Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 407

210 Worried #ie1

210: Worried Wife-1

210: Worried Wife

“BAKIT BA kailangan nating pumunta dito?” maktol ni Zade nang wala itong magawa kundi ang sumama ng pilitin ko itong pumunta kami St. Joseph para magpacheck up. Next month pa ang follow up check-up nito pero, kaninang bigla itong namutla at sumakit raw ang ulo ay hindi na ako natahimik pa.

“Dok I’m fine,” giit nito kay Dok Henry Park na siya ngayong kausap namin.

“I’m glad to see you again Mr. Dela Merced,” nakangiting saad nito.

“Sumakit lang nang kaunti ang ulo ko pero ang kulit na niya. Mas demanding pa siya sa Mommy ko,” walang prenong lintaya ni Zade na ikinailing ko na lang. Wala pa rip ata itong ideya kong gaano ako nag-aalala kapag nakikita ko itong may nararamdamang masakit sa katawan.

“Tell me, may masakit ba ngayon sa’yo? Do you feel dizzy o kaya nasusuka ka ba dahil sa pagkahilo?” kalmadong tanong nang doktor.

“None of those, I just saw some unclear memory kaya sumakit ang ulo ko, pero ayaw niyang maniwala,” kibit balikat nitong sagot.

Napasimangot naman ako nang mahinang tumawa si Dok Henry. Akala ata madali lang ang pakiramdam nang nag-aalala.

“Mr. Dela Merced, it’s normal if your wife does care for you. Dapat ipagpasalamat mo pang nag-alala siya kasi once na wala na siyang paki-alam. It’s end game makahulugang saad ni Dok Henry na ikinatitig ko

dito.

Bakit parang may hugot si Dok?

“You’re married, right Doktor?” usisa naman ni Zade.

“Yeah, at mas nakakatakot ang asawa ko kapag nag-aalala.” Nakatawang saad nito. Kita kong natigilan si Zade at napatitig kay Dok Henry.

Γ

“Sige ho, hindi ko lang maintindihan ang sitwasyon ko ngayon. If you knew what I mean, waking up married at seventeen,” naiiling na saad nito.

“May ilan-ilan akong nae-encounter na ganyan kaya naiintindihan ko ang sitwasyon mo, my advice is. Sundin mo lang ang asawa mo, you might regret disobeying her, kapag bumalik na ang alaala mo.” nakangiting saad ni Dok Henry na ikinangiti ko. At least nauunawaan naman pala niya ang pakiramdam ko. Nag-advice lang itong magpahinga lang si Zade at sundin ang meds nito na lagi ko namang ginagawa. Kaso hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala.

“Sorry kung pinag-aalala kita,” ani Zade nang naka-uwi na kami. Natraffic kami kaya halos padilim na nang makarating kami sa bahay.

210 Wored Wife. I

“Okay lang natakot lang siguro ako na baka—” kusa ko nang binitin ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin kay Zade. Pero dahil inassure naman ni Dok Henry na normal lang ang pagsakit nang ulo ni Zade kapag may mga naaalala ito. Which is a good sign pa nga raw dahil madali nang babalik ang

memory nito.

“Ang sabi ni Javier hindi naman daw ako naging sobrang mabait sa’yo noon, pero ang bait mo pa rin sa akin ngayon,”anitong ikinatitig ko dito.

“Nakaraan na ‘yon Zade, huwag mo nang isipin. Naging maayos na tayo kaya iyon na ang mas mahalaga,” ani kong humakbang ako palapit dito. Kita kong nagulat naman si Zade dahil sa paglapit ko. At hindi nakaligtas sa mata ko ang paglunok nito.

Saka ito umatras sa namumulang mukha.

“Bakit kailangan mong lumapit,” mahinang tanong nito na lalong namula. Hindi ko talaga inaasahang ganito ka conservative ang asawa ko.

Ayos lang naman, pero parang nakakailang rin na ako pa ata ang gagapang kay Zade para makuha ko ang reward ko pagtuluyan na itong gumaling.

“Bawal ba? Mag-asawa kaya tayo,” pag-aasar ko dito. “Buti pa ang pagiging seloso mo hindi nawala.”

“Ako? Seloso, hindi no. Sino naman pagseselosan ko? Never pa akong nagselos,” giit nitong ikinatawa ko. Wala pa ring ipinagbago, ayaw pa ring umamin. Naiiling na na lang ako.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)