“Bakit naman niya isasama yon eh maghihiwalay na sila. At sa tingin ko may gusto si Clarence Saavedra sa babaing iyon.” Asar na sumbong ni Atasha sa ina saka tumabi pa dito sabay kapit sa braso nito. “Pero treat mo ang saloon ko ha, mommy, naubos ko kasi iyong credit limit ko hindi pinadagdagan ni Zade ang credit card ko.” Tila batang sumbong nits
“Pambihira ka, pati iyon naubos mo na. Masyado kang magastos Atasha. Kailangan mong mag–ingat sa gastos. Alam mong—”
“Dad, kapag naging mag–asawa na kami ni Zade I’m sure hindi ka na mahihirapan sa company mo kasi sympre gagawin ni Zade ang lahat para sa akin. At mababayaran ko lahat ng max out credit card ko,”
kumpiyansang saad pa nito. Saka tumayo na pero muling naupo. “Dad, diba may binili kang stocks para
kay Yuri, did you gave it to her?” tanong ni Atasha sa ama na ikinagulat nito
“Ha.. paano mo?”
“Dad, narinig ko kausap mo si Yuri noong after niyang mag–eighteen. Kaya nga nainis ako noon eh. So did
she have the shares control. Bibigyan naman siya nang pera ni Zade kapag naghiwalay na sila so— can l have it instead?” Nakangising suhesyon nito.
Kapwa na tigilan ang mag–asawa sa sinabi ni Atasha. Ang ina nito ang unang nakabawi.
“Anak, listen,” seryosong saad nito saka hinawakan ang kamay ni Atasha. “Walang shares si Yuri, its…”
“Mom., don’t lie to me kaya. Nakita ko iyong document, pera iyon sa banko na nakapangalan kay Yuri.” Asar na giit ni Atasha. “Hindi ako interested sa company pero may rights din ako dahil anak n’yo rin ako. Saka tanga naman si Yuri kaya hindi niya malalaman kung mababawasan ang shares niya. Hindi ko nga alam kung bakit may ganun siya, samantalang ako iyong kotse at allowance lang ang bigay n’yo.”
“Atasha… mahirap ipaliwanag ngayon pero— Please be patience okay maayos rin ang lahat.”
“Ano bang mahirap doon, Dad? Kahit mas pinapaboran n’yo ako. Alam kong si Yuri ang may mas malaking shares sa company. Kaya lalo akong naiinis sa kanya. Ang gusto ko lang fair ang shares ko.”
Nakasimangot na reklamo nito.
Nagkatinginan naman ang mag–asawa sabay napalunok.
r
Pero biglang nagsalita si Natasha. ” Huwag kang mag–alala anak, magiging maayos rin ang lahat. I’ll make sure you had everything okay.”
“Whatever. Kapag pinakasalan na ako ni Zade hindi na ako mahihirapan sa pera. But I want my company shares, wala akong paki kung si Yuri ang pumalit kay Dad.”
“Sisiguruhin naming mangyayari ‘yan anak. Kahit anong mangyari. Ikaw ang makikinabang ng dapat para sa’yo.” Pag–aassure ni Gener sa anak. “Sige na umakyat ka na at magpahinga.” Taboy nito kay Atasha na kaagad na ring tumalima.
Hinayaan ino bang makita ni Atasha ‘yon. Paano kung mabangit niya kay Yuri ang tungkol doon?”
“Hindi mangyayari ‘yan?” Kumpiyansang saasd ni Gener. ” Kapag nahanap ko na ang mga documento.
Mapapasaatin na ang lakat nang perang ‘yon. Ako ang nagpakahirap para mapalago ang kompanya kaya dapat lang na sa akin mapunta ang lahat. Siguruhin mong hindi magtatagpo ang landas nila ni Gaston Saavedra. Kung bakit sa dami nang tao, ang lalaking iyon pa ang mag–iinvest sa atin.” Nahilot pa ni Gener ang sintido nito.
“Kung alam ko lang talaga sa tingin mo ba alam ni Gaston ang tungkol sa atin?” Nag–aalalang saad ni
Natasha.
“Kung alam ko, sa tingin mo magkakaproblema pa ako ngayon?”
“KAILANGAN Ba talaga late ka laging uuwi kapag kasama mo ang Clarence na ‘yon?” Ang tinig na ‘yon ni Zade ang napahinto sa akin pag–akyat sa hagdan. Galing ito sa kumedor at may dala itong isang tasa na
sa hula ko ay kape.
“Para saan pang nagbigay ng nang bodyguard kung hindi mo malalaman kung saan kami nagpupunta?” Pabalang kong sagot dito.
“Gusto ko lang makasigurong wala kang gagawing ikasisira ng pangalan ko Yuri. At kung anuman ang
ugnayan mo sa Clarence na yan. Itigil mo na!“.
“Bakit kita dapat sundin Zade? Minsan ba hindi mo naitanong sa sarili mo kung bakit mo pa ako pinakiki–alaman. Maghihiwalay na tayo pero bakit kung kailan dapat wala ka nang paki–alam. Saka ka naman parang asong ayaw mawalan ng buto.”
“Lintek ka talaga! Sumusobra ka na talagang babae ka! Ano bang pinakain sa’yo ng Clarence na ‘yon at ganyan ka na katapang ha!” Pikang usig nitong halos mamula ang mukha sa galit.
“Mangga. At mabuting pagtangap sa pagkatao ko. Kapag kasama ko si Clarence. Hindi ko kailangang magpangap ng kahit na ano. Puwede akong maging totoo sa sarili ko. Kasi tangap niya ako bilang tao. At ito ang gusto ko Zade. Kaya sana kaysa lagi pa nating pinagtatalunan ang kung ano ang gusto ko na ayaw mo? Pabayaan mo na lang ako.” Walang ganang saad ko dito saka ako naglakad paakyat na nang hagdan
Γ ng may maalala ako.
“Pupunta ako sa party ng Papa ni Clarence kasi imbetado rin ako. Wala akong paki–alam kung si Atasha ang ipakilala mo bilang asawa mo. You can do as you please. Doon ka naman magaling.”
“Hindi ka pupunta, Yuri! Lalo na kung kasama mo ang Clarence na ‘yon.” Deklara ni Zade na ikinahinto ko.
“Ano?” Masama ang tinging binalingan ko si Zade. “Ikaw puweding pumunta kasama ng ibang babae, tapos ako hindi? Huwag kang mag–alala hindi ko ipapakilala ang sarili ko bilang asawa mo. Dahil hindi mo naman ako itinuring na asawa kahit kailan.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)