172: Pangit na Matanda–2
Mabilis ang mga hakbang nila papasok sa malaking bahay. Subalit kapwa napatigil ang mag–ama nang makita ang babaing naka–upo sa sofa at nakatitig sa dalawang batang katabi nito.
“Charlene,” tila wala sa sariling sambit ni Gaston at makikitang paglamlam nang mga mata nito.
“Paano siya…” si Clarence kaya naagaw ang atensyon ni Charlene na nakatingin sa dalawang bata. At tila nagliwanag ang mukha nito na napatingin sa direksyon ng dalawang bagong dating.
Napaatras si Gaston nang tumingin sa kanya ang asawa. She obviously aged pero nanatiling maganda pa rin si Charlene. Dama niya ang pagbilis ng pintig nang kanyang puso. Kaya’t marahas na napalunok si
Gaston.
Ilang taon na ang lumipas, pero bakit ganun pa rin ang pintig nang kanyang puso nang muling magtama
ang titig nila nang asawa.
“Buhay nga siya…” sambit ni Gaston sa kabila nang pagbabara sa kanyang lalamunan.
“Dumating ka mahal ko…” halos magtayuan ang balahibo ni Gaston sa tawag sa kanya ng asawa. Ilang taong hindi niya narinig ang boses nito. Pero nanatiling malambing at maganda pa rin ang boses ni Charlene. Napahakbang siya para lapitan nito. Pero mapahinto nang mabilis na tumayo si Charlene palapit sa direksyon nila ni Clarence.
“Charlene…” mahinang usal niya kasabay nang pagbilis nang kanyang puso. Ilang taong hindi niya naramdaman ang ganung pakiramdam kahit maraming babaing nagdaan sa buhay niya. Even Daisy was not able to make his heart beat, tulad nang kung paano pumipintig ang puso niya para sa kanyang asawa. Parang lahat nang galit at sama nang loob niya ay naglaho na pero ang pagbilis nang kanyang puso ay nanatiling pareho o baka higit na mas maalab ngayon.
Tila naging slow motion sa mga mata niya ang excited na paglapit nang kanyang asawa na nagmamadali at handang yakapin siya, dahil umangat ang mga kamay nito.
He was able to smile, his heart beats even faster na kulang na lang atakihin siya sa puso.
“Nandito ka na mahal ko…” excited nitong saad at ganun na lang ang gulat ni Gaston nang mabilis nitong yakapin— si Clarence.
At lahat nang sayang nararamdaman niya ay tila nalaglag sa lupa.
“Ang tagal mo naman mahal ko… halika.. dito sila o nakita mo na pala si Yuri,” excited na hinila nito si Clarence na nagpahid ng luha sa mata.
“Oho,” sagot nitong muling niyakap ang ina. “Mommy…” tila batang tawag nito sa ina.
Kaya imbes na mapahiya sa nararamdam niya hinayaan na lang niya si Charlene.
“Halika…dali ka mahal…”
alt
4172 Panquetanda 2
“Bakit ganyan siya…” wala sa sariling tanong niya nang lumapit sa kanya si Zade.
“Mentally, hindi po okay si Mama Charlene Hindi rin niya maalala ang pangalan niya pero si Yuri at si Clarence hindi niya nakalimutan. At iyong mahal niya.” makahulugang saad ni Zade na napangiti.
“Mahal, bakit may kasama kang pangit na matanda?” tila batang tanong ni Charlene kay Clarence na nakakapit pa sa braso nito.
“Ah… Mommy siya po si Dad ang asawa mo, iyong totoong mahal mo.”
“Walang hiya ka talaga…” galit nasambit ni Charlene na naiyak na. “Ikaw ang asawa ko hindi ang pangit na
‘yan. Matanda na ‘yan. Ayaw ko sa kanya..” maktol nitong napasimangot at tila batang humikbi.
“Okay po, hayaan n’yo hindi makakalapit sa’yo ang pangit na matanda.” sang–ayon ni Clarerice na nakatawa
kahit naiiyak pa rin.
“Siguro kasama niya iyong bruha.. paalisin mo na siya, Miss maganda,” baling nito kay Yuri. “sabi mo, hindi makakapasok dito ang bruha baka saktan niya ang mga anak ko.”
“Mama, huwag na kayong mag–alala itong si Dad, kasama po natin siya bilang bodyguard ng mga bata kaya wala kayong dapat ipag–alala,” paliwanag ni Zade dito.
“Mabuti pa umalis na muna tayo, diba pupunta tayo sa hospital ngayon para mas lalo kang gumanda,” malambing na kausap ni Yuri sa ina.
“Oo.. sige sige.. pero paano ang mga anak ko baka—baka,” bigla itong nataranta.
“Diba sabi ko sa’yo magtiwala ka lang, may mga bodyguard tayo kaya safe na safe ang dalawang bata. Okay, halika na. Para gumanda ka na lalo.” sunod–sunod na tumango naman si Charlene.
“Mahal sasamahan mo ba ako ha?”
“Oho sige, iyong mga bodyguard muna ang bahala sa kanila. Tayo na, Mom” sang–ayon ni Clarence na inalalayan pa ang ina nito.
“Sasama rin ako,” presenta ni Gaston pero napa–atras si Charlene na tila natakot.
“Mommy, kailagan nating isama si Dad.”
“Sige..sige.. pero ayaw ko sa kanya.” tila batang nagtago ito sa likod ni Clarence na ikinapikit na lang ni
Gaston.
Sa hiwalay na sasakyan siya sumakay dahil ayaw ni Charlene na katabi siya sa backseat.
“Iyong galit n’ya, matindi pa rin.” ani Gaston na ikinasulyap ni Yuri sa ama.
“Dad, hayaan mno na muna si Mama, huminto ang oras niya dahil sa nangyari kaya akala niya hanggang ngayon bata pa rin kami ni Clarence.”
“Kasalanan ko ang lahat, naging makasarili kasi ako,” mapait na saad ni Gaston.
“Dad, sabi mo sa akin dati hindi ka nagkaroon nang pagkakataong humingi nang tawad kay Mama
<
7
alt
177 Panquet
+25 Points
Charlene. Nandito na ulit siya. Kaya may pagkakataon ka na. Siguradong kapag gumaling siya magiging maayos na ulit ang lahat.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)