161: Seloso-1
161: Seloso
“ERIC, akala ko ba hindi nag-iimbistiga si Clarence, ha? At ano ang tungkol sa phone record! Ano?” nang hihinang napa upo si Daisy sa couch. At sa nag-iinit nitong mata, matalim ang tinging ibinigay niya kay Eric. “Kailangan na nating tapusin ang problema kay Gener. Dapat mailabas na natin siya sa kulungan sa lalong madaling panahon,” madilim ang mukhang saad ni Daisy.
“May plano siya sa asawa niya. Bakit hindi natin gamitin ang pagkakataon,” suhesyon ni Eric na walang emosyong makikita sa mata nito.
“Oo saka, ituro natin kay Gener— ang lahat. Ang aksidente pati na ang tungkol kay Charlene. Hindi puweding malaman ni Clarence o ni Gaston ang totoo. Kaya gumawa ka nang paraan!” halos sumigaw na si Daisy sa labis na panic, pero mahina ang tinig nito na nakakuyom ang kamao. “Hindi ako….” sambit nito na nanginig pa ang tinig.
Mabilis namang kumilos si Eric para bigyan nang tubig si Daisy. “Kumalma ho kayo.”
“Paano ako kakalma, ha Eric? Bakit hindi kayo nag-iingat?”
“Sorry Ma’am, pero naayos ko na ang driver at isusunod namin si Gener.”
“Sige na, wala naman na tayong choice kundi ilabas sila. Kunin mo ‘yong mga taong binayaran natin noon. Kailangang triple ingat kayo.” Mariing hinawakan ni Daisy ang braso ni Eric. “Kapag nagkamali ka dito, Eric buhay mo ang kapalit. Tandaan mo ‘yan.”
“Alam ko, Ma’am.” Blangko ang ekspresyong sagot ni Eric. Higit kanino man ito ang nakaka-alam
ng takot na umaalipin kay Daisy sa sandaling ‘yon.
“SALAMAT sa paghatid,” paalam ko kay Alpha nang makarating na kami sa tapat nang mataas na
gate. Kinailangan namin mag-overtime para mareview ang lahat ng shares na nabili sa pangalan ni
Zade. At para na rin pigilan ang paglaki nang shares investment.
“Bakit ngayon ka lang,” nagulat pa ako nang lumabas sa gate si Zade at masama ang tingin sa
kotsing paalis na. “Yuri, may driver naman tayo bakit kailangan ang lalaking ‘yon ang maghatid
sa’yo ha?” seryosong usig sa akin ni Zade na mukhang hindi na nakapag-antay na pumasok kami sa
loob. “Kanina pa ako nandito at nakakailang missed call na rin ako sa’yo. Muntik na nga akong
tumawag sa police station eh.”
“Zade, huwag ka ngang oa,” saway ko dito.
“Paano ako hindi magiging oa, hindi kita makontact, tapos kasama mo ang lalaking ‘yon. At kailangan ba talaga ganyan ka guwapo ang security mó ha?” Usig nitong ikinatawa ko na lang.
161 Seloso-1
“A talagang… haist lintek!”
“Hay naku, Zade Larzon! Pumasok na nga muna tayo sa loob,” yakag ko dito saka ko ikinawit ang kamay ko sa braso nito.
“Hindi pa rin ako natutuwa. Saan ba kayo galing ha?”
“Sa office lang naman. Saka hindi lang ako ang nasa backseat, kasabay namin si lya. Sa guwapo mong ‘yan seloso ka pa.”
“Come on Yuri, hindi ako seloso okay.” Depensa nitong ikinailing ko.
“Okay, pero huwag ka na ngang mag-aalala diyan, mas guwapo ka pa rin kay Alpha.”
“Wag mo nga akong bolahin, sinabi ko naman kasi sa’yo na ayaw ko sa lalaking ‘yon. Wala kong
tiwala sa pagmumukha n’ya. Baka mamaya magkagusto pa sa’yo ang lintek na ‘yon.” Wala pa ring
tigil na reklamo nito kaya napa-iling na lang ako.
“Sisihin mo sina Tita Rica, mas safe daw ako kung si Alpha ang kasama ko. Lalo na ngayon.”
“Bakit anong mayr’on?” usisa nitong nasa mukha ang pagtataka.
“Sa loob na natin pag-usapan,” sagot ko saka ko na ito hinila papasok. “Tulog na ang mga bata?”
“Oo, namimiss ka na nila.” Bagsak ang balikat na saad nito.
“Miss ko na rin sila. Kaya lang importanting maayos ko ang problema ngayon. Babawi ako sa
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)