Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 384

  1. Beside Each Other-1
  2. Beside Each Other

“YURI, mahinang tawag ni Zade sa akin, Naka-uwi na kami kaninang hapon dahil ayaw na raw nitong manatili sa hospital, Pass nine pm na kaya akala ko natulog na ito. Ako na kasi ang nagpatulog sa dalawang bata, Dahil maghapong si Mama ang nag-alaga sa mga ito.

“Akala ko tulog ka na, ani kong nilapitan si Zade. Nakatitig ito sa mukha ko saka ito ngumiti, At kita kong relieve sa mata ni Zade. Hindi ko na kailangang hulaan na nakikita ako ng asaw ko

Sabi nang doktor, hindi na talaga ako nakikita ni Zade sa totoong mukha ko. Dahil walang exception ang face blindness. At napatunayan ko na ‘yon nang magkaroon ako nang pimple pero hindi nito nakita ‘yon.

At baka nga tama ang doctor na ang emotion nito ang gumagana para makita pa rin ako. Sa isiping ‘yon hindi ko maiwasang mapangiti.

“Hindi ako makatulog,” anitong hinawakan ang kamay ko saka ako hinila paupo sa tabi nito. “Sabihin mo, nalungkot sila Dad nang malaman nilang bumalik ang sakit ko.”

“Normal lang naman ‘yon. Kaya mas nakakapag-aalala, Schedule in two months ang surgery mo kaya dapat makapagrelax at maging healthy ang katawan mo.”

“Buong maghapon na akong nagrerelax. Nagíguilty akong kailangan magtake over ulit ni Dad sa kompanya,” malungkot na saad nitong hinawakan ang kamay ko.

“Zade, hindi mo kailangan mag-alala. Ang dapat mong isipin ngayon ay ang maging malakas ka at iwasan ang stress.”

“Iyong paglilihim ko ata sa’yo at sa parents ko ang cause nang mas malaking stress ko. Kasi ngayon parang relax na relax ang pakiramdam ko. At malinaw kong nakikita ang magandang mukha ng asawa ko,

“On the other side tama si Clarence, magiging masaya ka dapat kapag nalaman mong ikaw na lang ang maganda sa paningin ko, nagawa kong matawa sa sinabi nito.

“Sinabi talaga ni Clarence ‘yon.”

“Oo, kalukuhan pero totoo naman diba,” anitong nakangiti. Mukhang totoo ngang mas relax na ito ngayon. Dahil wala na rin ang pagkailang sa mata nito na madalas kong makita sa nakalipas na mga linggo. “Mali palang inilihim ko pa para hindi ka mag-alala, pasensya ka

na.”

< 198 Beside Each Other-1

Clai

“Kalimutan mo na ‘yon. Kahit naman magalit pa ako ano pa bang magagawa ko. Natatakot rin talaga ako sa consequence ng surgery mo. Bukas magsimba tayo ha. Kasama nang dalawang bata. Naniniwala akong mas makapangyarihan pa rin ang Diyos sa kahit na sinor magaling na Doktor sa mundo,” kumpiyansang saad ko.

“Sige, matagal na rin nang huli akong magsimba.” Sang-ayon nitong hinila na rin ako para mahiga sa tabi nito.

“Nag-aalala ako kay Zayu, sana hindi siya magmana sa akin,” maya maya saad nito.

“Hindi natin hawak ang kapalaran nang bawat isa kahit anak pa natin si Zayu, ang tanging magagawa lang natin ang siguruhing maging maayos siya. Hindi naman siguro lahat nang magiging anak natin magkakaroon nang face blindness tulad mo.”

“Ah… Yuri sa tingin ko isa rin ‘yan sa dapat nating pag-usapan. Namamana ang sakit ko na ‘t kaya—”

“Zade Larzon, wala kang sakit, disabilities ang mayroon ka. At hindi lang ikaw ang tao sa mundong may disability. At sila namumuhay nang normal at masaya kahit ganun. Kaya dapat ka ring maging masaya.” ani ko saka hinaplos ang mukha nito. “Mas masuwerte ka pi rin dahil hindi ka bulag.”

“At dahil nakikita kita,” dagdag nitong hinalikan pa ang labi ko. “Madami na akong pagkukulang lately. Umasa kang babawi ako kapag nalampasan ko ‘to. Kaya magtitiis muna ako. lisipin kong reward ang matatangap ko pagkatapos nang operasyon.”

“Sige, aantayin ko ‘yan,” nagawa kong isagot dito. Alam ko at naniniwala akong magiging maayos ang lahat. Sana.

“AT BAKIT HINDI PINAYAGAN?” namumula ang mukha ni Daisy matapos ibalita nang abogado, na denied ang stay of execution na request niya dahil sa kanyang CKD. “Gusto ba nila akong mamatay dito?”

“Pasensya na Miss. Llanko. Pero—”

“Mrs. Saavedra!” pikang pagtatama ni Daisy sa abogado. Naiinis siya sa mga taong apelyido niya sa pagkadalaga ang ginagamit para i-address siya.”Hindi ko pa naman pinapapalitan ang apelyido ko.”

“Hindi n’yo na puweding gamitin ang Saavedra Ma’am. Dahil null and void ang kasal mo kay ex Senador.” paalala nang abogado na ikinainit nang mukha ni Daisy.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)