Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 321

166: Eric’s Secret-2

+25 Points

166: Eric’s Secret-2

Nang sabihin sa akin ni Zade na nakita nitong sinusundan ito ni Eric kahapon. Noon lang pumasok sa isipan ko ang posibilidad na baka si Eric ang magdala sa akin sa katotohanang nais ko Dahil si Eric ang tanging taong pinagkakatiwalaan ni Tita Daisy. At malaki ang posibilidad na marami itong alam tungkol sa nangyari noon.

Kita niyang may kausap ito sa phone at tila nagulat pa. Subalit higit na pagkabigla ang nakita ko sa mukha nito ng makilala ako nito.

“Sige, pupunta ako d’yan. Bigyan n’yo siya nang pampakalma?” utos nito sa kausap. Bago ibinaba ang tawag.

“Yes Ma’am Yuri,” magalang na bati nito na bahagyang tumungo pa.

“Puwede ba kitang maka-usap?”

“Tungkol saan?” anitong bahagyang gumalaw ang lalamunan.

“Well, simulan natin sa pagbili mo nang maliliit na shares sa Montefalco Royal at Delamer’s.” ani kong kusa akong naupo sa harap nito. Kaya napilitan rin si Eric na muling maupo. Kita kong umangat ang gilid ng labi nito. At wala man lang mababakas na pagkabahala doon.

“Matagal na akong nag-iinvest Ma’am Yuri. Lalo na kung may mga taong willing magbenta nang shares, hindi ko pinapalampas ‘yon. Maliit na halaga lang naman kaya bakit inaalala mo pa?” “Maliit lang talaga kung isa o dalawa lang, pero umabot nang 3% shares ang naacquire mo sa loob lang nang isang linggo. Ayos lang naman sana ‘yon. Pero si Wendel at ang shares mo parehong galing ang fund sa account ni Tita Daisy.” Kita kong nagulat ito. “Mas okay sana kung pangalan n’yo na lang ang ginamit. Pero pangalan pa nang asawa ko ang ginamit n’yo dahil akala n’yo hindi napapansin. Sana nagresearch muna kayo bago n’yo naisip na gamitin ang pangalan namin para makabili ng shares.” Walang prenong lintaya ko at kita kong pagkailang sa mata ni Eric.

“Ikaw ba talaga ang interesado sa shares o si Tita Daisy?”

“Miss Yuri!” may diin ang pagkakasabi nito ng Miss. “Huwag mong–”

“Ginagawa mo ba lahat nang inuutos ni Tita Daisy o sadyang ikaw ang may pakana nang lahat para. makuha mo ang perang gusto mo?” Kalmadong akusa ko dito.

“Ano?” Kita kong pagtalim nang titig nito at pagkuyom nito nang kamao. “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Kaya tigilan mo na ‘to, Ma’am..” giit nitong tumayo na ulit. Para iwan ako.

“Ang mama ko, at ilang mga tao na nag-iimbestiga sa pagkamatay niya, namatay rin silang lahat.” walang prenong saad ko kaya napahinto si Eric sa paghakbang palayo. “Wala kang motibo para

00

18

O

166 Eric’s Secret-2

+25 Points

saktan o patayin ang mga taong ‘yon. Kaya sa tingin ko sumusunod ka lang sa utos, tama ba ako? Si Tita—” napahinto ako sa pagsasalita nang mabilis na nakalapit sa akin si Eric. Kita kong galit sa mata nito.

“Wala akong alam sa sinasabi mo. Alam mo bang mula nang dumating ka na nagkagulo na ang lahat. Kaya dapat sarili mo ang sisisihin mo sa mga nangyayari ngayon.” Matiim na asik nitong nakatitig sa mga mata ko.

Dama kong nakakatakot na titig ni Eric pero sa isang iglap hindi nakaligtas sa mata ko ang lungkot na gumuhit doon.

“Paano ko naging kasalanan ‘yon? Bakit ako ang laging dapat sisihin kung may hindi magandang nangyari? Ako ba ang gumawa nang lahat ng maling nagawa nang iba?” Napapayukong tanong ko dito.

Mabilis na gumuhit sa utak ko ang mga pangit na alaalang naranasan ko noon. Kung paano ako sinisisi nila Natasha sa lahat ng maling bagay sa buhay nila.

“Oo kasalanan mo,” may diing giit ni Eric. Pero kaagad rin akong nag-angat nang tingin na ikinagitla ni Eric. Saka ko nagawang ngumiti dito.

MUNTIK nang mapaatras si Eric sa nakitang kalmadong mukha ni Yuri ng mag-angat ito ng tingin. Sa kung anong dahilan alam niyang wala nang epekto dito ang mga sinabi niya.

“Hindi tayo magkatulad, Kuya Eric. Ikaw, napako ka na sa paniniwalang dapat mong bayaran si Tita Daisy sa tulong niya sa’yo. Sa tingin ko dapat matutunan mong palayain ang sarili mo. Dahil hindi ka puppet na walang sariling isip para hindi makapagpasya nang tama.” anitong ikinaligalig nang pagkatao niya.

“Naghahanap kami nang mga ebidensya para patunayang si Tita Daisy ang may kasalanan sa nangyari kay mama at sa mga taong malalapit sa kanya. At kapag nangyari ‘yon makukulong ka rin tulad niya. O baka bilang bayad mo kailangan mong akuin ang lahat nang kasalanan?” Makahulugang saad nito pero naroon ang kabang hindi niya mawari sa tinuran ni Yuri.

Naiwan siyang natitigilan dala nang sinabi ni Yuri. Pero umiling rin sya nang makabawi. At mabilis nang umalis at nagdrive patungo sa mental hospital.

“Dok, kumusta na ang… kapatid ko?”

“Nasa ward na niya. Pero sa tingin ko hindi na umeepekto sa kanya ang mga gamot.” anang doctor na ikinabaling niya dito.

“So anong big sabihin no’n?”

“Posibling maging normal na ulit siya kapag hindi–”

18

O

166 Eric’s Secret-2

+25 Points.

“Hindi puwede ‘yon. Magbabayad ako kahit magkano, siguruhin mo lang na manatili siyang wala sa sarili niya. Iyon lang ang puwede kong magawa, para mabuhay kami pareho.” may diing paki-usap ni Eric na labis na ikinailing ng Doktor.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)