23: Stop Crying–1
23: Stop Crying
Flashback
“YURI BILISAN Mo nga!” Mataray na utos sa akin ni Atasha.
+25 Points
“Saan ba tayo pupunta, Atasha.” Nakayukong tanong ko kay Atasha habang pilit akong hinihila nito. Galing kami sa eskuwelahan. Wala pa raw ang sundo namin kaya lalabas na lang daw muna kami ng campus. Inayos ko ang reading glass ko. Habang hila hila ako ni Atasha.
“Baka dumating ang sundo natin?” sabi ko pa pero biglang huminto si Atasha at namaywang sa harapan ko kaya napayuko ako. “Kasi…”
“Susunod ka ba o mag–iingay ka na lang. Bibili lang tayo nang pagkain at sasamahan mo ako. Kung hindi isusumbong kita kay Mommy,” banta nitong hinawi pa ang nakatirintas nitong buhok.
Laging maganda ang pagkaka–ayos na buhok ni Atasha pero sa akin nakalugay lang dahil iyon lang ang kaya ko. Never kasi akong inayusan ni Mama. Mas maputi rin ang damit ni Atasha dahil laging bago samantalang sa akin iyong mga pinaglumaan lang niya. Kahit ang sapatos ni Atasha
makintab at maganda.
Bumuntung hininga na lang ako at napasunod dito. Ayaw kong pagalitan at mapalo na naman ni
Mama.
Hindi ko kabisado ang daan sa paligid dahil lagi naman kaming may school service. Kaya hindi ko na napapansin kong saan kami papunta. Pumasok kami sa isng eskinita at muling lumabas. Kalsada na iyon at wala naman akong nakikitang nagtitinda doon.
“Nasaan na tayo.” Kinusot ko pa ang ilong kong nangati dahil sa alikabok mula sa mga nagdaraang
sasakyan.
“Ibili mo ako ng babana que. Doon sa kabila.” utos nito sabay turo ng kabilang kalsada.
“A–ako. Di…di pa ako marunong tumawid.” napapayukong tangi ko. Grade 5 na ako pero dahil hindi naman ako laging pinapalabas ng bahay kaya marami akong hindi kayang gawin. Isa pa ang laki ng kalsada paano ako tatawid tapos may nga sasakyan pang dumadaan.
“Ang tanga mo naman Yuri! Tumakbo ka lang at bumili ka tapos tumakbo ka ulit. Bilis!” Mando nito na umalsa pa ang kamay kaya napaatras ako. “Bilisan mo kung ayaw mong isumbong kita kay
Mama.”
“O–Oo na.” Sagot ko, huminga pa ako ng malalim bago ako tumakbo ng malayo pa ang isang
sasakyan.
00
15
OONN
111
1/2
23: Stop Crying–1
+25 Points
“Mabilis lang diba!” sigaw nito sa kabilang kalsada. “Bumili ka bilis.” Palapit na ako sa tindahang naroon nang maalala kong wala nga pala akong pera. Hindi naman ako binibigyan ni Mama ng baon. Si Atasha lang dahil ito raw ang magbibigay sa akin dahil ito ang mas matanda.
Pero never akong binigyan ni Atasha. Kaya sa tuwing recess wala akong snack. Wala ring nagbibigay sa akin na classmate namin dahil inaaway ni Atasha. Paglingon ko para sabihing wala akong pera. Hindi ko na nakita si Atasha.
“Atasha!” sigaw na tawag ko dito. Gusto ko sanang tumawid pero dumami na ulit sasakyan. At sa kamalasan bigla pang umulan. Kaya napatakbo ako sa tindahan.
“Oi bata! Huwag kang magnanakaw sa paninda ko ha.” anang babae na may makapal na kilay at nakangusong mapulang labi.
“Hindi po makikisilong lang po,” napapayukong saad ko. Lalong lumakas ang ulan kaya nagsumiksik ako sa tabi ng tindahan pero dahil may butas rin ang yero sa bahaging iyon kaya natuluan rin ako. Nabasa na rin ang sapatos kong idinikit lang ni Ate Silia nang glue. Hindi pa kasi bumibili ng bagong sapatos si Atasha kaya wala pa akong magagamit.
Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakasiksik sa gilid ng tindahan. Hanggang sa tumila
na rin ang ulan.
“Ne uwi ka na sa n’yo. Huwag ka nang tumabay diyan,” taboy sa akin ng babae. Kahit hindi ako sigurado kung paano makakabalik ay nagpasalamat na lang ako sa babae na nagliligpit na nang paninda nito. “Malas na ulan naman oo…”
Hinantay kong mawala ang mga sasakyan bago ako tumawid. Nagawa ko naman nang maayos kaya natuwa na rin ako sa sarili ko. Nagsimula na akong maglakad babalik sa daang tinahak namin kanina. Pero hindi ko na makita ang eskinita na dinaanan namin.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)