+25 Points
Kita kong napakuyom ang kamo si Natasha kaya nagusot ang papel na hawak nito. “So ano ngayon?” asik nito pagkalipas nang ilang sandali pero kita kong nagtagisan ang panga nito. “May magbabago ba?”
“Wala nang magbabago, pero gusto kong malaman mo na hindi ka niya gustong patayin. At nasisiguro ko na hindi niya alam na lason ang inilagay niya sa baso mo na pinagpalit mo. At ang taong pinagkakatiwalaan mo, harap–harapan ka nang tinatraydor para makaligtas siya.”
“Ano namang mapapala mo at sinasabi mo ‘yan?” pairap na tanong nito pero kita kong pagkabahala sa mukha ni Natasha.
“Tama ka wala akong mapapala. Bakit ko nga ba dapat sabihin pa sa’yo ang lahat, kung kaya naman kitang pabayaan na lang. Pero–” isang malalim na paghinga ang pinawalan ko. Bago ako muling nagsalita. “gusto kong sabihing hindi mo kasalanan nang pagkamatay ni Gener.”
“Ano?” nanlaki ang mga matang usig nito.
“Hindi ka naging mabuti sa akin, kahit minsan sa buhay ko. Pero ilang taon rin kitang tinawag na Mama. Kaya sa tingin ko nararapat kong sabihin sa’yo ang bagay na ‘to.” seryosong saad ko dito.
“Para ano? Para masabi mong mabuti kang tao at kami hindi! Ang kapal nang mukha mo kong ganun.” patuyang asik nito sa kabila nang kalituhan sa mata nito.
“Yuri, bakit ka ba nag–aaksaya nang panahon sa tulad niya?” si Zade na mukhang naiinis na sa pagiging sarkastiko ni Natasha. Kaya hinawakan ko ang kamay nito.
“Hindi para sabihing mabuti akong tao. Kundi para sabihin sa’yo na kahit hindi ka naging mabuti bilang ina
kasalanang hindi bahagi nang dapat mong pagbayaran. Makukulong ka pa rin naman pero mas mabuti
kong makukulong rin ang taong may gawa nang pagkamatay ni Gener at nang Mama ko. Pati na ang ibang
nadamay dahil ginusto lang nilang alamin ang katotohahan,” mahabang lintaya ko na ikinasalubong nang kilay ni Natasha.
“Ginagawa mo ‘to para— hindi, umalis ka na! H’wag mo akong bwisitin, Yuri.” anitong kusang tumalikod na at padabog na umalis. “Tapos na ang bisita ko” sigaw nito sa jail guard.
“Ano bang pinaplano mo, wife?”
“Sabi ni Alpha posibling na kila Natasha ang recorded at dating phone ni Mama. Gamitin natin si Natasha para siya mismo ang magsiwalat nang lihim ni Tita Daisy.” seryosong saad kong ikinatitig ni Zade sa akin.
“Tulad nang ginawa natin sa DNA test?”
“Hmm… ngayon naman, pilitin natin si Natasha na magsiwalat nang ebidensyang hawak niya. Hindi kasi iyon nahanap nang mga police at mga tauhan ni Alpha doon sa bahay,” paliwanag ko.
“Ang galing mo asawa ko.” proud na saad ni Zade na pinisil ang kamay ko at hinalikan iyon bago ako
<180 Manipetten 2
inakoy palabas ng police station.
“Sa’yo ko ata natutunan ang mga ‘yon.”
“Talaga ba? Pero sana gumana kay Natasha,” sambit ni Zade.
“Umaasa akong gagana.” Kumpiyansang saad ko.
SAMANTALA.
NAKATITIG si NATASHA sa resibo ng gamot at så papel na hawak nito. Kung totoo ang sinasabi ni Yuri. Isa lang ang ibig sabihin noon. Si Daisy ang may kagagawan kaya naging lason ang gamot. At pati ang aksidente. Malinaw na nakasaad sa kopya nang statement ang plate number nang kotsing ginagamit nila. At ayon sa report, iyon ang dapat target kung hindi lang biglang nag–overtake ang isang kotse Biglang nakadama nang kakaibang kilabot si Natasha. Pero marahas itong umiling.
“Hindi… kalukuhan lang ‘to? Hindi ‘to totoo.” giit niya sa sarili. Pero hindi na nakatiis si Natasha at tinawag ang police.
“Sir, may itatanong lang ako.” tawag niya sa isang police na napakamot na lumapit naman.
“Ano ba ‘yon?”
“Sabihin mo, itong nakasulat sa papel na ‘to. Totoo ba ang sinasabi dito?” Nagmamadaling paki–usap ni
Natasha na ipinakita sa police ang papel.
Saglit nitong tintigan ang papel saka nagulat. “Sino namang nagbigay sa’yo nang kopya nito?”
“Ano ba ‘yan Mike?” tanong nang isang police na dumaan.
“Ito kasing babaing ‘to may kopya nang statement sa log record natin? Bawal—”
“Ah ito ba?” anang lalaki na kinuha ang papel. “Request ‘yan nang anak ni Ex Senador. Alam mo namang kapag may kapit mahirap tumangi.” nakangising saad ng lalaki.
“Kung ganun, totoo? lyong plate number ng kotse na nakalagay d’yan ang totoong target?”
“Oo.. pero iba ang nadamay. Teka ano bang—” natigilan ang isang police nang napasabunot si Natasha sa buhok nito. “Oy baliw ka na ba?”
“Kung ganun… hayop na babaing ‘yon. Putang ina siya, siya ang pumatay sa asawa ko,” gigil na mura ni Natasha na napadiin ang pagsabunot sa sarili nito. “Tusong babae!”
“Anong sinasabi n’ya? Umayos ka nga Misis,” anang tinawag na Mike pero tila walang narinig si Natasha. “Baka nabaliw na rin? Ito ang hirap sa mga mayayaman eh. ewan.. tara na nga kain tayo gutom na ako.” Yakag nang lalaki sa kasama nito..
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)