Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 287

150 Tip 2

“Ano po ito?”

“Yan ang listahan nang mga share’s at property na pamamahalaan mo sa mga susunod na taon.”

“Teka, hindi pa po ba ito kasama sa mga nasa last will ni Mama?”

Claun

“Hindi ho, ang mga ‘yan at para sa’yo dahil ikaw ang pinili nang ‘yong ina bilang kapalit niya.” Paliwanag na

saad ni Alpha.

“Gaano ho ba kayaman ang Mama ko?” Hindi ko mapigilang tanong sa mga ito. Hindi lang kasi basta

bilyon ang pinag-usapan sa perang nakalalan sa share ko at ni Clarence. Tapos mayroon pa palang ibang

ari-arian na hindi declared sa will.

“Malalaman mo rin ‘yon, kapag nakita mo na ang mga nasa listahan. At ang mga nakaka-alam nang nasa

listahan ay mga piling tao lang sa sector. Umaasa kaming poprotektahan mo ang lahat bilang bagong

Chairwoman.” seryosong paliwanang ni Alpha.

“Hindi isang ordinaryong babae ang iyong ina, Yuri. Kaya hindi ko alam kung bakit basta na lang siya

namatay sa pagsabong na ‘yon.”

“Sabi aksidente ang pagkamatay ni Mama diba?” tanong ko kay tita Rica.

“Iyon ang alam ng lahat, pero alam naming hindi. Ilang tao na ang namatay noon dahil sa pag-iimbestiga

nang pagsabog sa kotse ng Mama mo. Lahat iyon, pinalabas na pagnanakaw, o di kaya aksidente rin. Kaya

halos lahat nang paghihirap namin ay walang silbi,” mapait na saad ni Tita Rica.

“Ang ama ko, namatay rin dahil sinubukan niyang alamin ang totoo. At siya ang huli kaya ipinatigil namin

ang lahat. Limang taon na ang nakakaraan. Pero ngayon nandito ka na, magsisimula ulit ako. Sisiguruhin

kong mabibigyan ng katarungan ang pagkawala hindi lang ni Papa kundi nang lahat ng taong nadamay,

para lang pagtakpan ang kamatayan nang ‘yong ina,” seryosong lintaya ni Alpha at dama ko ang determinasyon sa mukha nito.

“Ang totoo naguguluhan ho ako, pero sisikapin kong maunawaan ang lahat. Kung sa tingin n’yo may pumatay kay Mama. Dapat nating alamin ‘yon at—” natigilan ko sa pagsasalita nang matangap ko ang

isang tawag.

Hindi nakaregister sa phone ko ang numero kaya napakunot noo ako. “Sandali lang po,” paalam ko sa mga

ito. “Hello,”

“Hello Miss Yuri,” anang mahinang tinig sa kabilang linya boses—matanda iyon.

“Sino po kayo sir?”

“Si Tasyo po Miss, gusto sana kitang makausap tungkol doon sa nakitang laman ng maleta sa basement,” anito sa mahinang tinig. “Alam ko kung sino ang taong ‘yon!” tila nagtayuan ang balahibo ko sa batok sa sinabi nito. “Magkita ho tayo ngayon sa lugar na sasabihin ko. Pero sana walang ibang makaalam. Baka manganib ang buhay ko. At siguruhin mong darating ka sa oras paki-usap.” iyon lang at natapos na ang tawag.

(150 Tip: 2

“Anong problema hija?” usisa ni Tita Rica na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Claim

~”Kasi, iyong tungkol sa buto ng tao na nakita sa basement ng bahay. Alam daw nang driver ni Gener. Baka

ho gusto niyang tumulong.

“Hija, huwag kang magpadalusdalos. Sabi mo nga tauhan ni Gener ang taong ‘yan baka kung anong masamang plano nang mag-asawa na ‘yon.”

“Pero kailangan ho naming patunayan na hindi si Manang Elisa ang kriminal. Ilang taon rin siyang nagdusa

dahil naging mabuti siya sa akin. At ayaw kong mapahamak siya sa mga paratang ni Natasha.” giit ko.

“Kung disidido ka, sasamahan na kita.” presenta ni Alpha.

“Sige, siya mga pala ang alam ko pupuntahan rin nang asawa ko si Mang Tasyo para magtanong, baka

maabutan natin sila.

SAKABILANG BANDA…

“NAGAWA ko na ang utos mo, pakawalan mo na ang asawa ko.” ani Tasyo sa kausap sa phone.

“Okay, may isa akong salita. Salamat sa kooperasyon, at hindi tayo nag-usap, okay.” Nakuyom ni Tasyo ang kamay nito dala ng labis na galit. Akala niya nawala na siya sa kamay ng kanyang mga amo. Pero hindi

niya inaasahang lalabas ang balita tungkol sa bangkay sa maleta. At bigla na lang siyang tinawagan nang

kung sino at nagpadala nang video nang kanyang asawa na nasa ospital para sa dialysis nito.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)