38: If I Find Her?
“SHE’S THE… No! Seriously Kuya?” Halos mag–isang linya ang kilay ni Gary, dumalaw ito ng ibalita ni Daisy na natagpuan na ang nawawalang anak ni Charlene. Naroon sila sa mahabang kumedor para sa lunch. Umalis na ang mag–asawang Montefalco dahil nalulungkot lang daw ang mga ito. “Margarette, she’s your niece from now on,” sita dito ni Gaston na seryosong kumakain.
“Nakita n’yo ba ang asawa ng inaanak ko si Zade Larson, she looks like–”
“Gary!” May diing saway ni Gaston dito. Matagal nang ipinagbawal nito ang pagsambit sa pangalan ng dating asawa.
“Why do you hate her so much? Ikaw naman ang may kasalanan kaya siya lumayas,” naiiling na saad ni Gary. Napayuko naman si Daisy na hindi komportable sa paksa.
“Bakit ho pala umalis ang-” sabat ni Atasha pero tila nabilaukan para sabihin ang salitang Mommy? “Ang totong ina namin,” malumanay nitong tanong.
“Kung hindi mo nga kilala ang sarili mong ina, bakit ka pa interesado sa kanya. Just eat,” walang ganang saad ni Gaston na pinunasan na nang table napkin ang bibig.
“Tapos ka na ba darling?” malambing na tanong ni Daisy sa asawa.
“Oo, may lakad kami ni Clarence,” sagot nitong tumalikod na patungo sa private office nito. “Bakit hindi ka sumabay nang lunch?” sita nito sa anak na kampanting nagbabasa ng papeles sa harap nang laptop nito.
“I’m not like you dad, I can’t even look at that woman,” naiiling nitong saad.
“Paano ka naging negosyante kong hindi mo kayang kontrolin ang emosyon mo. You wanted
revenge for your sister right?”
“Of course! I’ll make them pay for everything,” tiim bagang saad nito.
Isang mapaklang tawa ang pinawalan ni Gaston saka naupo sa couch. “Ang lakas ng loob nilang lukuhin tayo. I’ll give them what’s right for them. Siguruhin mong, wala munang makakalam na kahit na sino ang tungkol sa kapatid mo,” paalala nito. “Nasabi mo na ba sa kanya?”
“Hindi pa dad, you should be the one to tell her. At iyong Zade Larzon na iyon. I’ll take out all your
investment sa kompanya niya.”
“Wala namang silbi iyon, maliit na porsyento lang ang investment natin sa Delamers. Pero hinahanap niya si Yuri hindi ba?”
00
15
OONN
III
1/3
38 If Find Her?-1
“Oo dad, may mga taong nakasunod sa kilos namin. Kaya nag–iingat rin kami.”
“I see.”
+25 Points
“Pupunta na ba tayo?” tanong ni Clarence sa ama na tipid lang na tumango. “Tatapusin ko lang itong sss ko sa mga abogado. I hope you don’t mind my action later.”
“Para saan pang ikaw ang CEO ng kompanya kung hindi mo gagawin ang gusto mo. You handle everything, son. May tiwala ako sa’yo.”
“PAANONG WALA JAVIER?” inis na tanong ko dito.
“Ginawa na namin ang lahat sir, pero sa tingin ko naging masyadong maingat si Mr. Saavedra. Kaya lang hindi ka ba nagtataka kung bakit masyado niyang pinoprotektahan ang asawa mo?”
“Anong ibang dahilan ang puwede kong isipin? Wala nang iba, that Saavedra is hitting on my wife, tiim bagang saad ni Zade dito. “Kapag nahanap ko si Yuri, hindi na makakalapit ang Saavedra na ‘yon sa asawa ko.”
“Puwede ba Sir, hindi pa nga natin nahahanap ang asawa mo, at higit sa lahat. Lumabas na raw ang DNA test ni Miss Atasha. Anak raw siya ng mga Saavedra.”
“Wala akong paki–alam sa babaing iyon! Ang asawa ko ang kailangan ko kaya huwag mo nang bangitin pa si Atasha,” sermon ko dito. “Iyong condo at ang kotse, pati na ang credit card, unti–untiin mo lang. Saka natin isunod ang investment ko sa km”
“Okay. Bakit kasi ang hirap niyang hanapin. Saan ba siya nagtatago?”
“Sa tingin mo ba may Lugar na gustong puntahan ang asawa mo?” natigilan ako sa tanong na ‘yon
ni Javier.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)