Claim
191: Peking Baliw-2
“Ako…” aniyang ngumiti dito. Para kay Atasha mas madali pang magpangap na baliw kaysa ang mamuhay sa mabaho at masikip na bilangguan. “Shhhh, nagtago-taguan kami ng anak ko, hehehehe. Di mo kami nahanap. Namasyal kami nang anak ko, kita mo masaya siya,” ipinakita pa niya ang hawak na unan sa babae,” na napailing naman.
“Alam mo bang mabaliw-baliw rin kami kakahanap sa’yo. May lalaking nagpunta dito hinahanap ka. Kaluka ka!” asar na sermon nito pero nginisian lang niya ang nurse. Pero sa utak niya gusto niyang itanong kong sino ang nagpunta para sa kanya.
“Hmmm…hmmm.” sinimulan niyang maghum tulad nang ginagawa nang isang dating baliw na nakakulong rin sa hospital. Pero hindi na niya nakikita ang babaing ‘yon na kinaiinisan niya. Dahil sa malaking pagkakahawig nito kay Yuri.
“Sa susunod huwag ka nang magtatago ha, pasaway ka.”
“Ayaw ko, naglalaro kami nang anak ko, sino ka ba ha?” pagalit na asik niya na ikinagulat
nito.
“Kasi kapag nawala ka, lagot kami.”
“Di papaluin kayo ni Dok hahahaha..” malakas niyang tawa saka nagsimula siyang magtakbo-takbo na parang bata.
“Kainis!” Dinig niyang reklamo ng nurse pero hindi na niya ito pinansin hanggang makabalik na siya sa selda.
“Bakit ka nasa higaan ko, baliw ka!” sigaw niya sa babaing baliw na nahiga sa kanyang kama. Kaagad naman itong natakot nang makita siya at nag-iiyak na umalis. “Baliw!” sigaw niya. Sa lugar na ‘yon siya ang batas.
Kampanting nahiga siya pagkatapos ipuwesto ang unan sa kanyang tabi.
“SHE SURVIVED,” ani ng Doktor kay Eric. “Pero kinailangan alisin ang isang kidney ni Mrs. Llanko. Ayos lang sana ‘yon kaso iyong isang kidney niya hindi na maganda ang result nang test. Dahil nadamage ang ugat. And the severe bleeding cause her other kidney to malfunction. Inoobserbahan namin ang magiging development niya. Hopefully, makarecover ang isang kidney.”
“Kung ganun anong mangyayari sa kanya?”
“Dahil may highblood rin siya, mataas ang posibilidad ng Chronic kidney disease (CKD). Common naman ang sakit na ito sa mga nagkakaedad na, dahil sa side effects ng diabetes
at high blood.”
“Is that life-threatening?” nangunot ang noong ni Eric.
“Yes kapag hindi inagapan ng tamang gamutan. In short she had to live with CKD for the rest of her life. Mataas rin ang glucuse level niya kaya hindi ko irerecommend ang transplant-at least for now.”
Matapos magpaliwanag nang doctor ay tinawagan rin ni Eric si Gaston para sabihin ang kalagayan ni Daisy, Umasa siyang pupunta ito pero nagbago ang isip nito dahil sa legal nitong asawa. And Eric did understand that.
“Sa tingin ko mas mabuti na ang ganyan,” ani Gaston sa kabilang linya. “Isipin na lang nating karma ang nangyari para sa mga ginawa niya sa asawa ko. Kapag okay na si Daisy. Isaayos mo na lang ang magiging medical expenses niya. Gamitin mo ang lahat nang natitirang pera sa account niya.”
“Pero Sir—” naroon ang pag-aalangan kay Eric. Bagaman nalaman na niyang ang ina niya ang dahilan nang pagkasira nang pamilya ni Daisy. Malaki pa rin ang naitulong ni Daisy para maging maayos ang buhay niya.
Dahil dito nakapagtapos siya nang pag-aaral at nagkaroon nang sariling bahay na
matatawag niyang kanya. May abogado na siyang naka-usap para mag-asikaso nang lahat nang para kay Daisy,
Matapos ang meeting niya sa abogado at ipagkatiwala dito ang lahat nang kailangan. Nagpasya siyang magtungo sa police station. Para ibigay sa mga police ang ebidensya. Kasama kasi roon ang video record na nakuha niya sa bahay nang mga magulang ni Daisy.
At dalawa sa mga magnanakaw ay alam na niya kung sino, pati na ang address nang mga ito. Mga dating empleyado sa mall na pag-aari ng ama ni Daisy na nawalan nang trabaho dahil sa pagnanakaw. At para makaganti nagpasyang pagnakawan ang bahay nang mag-asawa at pinatay ang mga ito, kasama ng katulong na nakakita sa pangyayari.
“MULING i-isasagawa ang reimbestigation sa kaso ni Alyzza Llanko, ang babaing kinasuhan ng parricide, mahigit sampung taon na ang nakakalipas. Nirereview ngayon ang video na isinuko ni Eric Alcala kaninang hapon sa pulisya.” isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Mama nang marinig ang balita.
“Paano niya naatim na gawin ‘yon sa sarili niyang kapatid?” di ko mapigilang sambit na ikinabaling sa akin ni Zade. Naroon kami sa living room para mag-tsaa matapos nang dinner. Si Dad ang nagpresenta na magpatulog sa dalawang bata dahil ayaw pa rin itong pansinin ni Mama.
Wala pa rin itong ibang naaalala maliban sa huling pangyayari sa buhay nito. Hindi na iyon
Pu Penny Bate 7
nakapagtataka dahil sa coma at pagkawala nito sa sarili. Kaya alam namin na pilit nitong tinatangap sa sarili ang malaking pagbabago sa buhay nito.
Nabaling ang atensyon namin sa pagring nang phone ni Zade, na sinagot naman nito. Kita kong si Javier ang caller.
“Bakit, late na ah?” bungad nito kay Javier. Saglit itong nakinig at kita kong pagsalubong nang kilay nito na binalingan pa ako. “Sigurado ka ba?” tanong nito saka muling natahimik. “Siguruhin mo muna at mag-ingat ka.” Bilin nito bago tinapos ang tawag.
“Ano bang nangyari, kay Javier?” usisa ko nang maibaba nito ang phone.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)