Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 293

153 Car Aperdent ?

Claim

153: Car Accident-2

“Bullsh*t! Naimbistigahan na ng tao ko ang truck na drinive mo. Nakahinto ang truck ilang metro sa intersection. Kung wala kang preno paano ka makakahinto doon ng ilang minuto bago ka nagpatakbo ng

napakabilis!” kita niyang nanginig ang lalaki sa takot. Nang makita niya ang CCTV footage. Malapit sa

kinaparadahan ng dump truck, alam niyang may mali sa taong nagdrive. Dahil student driver lang ang lisensya nito.

“Patawarin n’yo ako sir. Ang totoo, may tumawag lang sa akin at nagpadala nang malaking pera, para

i-drive ko ang truck.” nagmamaka-awang sambit nito. “Tinawagan lang nila ako kung kailan ako tatakbo. At

kung anong bilis ng takbo ko. Pero hindi ko talaga alam na walang preno ang truck. Okay naman iyon ng

una kong patakbuhin pero bigla na lang may pumutok nang kung ano kaya nagulat ako, tapos iyon, tuloy-tuloy na ang takbo ko dahil nawalan ako ng preno.” bakas ang takot sa mukha nito habang nagsasalita. “Nataranta ako kaya tumakas na lang ako Sir. Maawa kayo sa akin, may sakit ang nanay ko kaya ako pumayag na magdrive ng truck na ‘yon. Ang sabi sa akin ihatid ko lang daw ang truck sa oras.”

Hindi na niya ikinagulat ang sinabi nito.

Dahil ang ng imbestigador may kung anong pumutol sa connection ng break kaya nawalan ng preno ang

truck at umararo nang ilang sasakyan.

“Sino ang nagbayad sa’yo?” Nagkatinginan naman ang dalawang police na nag-aabang.

“Ho?” Alanganing napatitig ang lalaki kay Clarence.

“Mister Dimasalang, tinatanong ka.” saway ni Manuel dito. “Sino ang nagbayad sa’yo? Alam mo rin ba na ninakaw ang dumptruck na ‘yon. At student driver licence lang ang mayroon ka para magdrive nang malaking sasakyan. Kaya alam na namin na intensyon mo nga ang nangyari.”

“Sir maniwala kayo. Kailangan ko lang talaga nang trabaho. Nasa hospital ako nang may tumawag sa akin. Kahit tingan n’yo pa ang CCTV sa hospital. Nag-aluk sila nang malaking pera, para lang magdrive at sundin ang instruction nila. Tinanong ko rin sila kung anong ida-drive- teka—,” anitong tila may naalala. “may record ang phone ko, tingan n’yo.” utos nito.

Mabilis namang ipinakuha ni Manuel ang phone ng lalaki na kinumpiska kanina,

r

At mula sa auto recording ng phone nito maririnig ang boses nang isang lalaki, kaya nakompirma nilang

totoo ang sinabi nito.

“Kung ganun sino siya?” gigil na tanong ni Clarence na hindi makapaniwala sa mga narinig. Basag ang boses nang lalaking caller na tila gumagamit ng voice changer.

“Hindi ko talaga kilala Sir? Gipit lang ako kaya ako pumayag na magdrive nang ganung sasakyan.” giit nito.

“Saan pumasok ang pera?” tanong ni Manuel. “Anong bangko?”

“Bi–bitcoin sir…”

“Putang ina!” Bulalas ni Clarence na napalo pa ang mesa. Mahirap ma-trace ang bitcoin transaction.

163 Car Acendent-2

Maliban na lang kong mahahack ang account na ginamit para magbayad.

“Sandali…” ani Manuel. “Jugz, puwede ba nating marinig iyong tunog sa background nang caller. May

nagsasalita sa background niya.”

Claim

“Puwede Sir. Doon tayo sa computer ko,” yakag nito sabay kuha nang phone nang lalaki. Kaya napasunod

sila dito.

Kaagad napangiwi si Clarence na makita ang kalat sa paligid nang opisina ni Jugz. And even the smell

bother him too.

“Kapag distracted ka sa mga nakikita mo, ipikit mo lang ang mga mata mo at huminga ka nang malalim. Para hindi ka mastress, okay.” mula kung saan ay dinig niya ang tinig ni Moira. Iyon ang madalas nitong sabihin kapag naiinis siya sa kalat nang paligid. Minsan okay naman siya pero kapag ganun kakalat sa opisina ni Jugz para gusto na niyang ilaglag sa sahig lahat. He clenched his fist para kumalma. Saka kumuha ng dark chocolate sa bulsa niya.

“Pasensya na p’re, makalat talaga dito,” ani Manuel na mukhang napansing nahihirapan siya. “Maglinis ka

naman kasi.””

“May OCD ka ba sir?” nakangusong tanong ni Jugz

“Ako wala, pero itong kaibigan ko mayroon. Pasaway ka.”

“Naku, sorry sir. Bibilisan ko na.” nakangising saad ni Jugs na nagsimula nang matipa ng mabilis. Black screen ‘yon na may kung anu-anong green and red text na lumalabas pero wala naman siyang mabasa. Then he tap enter at nagplay na ang tunog. “Silver Sedan, XEB1129 ang plate,” anang mahinang boses.

“one meter ahead na lang.”

“Sino naman ‘yan?” kunot noong tanong ni Manuel.

“Ibig sabihin hindi nag-iisa ang lalaki.” sagot ni Jugz.

“Teka, iyong voice changer, puwede bang alisin?” tanong niya dito.

“Hindi sir, kasi nakainstalled sa voice call niya ‘yon. Kapag inalis ko ang sound mawawala na rin ang boses. Kailangan nang SA-Pro Program. Kaso hindi ako marunong nang program na iyon.”

“Saan ko makukuha ‘yon?”

“Ah… mahirap iyon sir. Kay Master Sam lang ang program na ‘yon. Kaso secured na rin ng FBI.”

“Master Sam?” kunot noong tanong niya dito.

“Lahat nang mga pro-IT na tulad ko, Master ang tawag namin kay Samsom Alegre. Wala pang nakatalo sa

talino nang batang iyon. Kaso ang alam ko nasa US siya ngayon. At balita ko, rin may tinulungan siyang

negosyante last time bago siya nagpunta sa States.” nagmamalaking kuwento ni Jugz. Familiar sa kanya

ang mga Alegre na nasa construction business.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)