Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 395

204: Downfall-2

Pagbalik nito dala na ang di kalakihang salamin at gariun na lang ang sigaw niya nang makita ang sariling mukha. May mahabang pilat siya sa kanyang pisngi na nagkiloids na.

“Ano ‘to, hindi ‘to puwede, bakit?” usal niya sa nanginginig na kamay saka hinila ang puting bandage sa kanyang mata. At ganun na lang ang hagulgol niya nang makita ang kabuuhan nang kanyang hitsura. Napakapangit.

Nakapikit ang nakalubog niyang isang mata at may mahabang pilat ang kanyang mukha. Mula sa gitnang bahagi ng kanang pisngi niya pababa sa ilalim ng kanyang jaw line.

“Bakit? bakit? Hindi…hindi totoo to…” tila batang nailing pa si Atasha at makikita ang habag sa sarili. “Nakuha mo ang sugat nang bumagsak ka sa sementadong daan, tumama ang bahagi ng mukha mo sa basag na headlight cover nang kotse. Nagkataong nagkeloids ang sugat kaya naging ganyan.”

Tuluyang nabitawan ni Atasha ang hawak na salamin. “Bakit n’yo pa ako binuhay, sana hinayaan n’yo na lang akong mamatay!” hysteria niyang sigaw sa mga naroon habang walang tigil ang pag-agos nang kanyang luha. Talo pa niya ang isang halimaw sa hitsura niya.

“Milagro nang nabuhay ka pa Miss. Ginawa lang namin ang trabaho namin, we didn’t expect you to recover fast sa kabila nang matinding injury mo. Binigyan ka nang Diyos nang ikalawang pagkakataon para mabuhay, kaya dapat mong ipagpasalamat ‘yon.”

“Tama ‘yon. Kung hindi mo tinakasan ang mga police at bodyguard ni Mr. Dela Merced, baka hindi ka

nagkaganyan.” Sabat nang police na naroon pa rin pala. “Ikaw ang pumili nang buhay na ‘yan para sa sarili mo. Una pa lang kung hindi ka tumakas sa mental, baka wala kang problema ngayon.”

FEW WEEKS EARLIER

“HINDI KO inaasahang dadalaw ka,” bakas ang hiya sa mukha ni Eric nang dalawin ito ni Charlene. “Sinabi kong huwag mo na ulit akong—”

“Kailangan lang kitang maka-usap. Hindi pa rin ako matahimik. Ikaw lang ang tanging witness sa nangyari noong araw na ‘yon. Iyong kotsing bumanga sa kotse na sinasakyan namin ni Percy, nakita mo rin ‘yon diba?” Natigilan si Eric dahil doon. At hindi iyon nakaligtas sa mapanuring mata ni Charlene.

“Hindi ka talaga planong patayin ng taong ‘yon, nagkataon lang na–”

“So alam mo nga?” Nanlalaki ang matang tanong ni Charlene kay Eric. “Hindi si Gaston hindi ba?”

“Hindi,” tipid nitong sagot na ikinarelieve ni Charlene.

“Sabihin mo kung sino, at bakit kailangan pa niyang magpangap na si Gaston nang araw na ‘yon? Tauhan rin ba siya ni Daisy?” Sunod-sunod na tanong ni Charlene kay Eric na umiling.

M..

Hindi isa sa kanila? Kung ganun sino? Sino ang taong gusto akong patayin?” bakas ang kalituhan sa mukha ni Charlene sa tanong nito.

N

< 204 Downfalls

“Sa tingin ko hindi ka niya gustong patayin, gusto ka lang sigurong takutin nang araw na ‘yon kaya niya ginawa ‘yon. Kaso sumabog ang kotse.”

“Ano?”

“Pumunta ka sa bahay ko. ‘Yong password ay ang araw nang aksidente me. Sa isang drawer sa master bedroom may isang lumang envelop na nasa ilalim, makikita mo ‘yon kapag inalis mo iyong mga nasa ibabaw. Nandoon ang resulta nang imbestigasyon ko noon.”

“Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin?”

“Mas mabuti nang ikaw mismo ang makaalam. Puwede mong magamit ‘yon kong gusto mo rin siyang sampahan nang kaso. Kung hindi niya binanga ang kotse, baka hindi rin nangyari ang pagsabog dahil hindi ko rin kaya—” huminga ito saglit. “pero hindi ko rin masasabi. Inaassume ko na lang rin ang ganung scenaryo, para mabawasan na guilt ko para sa pagkamatay nang inosenting kaibigan mo. I’m sorry for everything.” Nakayukong saad ni Eric.

Hindi na siya nagdalawang isip pa, nagpasya siyang magpahatid sa bahay ni Eric. Katahimikan ang sumalubong sa kanila nang kanyang bodyguard at driver nang pumasok sila sa bahay ni Eric.

Mabilis naman niyang nahanap ang kuwarto ni Eric. Isa isa niyang binuksan ang mga cabinet at drawer hanggang sa umagaw sa mata niya ang isang drawer na naiiba ang desensyo sa lahat, Kulay itim ang

drawer kaya mapapasin kaagad. Isang lumang photo frame na nakataob sa loob. Lumang larawan ni Eric

nang grumadwet ito sa college.

Maingat niyang inangat ‘yon at inilabas sa drawer. Noon niya napansin ang maliit na handle sa dulo na walang pagdadalawang isip niyang hinila kaya kumalas ‘yon. At nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang lumang envelop na sinasabi ni Eric.

Mabilis niyang kinuha ‘yon. Saka isinara ang drawer. Habang nasa isang kamay niya ang photo frame ni

Eric.

Kaagad niyang napansin ang isang bakanting sabitan na sa hula niya, doon dati nakalagay ang larawan. Walang pagdadalawang isip niyang isinabit ang larawan sa dati nitong puwesto. Noon niya napagtantong,

f malaki ang pagkakahawig ni Eric sa kanilang ama.

“Kung tutuusin ikaw ang dapat sisihin na naging ganito ang buhay namin, dad,” bagsak ang balikat na sambit niya sa kawalan.

Saka muling binalingan ang pakay. Maingat niyang inilabas ang mga dokumento na halos naninilaw na sa

katagalan.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)