24 Coincidence–1
24: Coincidence–1
24: Coincidence
+25 Points
“KAYA KO NA ‘to,” tanggi ko kay Zade saka mabilis kong kinabig ang kamay kong hawak nito. Para akong napaso saglit dahil doon. Noon naniwala akong mabuting tao si Zade dahil siya ang nagpakita sa murang isipan ko na hindi naman lahat ng tao salbahe at mapanakit tulad ni Mama at
ni Atasha.
Pero tama na ang tatlong taon. Siguro sa bayad na ako tulong ni Zade sa akin noon, Ako na lang naman ang nakaka–alala nu’n. Sabi rin naman nito walang bayad ang tulong.
“Puwede ba Yuri, bakit mo kasi hinayaang gawin ni Atasha ang ganito. I can’t believed she’d resort to this kind of behavior,” naiiling na saad nito.
Nagawa kong ngumisi sa sinabi ni Zade. Saka ko mabilis na pinahid ang luha ko.
“Wala ka pa ring naiintindihan,” nasabi ko saka ako tumayo na para lumayo dito. Kahit naman sabihin kung gawain na ni Atasha ang ganun sa akin hindi naman ito maniniwala.
Nagpasya akong lumabas na lang ng kuwarto at magpahangin sa balcony. Gusto kong alisin sa isipan ko ang mga masasamang alaala ko. Hindi ko na dapat iniisip ang lahat ng masasakit.
Hindi ko na alam kung ilang sandali na akong naroon sa balcony nang maarinig ko ang yabag ng paang palapit sa akin.
“Maayos na iyong kuwarto. Doon ka na magpahinga,” anang ni Zade sa kalmadong tinig. Tumango lang ako pero hindi ko na ito tinapunan ng tingin. “Yuri… kinuha mo ba talaga ang kuwentas ni Atasha?” mahinang usig nito na ikinangiwi ko.
Of course, Zade will do everything to prove Atasha’s innocence. Kita kong natigilan ito nang balingan ko si Zade.
“Nagtatanong ka? For what?”
Kaagad nasira ang guwapong mukha nito sa tanong ko saka naihilamos nito ang kamay sa mukha. “Dahil gusto kong maunawaan kung bakit gagawin ni Atasha ang ganung bagay. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya. She’s fragile and-”
“Fragile?” pabalang na sambit ko. Saka ko napailing na lang na iniwan ito. Wala rin namang papupuntahan ang mga paliwanag ko.
NAPAKAMOT na lang ako nang ulo habang sinusundan ko nang tanaw si Yuri. Iba ang sinabi ni Aling Susan na dahilan ng pagwawala ni Atasha. Pero iba rin ang sinabi nito. Kaya nagtungo ako sa pribadong opisina ko para tingnan ang record ng CCTV. Pero sa kung anong dahilan hindi gumana
00
15
OONN
O
Coincidence–1
ang audio nang record.
+25 Point
Kaya hindi ko masabi kung ano ba talaga ang totoo. Lalo’t wala atang planong magpaliwanag si Yuri. Ganun ito noon pa man. She prepared silence over explaining herself why?
Mali ang ginawa ni Atasha. But at some point vocal ito sa pagsasabi ng galit nito kay Yuri dahil sa nangyari noon. I could understand that. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit lagi silang nag–aaway gayong magkapatid naman sila.
Wala akong kapatid kaya marahil hindi ko maunawaan. Pero alam kong hindi normal ang galit sa pagitan nilang dalawa. Sa tingin ko may dapat akong alamin sa sitwasyon ni Yuri.
“NAHULI ka ni Zade, pamhira kang bata ka. Anong sabi?” Usisa ni Natasha sa anak.
“Sa tingin ko naman naniwala siya na ninakaw nga ni Yuri ang kuwentas ko, bakit kasi umuwi pa siya. Gosh kainis!” padabog na maktol niya sabay sandal sa sofa.
“Hayaan mo na, gumawa ka na lang ng paraan para hindi magalit sa’yo si Zade, anak. Hayaan mo’t kakausapin ko,” pag–aalo ni Natasha sa anak.
“No need mom. Alam ko namang kahit anong mangyari ako ang paniniwalaan ni Zade,” kumpiyansang saad nitong naroon ang masayang ngiti sa labi. “Ano nga palang gagawin natin para hindi makapunta si Yuri sa party sa susunod na araw, Mom?”
Isang nakakalukong ngiti naman ang namutawi sa labi nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)