Gina Salazar siya po ba iyong katiwala ni Mama?”

“Hindi ko rin po alam Ma’am pero siya po ang Yaya mo. At close nga daw siya sa dating may-ari ng bahay sabi nang mga dati naming kasama. Baka po makulong ako Ma’am… ano na lang—” muli na naman itong

napahikbi.

“Huwag ho kayong mag-alala sa tingin ko hindi alam ni Natasha na nasa amin kayo, kaya niya ginawa ang bagay na ‘yon.” Pag-aalo ni Zade dito.

“Pero Sir?”

“Relax lang po kayo Manang, alam kong hindi n’yo kayang gawin ang sinasabi ni Natasha.” Pagpakalma ko

dito saka ko ito niyakap.

“Salamat pero… tatawagan ko muna ang asawa ko at baka nag-aalala na ‘yon.”

“Ayos lang po, sinabihan ko na si Dad na sabihan ang asawa mo. At pupunta rin siya dito.” ani Zade. “Pero

mas makakabuting magpunta tayo sa police station ngayon.”

145 Blame?

“Sir…baka?” panic na saad nito.

Claim

“Hindi ho kayo makukulong kung kusa kayong pupunta sa police ngayon para pasinungalingan ang sinabi

ni Natasha, at higit sa lakat hindi sapat ang akusayon niya. Puwede pa natin siyang kasuhan nang defamation kapag napatunayan nating wala kayong kinalaman doon.” Kompiyansang paliwanag ni Zade

dito. Hindi ko tuloy maiwasang mapahanga sa husay nang asawa ko. Kinuha nito ang phone nito at

tumawag sa abogado.

“Salamat Sir dahil naniniwala kayo sa akin,” maluha-luha pa ring saad ni Manang Elisa.

“Naging mabuti ho kayo sa asawa ko noon at alam kong naniniwala si Yuri na wala kayong kasalanan.”

Napatango ako dahil totoo naman ‘yon. Alam kong hindi masamang tao` si Manang Elisa.

“Pero hindi ba nakapagtataka, paano nila nakilala kaagad ang isang kalansay na lang?” Hindi ko

mapigilang sambit na ikinatitig sa akin ni Zade. “Unless….”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)