Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 373

Clay

192: Bigong Pangarap-2

“Bakit ayaw mo bang marinig ang katotohanan? Si Gaston, nagawa mo siyang paikutin? Pero hindi ka niya nagawang mahalin. At kinailangan mong ipamukha kay Eric na mahina siyang tao kaya naghire ka pa nang iba para patayin lang ako, at makasiguro. Pero tingnan mo, buhay ako. Malakas kaysa sa inaakala mo.”

“A–ano bang sinasabi mo?”

“Pa-inosente ka pa ba? Alam kong hindi lang si Eric ang binayaran mo para mamatay ako nang araw na ‘yon. May ibang tao ang dahilan kaya bumanga ang kotse namin bago sumabog,” matiim ang tingin niya sa mukha ni Daisy.

“Huwag mo akong pagbintangan dahil wala akong alam sa sinasabi mo.” Depensa ni Daisy. Sa isip nito naroon ang pagtataka. Si Eric at Gener lang nang kasama niya sa plano kaya anong sinasabi ni Charlene?

Nangunot ang noo ni Charlene dala nang pagtataka. Hindi niya diretsang gustong itanong kay Daisy, kung sino ang binayaran nito para bangain ang kotsing sinasakyan nila ni Percy. Gusto niyang siguruhing alam rin nito ‘yon. Pero sa reaksyon ni Daisy mukhang wala nga itong alam.

“Kung hindi ikaw? Sino pala ang tanong gustong pumatay sa akin maliban sa peking taong tulad mo?” patuyang tanong niya dito.

“Anong malay ko, alam mo Charlene, baka naman marami ka lang talagang kaaway. Dahil mayabang ka,” panunuya pa rin nitong ikinailing na lang niya.

“Mayabang? Okay… sabihin nating ganun nga. Pero sino ka para sirain ang buhay ko?” Nangalit ang bangang ni Charlene sa tanong na iyon. “Ah… isa kang ingeterang kaibigan na kukunin ang lahat nang gusto niya. Dahil kahit ang sarili mong ama, hindi ka rin pinaboran,” ganting panunuya ni Charlene na kinakuyom nang kamao ni Daisy.

“Tumigil ka na!” utos nito.

“Hindi, dahil gusto kong ipamukha sa’yong talunan ka pa rin sa huli. Na bigo kang agawin ang pamilya ko, ang asawa ko. Bigo ka sa pangarap mong mamuhay reyna.” Madiing saad ni Charlene saka tumayo. At lumapit sa kama ni Daisy. “Bigo ka dahil sa simula pa lang, talunan ka na.”

“Dahil kasalanan mo ng lahat, Charlene. Sinabi ko na sa’yong gusto ko si Gaston, pero hindi ka nakinig. Nilandi—”

“Sinungaling, ang sabi mo, may lalaki kang gusto. Wala kang sinabing ang boyfriend ko pala

192 Bigong Pangarap-2

ang gusto mo. Katangahan na paniwalain mo ang sarili mong ikaw ang inagawan.

Claim

“It’s the other way around Daisy, nag-assume ka lang na pag-aari mo na ang taong hindi ka nga kilala.” Walang prenong lintaya ni Charlene na ikinabagsak na lang nang luha ni Daisy.

“Tumigil ka na!” garalgal na sigaw nito sa pulang pulang mukha.

“Ikaw ang tumigil! At makinig ka. Too late na pero gusto kong sabihin pa rin sa’yo. Pinagsisihan kong nakilala at itinuring kitang kaibigan. Ikaw itong ang nagtago ng feelings at nagself-pity dahil naungusan kita. Kaya bakit ako ang sinisi mo? All this time, kasalanan mo dahil duwag ka, Daisy!

“Kaya huwag kang mamatay ha, dahil gusto kitang makitang naghirap. Ikaw at si Natasha. Sisiguruhin kong magdudusa kayo pareho dahil sa ginawa mo sa akin. At ang babaing ‘yon sa anak ko.” Matalim ang bantang saad ni Charlene bago tuluyang tumalikod.

