159: Alipin-1
159: Alipin
ONE WEEK later…
Clau
“LUKO talaga ‘yang kapatid mo, wifey. Sabi ko huwag tayong uunahan sa kasal eh. Lagot sa akin ang
lalaking ‘yon.” Lintaya ni Zade nang pumasok ito sa painting room ko. Two days ago nang magpasya akong
magpinta na ulit. Matagal ko nang plano pero dahil okupado ako sa maraming bagay kaya hindi rin ako
nakakapagfocus.
“Ang sabi ko huwag mo akong aabalahin kapag nandito ako,” saway ko kay Zade saka ko ibinaba ang hinahalo kong kulay.
“Eh naiinis ako, ibig sabihin hindi tayo makakapagpakasal ngayong taon.” maktol nitong ikina-iling ko. Ang plano namin isasabay sa December ang church wedding. Pero tinawagan ako ni Clarence last week para sabihing nagpakasal na ito at si Moira sa huwes. At i-rereschedule ang church wedding nang mga ito sa November isang buwan pagkapanganak ni Moi. Pero hindi ko na binangit kay Zade dahil alam kong
magrereklamo ito.
“Eh di Next year na tayo, hayaan mo na si Clarence. Alam mo naman kung bakit nagmamadali ‘yon.” saway
ko kay Zade na naupo na sa tabi ko.
“Wala siyang isang salita,” reklamo pa rin ni Zade.
“Umayos ka nga para kang bata, mabuti pa, puntahan mo na iyong mga anak mo doon, at hayaan mo ako rito. Ikaw na rin magpatulog sa kanila. Huwag mong kalimutan ang story time ha,” bilin ko dito.
“Yuri!” matapang at seryoso ang mukhang tawag nito sa akin kaya napatingala ako kay Zade ng tumayo
ito. “Hindi ka na nakakatuwa, asawa ko. Ginagawa mo na akong alipin mo. Ako na lang lagi ang nag-aalaga
sa mga bata sa gabi. Hindi na tama ‘to!” Reklamo nito kaya binalingan ko ito nang mataray na tingin.
“Joke lang. Ikaw naman,” anito sabay dukwang at hinalikan ang labi ko. Bilisan mo ‘dyan ha. Gagawa pa tayo ang baby, dapat kambal agad para maungusan ko si Clarence. Huwag tayong patatalo sa kanila.” lintaya nitong kumindat pa. Ewan ko kung anong ipinaglalaban ni Zade sa pakikipagkompitensya nito kay
Clarence.
“Nakalimutan mo ata na red days ko kahapon pa. Pumunta ka na doon at bantayan mo mga anak mo.”
taboy ko dito na ikinasimangot nito.
“Oo nga pala, tagal naman kasi ng bisita mo na ‘yan. Dapat talaga mabuntis ka na para wala ka munang dalaw eh.” reklamo nito na nalakad na rin palabas. Napapailing na lang ako sa kalukuha ni Zade.
Naging tahimik naman ako nang makaalis na si Zade kaya sinimulan ko na ang paglagay ng base color sa canvass. Pero habang abala ako nagring naman ang phone ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
“Yes Emma,” casual na bati ko dito. Dahil magkaibigan rin kami ni Emma bago ako maging CEO nang
Montefalco Royal, kapag kami lang, casual lang kaming nag-uusap.
12
159 Alipia
“Girl sa tingin ko may problema?” bakas ang panic sa boses nito. Kaya napatingin ako sa wall clock na
naroon sa kuwarto. Pass seven na pero nagtatrabaho pa rin ito.
“Nasa office ka pa ba? pagkokompirma ko.
Claim
“Ah eh…hindi nasa bahay na, nag-aalangang sagot nito. “Pero kasi nakita ko ang movement nang share’s
account, naalala mo sabi ko sa’yo parang may kakaiba sa figure,” paalala nito kaya napa-upo ako nang
tuwid.
Masuwerte ako sa team ko dahil mabilis ko nang nauunawaan ang pagpapatakbo sa Montefalco Royal
dahil sa kanila.
“Go on..” paghihimok ko dito.
“May senend ako sa sss mo. Check mo later. May mga maliliit kapi tayong investors na ibinebenta ang
share’s nila. At sa nakalipas na isang linggo lang umabot nang 2% ang share’s na nabili. At ang weird doon,
binebenta ang shares na halos kalahati sa halaga nang actual value. Sinong baliw na investor ang gagawa
nang ganun hindi ba?”
“Sino ba ang taong ‘yan?”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)