43: Pag–asa–1
43: Pag–asa
FEW MONTHS Later
“HUWAG KA na kasing magpagod, Yuri, nasaan si Ate Rita?” saway sa akin ni Martin nang maabutan ako nitong naglilinis ng mga gamit ko sa pagpipinta. Malapit na akong manganak. Kaya gusto kong malinis ang mga painting materials ko, habang pahinga ako sa pagpipinta. Lilipat rin kasi kami sa bahay ng mga Saavedra sa bayan. Para malapit lang kami sa Ildefonso Medical Hospital.
Ang anak ni Manang Tess ang katiwala sa bahay na ‘yon.
“Hindi naman nakakapagod ‘to Martin. Ako nga ang napapagod sa paroon parito mo eh,” biro ko dito. Paano naman kasi mas madalas pa itong nasa bahay bakasyunan kaysa sa sarili nitong bahay.
“Ako na nga n’yan. Manganganak ka kaya dapat magrelax ka. Kailangan mo nang lakas. Mahirap daw manganak kala mo,” anito pang pumuwesto na sa tabi ko.
“Siguro. Nakakatakot pero naeexcite naman akong makikita ko na ang anak ko,” pag–amin ko
na ikinatawa nito.
“Natutuwa akong mas masigla na ang ngiti mo ngayon.”
“Ganun ba, siguro kasi ilang buwan na akong walang ibang iniisip kundi ang sarili ko at ang magiging anak ko.” Totoong saad ko saka ko pinunasan ang paint brush ko air dry lang dapat para hindi madaling masira ang brush. Tumulong na rin ito sa paglalatag ng mga ‘yon.
“Yuri, anong plano mo pagkapanganak mo?” maya–maya tanong nito.
“Ah, may trabahong in–o–offer sa akin si Sir Gaston. Kaya kapag puwede na akong magtrabaho. Iyon ang gagawin ko. Ang laki na rin ng utang na loob ko sa kanila kaya kahit paano gusto kong makabawi.”
“Paano ang baby kung magtatrabaho ka?”
“Si Ate Rita ang magiging tagapag–alaga nang baby, pumayag na siya. Saka mas gusto ko na rin iyong kilala ko. Sa bahay raw ni Clarence kami titira. lyong apartment ko kasi pinapaupahan na ni Moira para may income rin ako.” Nagawa kong ngumiti dito. “Alam mo, hindi man ako masuwerte sa pamilya. Masuwerte naman ako sa mabubuting kaibigan.”
“Puwede pa rin akong dumalaw diba? I mean—. Ano ba talaga ang relasyon n’yo ni Clarence hindi ko maintindihan. Nakaka–inis siya minsan,” nakasimangot nitong saad.
43 Pag–asa–1
“Sympre magkaibigan kami.”
“Pati si Senador, kaibigan mo rin?”
“Hmm… siguro, mabuti ang pagtrato niya sa akin, saka apo na daw niya si baby Zayu.”
“Zayu?” sambit nito. “Bakit ganun ang pangalan ng baby?” mahinang sambit nito.
“Si Moira nakaisip noon,” paliwanag ko dito.
“Iba na lang kaya.”
Claim
Bakit naman? Ano bang gusto mong ipangalan sa baby?” Natatawang saad ko dito. “Kakaiba kasi ang pangalan saka—” kusa kong binitin ang sasabihin ko. Lately ko lang narealize kung anong ibig sabihin ng Zayu. Pangalan pala namin ni Zade iyon. “Regalo ko na
rin siguro sa anak ko,” nagawa kong ngumiti dito.
Alam ko kasing imposible nang maging ama pa si Zade sa anak ko. Lalo’t magkaka–anak rin ito at si Atasha. Sa ugali ni Atasha malamang magalit lang siya kapag nalaman nitong may
anak rin kami ni Zade.
“Gusto mo pa rin siya?” seryosong tanong nito.
“Ha?” Muli akong napatitig kay Martin. “Ano bang sinasabi mo?”
“Ang asawa mo—”
“Ex–husband, baka sa ngayon wala nang bisa ang kasal namin ni Zade. Kaya ex na.” pagtatama ko, ngumiti ako sa sinabi ko kahit may pinong kurot pa rin naman sa puso ko. Pero alam ko naman sooner or later makakamove on na rin ako ng tuluyan. Nagustuhan ko rin naman kasi talaga ang pangalang Zayu, dahil kakaiba at unique at may magandang kahulugan. “Zayu no Mie, ibig sabihin words to live by.”
“Zayu Mia na lang.”
“Ah oo nga no. Sige.” Nagawa kong ngumiti ng matamis kay Martin.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)