Naiwang tigalgal si Daisy. Gusto niyang magwala sa galit. Pero kumikirot ang tahi niya. At nakaposas rin ang isang kamay niya.

Isang Lingo ang lumipas.

Nakalabas na si Daisy sa hospital. Plano niyang magrequest ng stay of execution dahil sa sakit niyang CKD. Pero bago niya gawin ‘yon sisiguruhin niyang magagantihan niya muna si Alyzza. Pero pagbalik niya nang selda, ikinagulat niyang puro pasa ang mukha ni Natasha.

“Anong nangayari sa’yo?” tanong niya dito.

“Ano pa nga ba? Pinagtripan ako nang mga adik na babae dito. Mga putang ina sila!” gigil na sambit ni Natasha.

“Si Charlene, ‘yon ang sabi niya, pahihirapan nila tayo dito,” ani Daisy na ikinagulat ni

Natasha.

“Sira ba ang ulo n’ya, nakakulong na nga tayo, hindi pa siya na kontento?”

“Bahala ka, basta ako aalis ako dito. At hindi ako papayag na matalo na lang nang ganito,” bakas ang determinasyon ni Daisy sa sinabi.

“At sinong may sabi na puwede kang umalis dito ha?” anang malaking babaing ka selda nila. Sunod na tumayo ang dalawang babaing alipores nito.

At ganun na lang ang gulat ni Daisy nang isang malakas na sapak pang tumama sa mukha niya na ikinalugmok niya sa sahig.

192: Bigong Pangarap-3

“Sampung araw, isang daang libong piso kapalit ng mga pasa at bugbog sa katawan nyo.” anang babaing amazona.

“Ano?” si Natasha na gulat na gulat

“Sa tingin niyo babayaran kayo ng babaing-”

“Natangap ko na ang kalahati. Ang kalahati pagkatapos nang sampung araw na schedule namin. Akalain n’yong ganun ang galit nang ng taong ‘yon sa nyo. Pero huwag kayong mag-alala sisiguruhin naming mabubuhay kayo sa sampung araw. Hindi ko lang alam sa mga susunod na preso na babayaran niya. Hindi naman kasi ako killer eh,” nagmamalaking saad ng amazona sabay sipa sa sikmura ni Daisy na ikinasigaw niya.

“Putang ina…ahggg! Guard!” malakas na palahaw ni Daisy. Pero tinapakan nito ang binte niya kaya napasigaw siya nang malakas.

“Anong nangyayari dyan?” anang jail guard na sumilip pa.

“Sir tulungan n’yo ako?” samo ni Daisy sa lalaki. Pero tila walang takot ang amasonang babae na nakatapak pa rin sa binti niya.

“Wala ‘to sir, nag-iinarte lang ang Reyna namin dito.” baliwalang saad nito pero kita niyang sinulyapan nang guard ang binti niyang tinatapakan nang amasona.

“Siguruhin n’yo nalang na hindi mamamatay ‘yan. Bagong opera ‘yan, ingatan n’yo ang bandang t’yan para walang problema.” Nakangising saad ng security na ikinalaki nang mata ní Daisy.

“Kopya Bossing!” anang amazonang nagtawan kasama nang mga kaibigan nito.

++++

Isang araw bago ang pagbubog kay Natasha.

Sa unang pagkakataon nakatangap nang dalaw si Lydia. Ang sigang amasona sa city jail.

“Wow, sino ka naman?” tanong ni Lydia sa guwapong lalaki na may matikas na pangangatawan.

“Hindi na mahalaga kung sino ako? Tatlong taon ka nang nakakulong dito. At may isang tac ka pa dahil sa kasong pagnanakaw at pisikal injury. May sakit ang nanay mo kaya nagawa mo ‘yon.” anang lalaking may malaking tinig.

192 Bigong Pangarap 3

“O ano ngayon?” pabalang na sagot nito.

“Iyong dalawang babaing kasama n’yo sa selda,” ipinakita nito ang larawan nila Natasha at Daisy. “Isang daang libong piso ang matatangap mo kapag nagawa mong pahirapan ang mga ‘yon. Pahirapan lang huwag n’yong papatayin. Ah– bawat isa ang bayad.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)